2

50 2 0
                                    

"Aya!" Tawag sa akin ni Ate Ading nang matapos ko nang ihatid ang pulutan kina Sandra.

"Po?"

"Halika. May sasabihin ako sayo." Sabi niya sakin.

"Sa susunod na araw na ako aalis dito. Alam na rin ito ni Ma'am Isabel. Ang inaalala ko lang eh, ikaw. Sana huwag kang magtampo sa akin"

"B-ba-bakit naman po? Ayaw niyo na po ba dito?" Maluha luhang tanong ko kay Ate Ading.

"Alam mo naman Aya na hindi sapat ang ibinabayad nila sa akin dito. May pamilya din akong tao. Oo ayaw ko na dito. Nahihirapan ako. Lalo na't mabigat ang pinapatrabaho nila sa atin dito"

"P-pero..."

"Makinig ka Aya, sa oras na makatakas ka dito tutulungan kita" nahihirapang wika ni Ate Ading.

"Ngayon pa lang po, nahihirapan na ako. Lalo na't aalis na rin kayo"

"Kayanin mo Aya" naluluha na ding sabi ni Ate Ading sa akin.

~~~
"A-ate si-sigurado na po ba kayo?? Iiwan niyo na po ba talaga ako dito? H-huwag naman po kayong umalis. Parang a-awa niyo na p-po. Wa- wala na p-pong mag-ta-tanggol sa akin kina Anti." Naiiyak ko nang pakiusap kay Ate Ading na nag-iimpake na ng kanyan mga gamit.

"Hindi p-pwede yang sinasabi mo A-aya. T-tandaan mo sa oras na makatakas ka dito, a-ako mismo t-tutulong sayo. Ito ang address ng bahay na pagtatrabahuhan ko" sabay lahad niya sa akin ng isang piraso ng papel.

"Pe-pero."

"Basta mag-ingat ka lagi d-dito" sabay tayo niya at hawak sa kanyang mga bag.

"A-ate"

"S-sige na Aya. A-alis na ako. Tandaan mo ang mga sinabi ko. H-huwag ka ding mag papaapi sa kanilang mag-iina."

"A-a-te"

"Naiintindihan m-mo ba a-ako Aya?" Sabay pahid niya sa aking mga luha.

"O-o-opo. Makakatakas rin po ako dito. Pa-pangako po yan"

Longing For LoveWhere stories live. Discover now