Chapter 21 ~Nights under the moonlight

1.1K 134 32
                                    

CHELSEA RAMOS

I’m falling deeply to this kid. We’re young but I feel in love with him slowly, It’s not because of his face, it’s not because of his common sense, it’s not because of his attitude. I fell in love with his personality, sweet moves and stupid jokes. I wish this moment never last. Lunod na lunod na naman ako sa mga titig niya.

‘I’m so in love. Siguro kung totoo man na naging sila ni Lily ay kakayanin ko siyang intindihin basta huwag lang siya mawala sa akin. Zanero! Ano bang ginawa mo sa akin.’

“Let’s go.” Saad ni Zane pagkatapos ng simba. S’yempre maglalakad ulit kami pauwi. Holding-hands pa rin kami dahil ayaw bitawan ni Zane ang kamay ko. Pero pansin ko rin na para’ng kakaiba ang kilos niya sa simbahan pa lang. Alam ko naman na may nakakakita sa aming mga classmates niya.

“Ano’ng ginagawa niya dito.” Zane murmuring. Habang nakatuon ang mata sa tumpok ng kabataan na madadaanan namin na nakatambay sa waiting shed ng school nila.

“May problema ba?” Curious na tanong ko. Sumama ang pakiramdam ko. I saw her. I saw Lily. Kaya alam ko ang tinutukoy ni Zane. Hindi maipinta ang mukha ni Zane, iniisip niya siguro na magtatanong ang mga kaibigan ni Lily kung bakit ibang babae ang kasama nito.

“Hindi ko alam. She’s with her friends at nakita nila na iba ang kasama ko. Sigurado aasarin na naman siya at ibubully.” Pagsusumbong ni Zane. Gagawa ng kalokohan tapos hindi kaya lusutan? Mas lalong nanikip ang pakiramdam ko pero ayoko’ng palakihin ang gulo.

“Sakalin ko? Sabunutan kaya? Aawayin ko?” Pagbibiro ko pero gusto ko talagang gawin but I’m trying to be cool and calm. Napalingon si Zane sa akin. “HAHAHA. Joke lang. Seryuso mo! Kalma lang, tell them that I’m your cousin.” I suggested and I know how I cool right now.

“Lalapitan ko lang sila. Hintayin mo ako. Saglit lang.” He said.

“Sige na. Lakad lang ako konte. Lapitan mo na. Just act normal.” I commanded him. ‘Act normal! My foot! Pinsan? Pwee! Hay naku Chelsea! Winning award ka for best martyr!’ I confronted myself while walking in hurried. Yes, iiwanan ko si Zanero. Bahala siya sa buhay niya. ‘But I suggested it kaya hindi ko siya pweding sisihin dahil sabi ko susubukan kong unawain ang sitwasyon niya hanggat sa maayos niya.’

“Bakit mo ’ko iniwan. Sabi ko hibtayin mo lang ako.” Humahangos na hinabol ako ni Zane. Dinakip niya ang isang kamay ko at pinadaop muli ang mga palad namin. Parang wala lang nangyari a’.

“Kumusta pag-uusap n’yo?” Hindi agad nakasagot si Zane, napatingin siya sa akin at binabasa ang expression ng mukha ko.

“Ayos lang, sinabi ko’ng pinsan kita snd I think naniwala naman sila.” Okay. Masunurin. Wow talaga. Pwedi niya na sanang aminin na ako ang totoong girlfriend niya e’ pero wala siyang balak.

“Good. Happy? Dahil nakita mo siya?” I’m pretending that it was nothing. Huminto si Zane sa paglakad at hinila ako palapit sa kanya. He hug me tight and I allow him to do that. He is trying to comfort me.

“Alam ko na hindi ka okay. I’m sorry hindi ko inaasahan ’yon. Tell me, ano dapat gawin ko para maging okay ulit tayo ngayong gabi?” He said with frown face. Kumawala ito sa pagkakayakap sa akin.

“Ayos lang ako, wala kang dapat gawin. Naiintindihan ko. Don’t worry about me. Mas lamang ako sa kanya kase ilang minuto mo lang siya nakasama samantalang ako halos magdamag. Ako ’yong kasama mo ngayon diba? I’m fine.” Mahabang saysay ko. Patuloy lang ang paglakad namin.

“Are you competing with her?” Tanong niya at iling lang ang isinagot ko. Huminto siya sa tapat ng malaking puno bago kami tumawid sa ilog. May liwanag pa rin ang buwan kaya hindi na kami gumamit ng phone para gawing flashlight.

Tell Her About Me ( Published Under IMMAC PPH La Gran Lista )Where stories live. Discover now