1

61 2 0
                                    

"Aya! Bilisan mo na diyan at dalhin mo na yang pulutan kina Ma'am Sandra" wika ni Ading sakin sabay tapik sa aking balikat at tinulak na ako sa kinaroroonan nila Sandra at nang kanyang mga mayayamang kaibigan.

"Ading, pagod na pagod na ako" sabat ko sa kanya.

"Ihatid mo na iyan at ako nalang magpapatuloy sa mga gawain mo"

"S-salamat talaga Ading" nanginginig na ang mga tuhod ko, dahil sa pagod ng paglalakad.

Buhat buhat ko ngayon ang mga pulutan nila Sandra. Birthday kasi niya kaya eto, my konting salu-salo sila. Kung tutuusin nga ang swerte swerte niya dahil halos lahat nalang nasa kanya na.

•Mayaman

•May mabait at gwapong boyfriend

•May mga kaibigan

Kaya nga lang ang pangit ng ugali niya.

Papalapit na ako sa kinaroroonan nila, at unti-unti ako ginagapang ng hiya dahil sa mga kaibigan ni Sandra. Ang wawild nila. Mabuti pa si Sir Xavier (bf ni Sandra) sa tabi lang ito naka-upo at umiinom lang ito ng tahimik.

Nilapag ko agad ang kanilang mga pulutan at dali-daling umalis dahil biglang tumingin si Sir Xavier sakin at ginawadan niya ako ng tingin at ngumiti ng konti sa akin.

------------

A/N

Hope you like it!! /('°3°)//

Longing For LoveWhere stories live. Discover now