Update 5 - Coffee, Books, and Farts

10 0 0
                                    


Bacon and eggs. Pancakes and whipped cream. Franks and hash brown. Coffee. I couldn't ask for more.

Nakangiti si Jacob nang sumubo siya sa kanyang bagong lutong bacon. Halos mapuno ang eight seater nilang narra-made dining table sa dami nang pagkain. Hindi naman na bago ito sa Gil household.

"How's your game, Luther?" Nag titimpla ng kape ang dad niya na nakaupo sa puluhan ng mesa. The usual black. Bitter, strong.

Pinunasan ni Jacob ang bibig niya with the table napkin. Sa harap niya nakaupo ang kanyang kapatid na si Andrea.

"Better, dad. I'm the team captain this year." Ngumisi siyang tumingin sa kapatid na may inis na expression sa mukha. "Nilapitan na rin ako ng scouts sa training. I guess I should expect a scholarship offer sa universities."

Conceited man pakinggan sa iba pero proud lang si Jacob sa sarili niya. Ever since grade school gusto niya na maging professional athlete. Iba naman ang gusto ng ama niya para sa kanya.

"That's good to hear." Walang emosyon na pagkakasabi nito. His father opened the newspaper tsaka siya ulit tinanong, "How about your academics? Can I expect a letter from the top universities as well?"

May tono sa boses ni Mr. Gil. Mina-mock siya ng sarili niyang ama. Yumuko siya, nilalaro ang pagkain. Tinignan ni Jacob ang kapatid niya na nagkibit balikat at umirap sa kanilang dad.

"Luther." Napaangat na ulit ang ulo niya. Magkahawig sila pwera lang sa wrinkles na nasa mukha ng mas matandang lalaki.

"Yes, dad. My academics are fine."

"Fine not impressive."

Tahimik na ulit silang kumain. Nawala sa mood si Jacob. Yung kaninang sayang saya siya kumain ngayon halos ayaw niya na isubo ang nasa plato. Will he ever be proud of me? Tinusok tusok ng jock ang kanyang hash brown. His sister noticed this. She cleared her throat.

"Dad, I'm planning to join business club. They have seminars with known entrepreneurs. I think that would be a great edge for me in college."

Tumingin ang dad nila kay Andrea na may pride sa mata. Sinarado na nito ang newspaper.

"That's good to hear, hija. I'll ask your tito Geronimo as well if he can take you as his intern in the summer." Pinanood ni Jacob ang interaction ng dalawa. Ibang iba ang pakikitungo ng ama sa bunsong kapatid. He sighed but smiled at his little sister. Kahit ganon proud pa rin siya dito.

"My baby sister is the best!" Pang-aasar niya sa kapatid. Umirap naman ito sa kanya. Ayaw na ayaw kasi ni Andrea na tinatawag pa siyang baby sister ni Jacob.

"Kuya, really? Hindi na ako baby."

"What? You are! Kahit 50 years old ka na you're always 12 to me."

"Oh my god,kuya!"

Naputol ang banter ng magkapatid nang magsalita ulit ang dad nila. Still all business. Sinuot na nito ang necktie niya.

"Speaking of your tito Geronimo, he'll be back from Singapore next week. I'll arrange a dinner with his family. Shop your finest suits and dresses. I don't want less." Tumingin si Mr. Gil sa dalawa niyang anak as if they are his business partners not his children. Tumayo na ang padre de pamilya, hawak ang black suit case. "I heard uuwi lang siya for her daughter's game. So how is the girl?" Yung look ng dad nila expecting answer from Jacob.

"Uh...Francesca's fine. Team captain as well." The jock fidgeted while his mind raced for answers. "She's doing great, yes."

Andrea noticed something is amiss but she didn't react on it.

The Not So Typical Pinoy StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz