9

14 2 0
                                    

Ngayon ko lang nalaman na nakatira pala si Xavier sa isang condo. Kung tama ang aking hinala na sa isa kaming sikat na building pumasok. Nasa ika-labing siyam na palapag ang kanyang tinutuluyan.

"Dalawa ang kuwarto nito. At isa ang sa iyo" pormal na sabi ni Xavier habang naglalakad patungo sa kusina at nagsalin ng mainit na tubig sa dalawang tasa.

"Ako na ang magtitimpla"

Ipinaubaya naman niya iyon sa akin at naupo na lamang siya sa harap ng mesa matapos humila ng upuan at mataman niya akong pinagmasdan lingid sa aking kaalaman.

"What's your real name?"

"Aya Jane Bermudes."

"Paano ka napunta kina Sandra?"

"Kinuha ako ni Auntie mula sa amin at pinangakuan niya akong pag-aaralin." At sa pagitan ng garalgal na boses ay kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat.

"And you're nowhere to go"

"Kaya nga ang ginawa mong pagtulong sa akin ay tinatanaw kong isang malaking utang na loob"

"Forget it dahil mayroon akong sasabihin sa iyo. Alam mo namang kami ni Sandra hindi ba?"

Tumango lamang ako sa sagot.

"We're already planning for our wedding and she back- out a while ago" halos pabulong na niyang sabi. "Ipinagkasundo na siya ng kanyang Mommy sa anak ng kanyang business associates. We fought and I told her that I would marry a girl whom I'll saw first, and that's you. So... Anong masasabi mo?"

"A-ako?" Kandautal kong sagot.

"Yes, you" sabi niya.

Akala ko nagbibiro lang siya. Pero, seryosong-seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.

"Bakit ako pa?" Turo ko sa aking sarili.

"Because you're a Bermudes"

Sumaksak sa utak ko ang rason ni Xavier. Gusto talaga nitong maghiganti kay Sandra.

"Gagamitin mo ako para masaktan si Sandra?" Nauutal ko na namang tanong sa kanya.

"Gusto kong ipakita sa kanya na hindi lang siya ang babae dito sa mundo" Mapait na sabi niya. "In your part, you'll get your revenge on what they did to you. Ipapakita natin sa kanila na they're not always on top."

"Pagtatawanan ka lang niya" nag-aalalang sagot ko. "Hindi kami magkapantay. Ang dapat mong ipalit sa kanya ay yung mas malaki ang kahigitan sa kanyang mga katangian"

"Gusto ko siyang mainsulto"

"Dahil isa lang akong katulong?'' Nanghihinakit na wika ko. "Walang pinag-aralan at mahirap lang."

"No. Ibibigay ko ang mga bagay na ipinagkait nila sa iyo. Mag-aaral ka sa college sa susunod na semester."

Sa narinig kong iyon ay daig ko pa ang nanalo ng lotto. Tuwang-tuwa at nalimutan ko na ang kapalit ng kanyang plano. Hindi ko na inisip kung ano ang mangyayari sa buhay ko. Basta ang mahalaga makakapag-aral na ako. Malaya na ako sa kanilang mag-ina.

Bigla akong natigilan ng mapansin na may kasama pala ako.

"Uhhmm sabi ni Sandra mayaman ka daw. Totoo ba?"

"Hindi naman." Mababang sagot niya. "Just enough to live comfortably. Why did you ask?"

Nahihiya man pero sinabi ko sa kanya ang totoo.

"Sabi ni Antie, may utang si Amang sa kanya. Mga twenty thousand daw, kaya sa halip na pag-aralin ako ay ginawa niya akong katulong. Puwede bang..."

"Okay. I get it." Putol sa akin ni Xavier. "Pero nakaharap ka bang inabot sa Amang mo ang pera?"

Agad akong umiling. "Narito na ako sa Maynila nang sabihin sa akin iyon kaya wala akong nagawa."

"Did you already ask your parents about that?"

"Hindi naman nila sinasagot ang mga sulat ko." Nanghihinakit na sagot ko.

"Hindi mo man lang ba naisip na maaaring hinaharang ng Antie mo ang mga sulat na galing sa iyo? And it's your first time to be apart from them and it's only natural that they will be happy  from the news that you will told them" sabi niya.

Hindi ko man lang naisip iyon. Agad akong nagtampo sa kanila. Ni hindi ko muna hinintay ang mga kasagutan nila. Na baka nga itinago lang lahat ni Anti ang mga sulat ko. At biglang-bigla'y na miss ko ang buong pamilya.

"Matulog kana. Baka mahulog ka pa diyan sa inuupuan mo" dumilat ako at nakita kong ngumiti si Xavier sa akin. "Magpahinga ka na't bukas na bukas din ay magpapakasal na tayo." Patuloy niya. "It's better na magpakasal na tayo at baka masundan ka nila dito" makahulugang sabi nito at tumayo na.

Hindi ko na iyon pinansin bagkus ay nagpasalamat ako sa kanya at pumasok sa kuwartong kanyang tinuro. Kahit na pagod na pagod ako ay nakuha ko pang tignan ang buong silid.

Maaliwalas ang paligid pero masculine scent ang aking naaamoy. May nakita akong dalawang medyas, pantalon sando at briefs sa sahig. Siguro nagkamali lang ako nang pinasok na kuwarto. Baka nga kay Xavier ito. Pero imposible dahil nakita ko siyang pumasok sa isang silid kanina.

Abala ako sa pag-aayos ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Agad nanlaki ang aking mga mata.

"Who are you?"

Longing For LoveWhere stories live. Discover now