3

32 2 0
                                    

Iyak lang ako ng iyak sa tuwing naaalala ko si Ate Ading. Miss na miss ko na siya. Hindi ko na din kaya dito sa pamamahay nila Sandra. Grabe na ang pagmamaltratong ginagawa niya sa akin. Hindi din naman sana ako mapupunta dito kung sinunod ko lang ang mga sinabi ni Inang noon. Kung sinunod ko lang sana sila.

"Amang, gusto kong makapagtapos ng pag-aaral" sabi ko sa aking ama kahit alam ko namang tutol siya sa aking desisyon na sumama sa aking Antie na lumuwas ng Maynila. Dahil papag-aralin niya daw ako. Tuwang-tuwa ako noon dahil gusto ko din namang umasenso ang aming pamumuhay. Kung kaya't kailangan ko talagang sumugal at makapagtapos sa pag-aaral dahil para din naman ito sa kanila.

--
"Anak, hindi kana ba talaga mapipigilan?" wika ng aking Inang.

"Inang, para din naman ito sa atin. At nandyan naman si Antie Evelyn para samahan  at gabayan ako" sagot ko sa aking Inang.

"Kahit na anak. Malaki ang Manila at hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala. Lalo na't mawawalay ka sa amin. Kung makapaghihintay ka pa sana. Mapapag-aral ka din namin ng iyong Amang"

"Inang tatlong taon na po akong naghihintay at si Antie Evelyn na ang kasagutan sa ating mga pangarap. Pangarap na umasenso at makapagtapos ng pag-aaral." Kahit labag sa kanila Amang at Inang ang aking desisyon tumuloy parin ako at sumunod sa aking Antie na lumuwas ng Maynila dahil nandoon ang kaniyang hanapbuhay at ang kaniyang pamilya at anak na si Sandra.

Nang dahil sa maling desisyon ko eto ako ngayon naghihirap para mabayaran ang utang ng aking pamilya sa aking Antie.

At ang akala kong mabait na Antie ay siya din palang magpapahirap sa akin ng husto.

Longing For LoveWhere stories live. Discover now