7

10 3 0
                                    

Gulat na gulat ako nang bumalik si Inday ay nag-aalsa balutan na siya.

"I-inday? Ano nangyari? Ba't ka nag-iimpake?"

"Walang hiyang Sandra 'yan!  Porke't tinulungan lang kita na magamot yang sugat mo sa mukha ay magagalit na siya kaagad sa akin?"

"P-pero Inday..."

"Huwag ka nang malungkot dahil sa kanya na nagmula ang pag-alis ko dito"

"Paano na ako?" Naguguluhang tanong ko.

"Basta tumakas ka"

"Hindi ko alam" mangiyak-ngiyak na sagot ko.

"Ito" at inabot niya sa akin ang  papel kung saan nakalagay ang Address ng bahay ng magiging amo niya. "Matagal na niya akong hinihintay. Kaya lang hindi ako maka-alis dahil sa pakiusap ni Madam. Sumakay ka nang taxi at sabihin mo sa driver ang address na yan" biglang lumabas si Sandra

"Anong pinagbubulungan niyo?" Paangis na tanong niya.

"Wa-wala. Nagpapaalam lang si Inday" maagap kong sagot.

"At ikaw, ba't naririto ka pa?" Baling niya kay Inday.

Walang sabi-sabi na dinampot ni Inday ang kanyang maleta at tinignan ako ng makahulugan bago umalis

"Ngayon," at humalukipkip si Sandra. "Since na ikaw ang naging dahilan ng pagpapalayas ko sa babaeng iyon, ang mga gawain niya ay ikaw na rin ang gagawa"

"Paano na ang mga gawaing nakatoka sa akin?"

"Problema mo na iyan!" Pairap na sagot niya at paika-ikang lumayo.

Naiwan akong nakatulala. Kung gayo'y mas lalo na akong mahihirapan. Double time dapat ang mga kilos ko.

Bago tuluyan akong iwan ni Sandra sa kuwarto ay muling lumingon siya at sinabi "At isaksak mo rin sa utak mo na Xavier IS MINE"

Lalo akong natulala sa narinig. Ba't bigla akong nasangkot sa usaping wala akong kinalaman? At sa tao pang madalas siya ang pansinin.

Pagkatapos kong maglinis ng bahay at makaluto ng tanghalian ay isa-isa kong binabad ang maruruming damit at naupo sa harap ng batya. Sa dami ng mga labahin ay halos lumubog na ako sa bula ng sabon. Ang wisik ng tubig sa tuwing kukusutan ko ang mga damit ay hindi maiiwasan kaya ang sugat ko sa mukha ay nasasabuyan. Ang sakit na aking nadarama ay lalong tumindi kasabay ng paghahapdi ng aking pisngi. At hindi ko na napigilan ang umiyak sa kalagayang natamo ko ngayon. Lahat nalang sila ay iniwan ako.

Madilim-dilim na ng ako'y makatapos sa mga gawain. Ang mga kamay ko'y namamanhid gawa ng pagkakababad sa tubig ng matagal.

Papasok na sana ako sa aking silid nang madaanan ko sila Sandra at Xavier na nag-tatalo sa sala.

Sabik kong hiniga ang katawan at matagal na tumitig sa kisame. Hindi ko na talaga kaya ang lahat. Kung hindi ako kikilos ay baka tuluyan na akong maging baliw. Iniyak ko nalang ang mga hinanakit ko.

Bumangon ako matapos pahirin ang mga luha sa mata. Kinuha ko ang bagay na itinago sa ilalim ng kama saka nagpalinga-linga. Humanap ako ng magandang lugar saan ko pwedeng isabit ang hawak-hawak na lubid.

Longing For LoveWhere stories live. Discover now