Chapter 29 ~ A Dance with Déjà Vu

127 53 0
                                    


CHELSEA RAMOS


“Thank God, you made it!” October Fest. Alas otso na ng gabi nang patakbo kong sinalubong si Myrtle sa labas ng gate. Niyakap ko siya nang mahigpit. Ngayon pa lang kami nagkikita simula nang umuwi ako sa probinsya. First week of October na tapos next week dapat ang flight ko. September pa kami dapat magkikita, pero naintindihan ko naman dahil may tinapos pa siyang mga paperworks sa school. Siya ay BSED graduate at nag-aaply sa mga private school, at natanggap naman agad.


“I’m sorry, babe! Na-miss kita!” She hugged me again. “And I miss you so badly! Doon tayo matutulog later sa Inn, okay?! Tara sa loob, magsisimula na ang concert.”

Tumango at ngumiti lang siya. Niyakag ko na papunta sa puwesto namin ni Joram at Xander. Sila lang dalawa ang sumipot sa usapan, feeling ko iniiwasan ako ni Wynno. Naiintindihan ko naman siya dahil mukhang ‘di pa siya nakaka-move on sa’kin.


This is a free concert. Sakto naman nandito pa ako, kaya makaka-bonding ko pa ang mga pinsan ko at si Myrtle. Grabe, siksikan ang mga tao rito. Lahat kasi ng mga kabataan ay invited ng local government, kahit ang karatig bayan ay invited din. Every year ay may ganito sila sa downtown, malapit lang sa beach ang venue kaya halos naririnig pa rin ang hampas ng alon sa dagat. Minutes away from Crossing. Isang scooter lang ang gamit namin nila Joram dahil kahit ang parking area ay sobrang siksikan na.


This year, a popular band was invited by the local government—Kamikazee band, and it was sponsored by the Mayor and Congressman. They paid for it. One of my favorite rock bands. Surely, we’ll enjoy. We were excited while taking our seats. Beer and alcohol were also free. So even before the concert started, beer was already pouring. Joram and I even lined up to get a case of San Mig.


That’s him! Isang pamilyar na pigura ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Fuck it, Chelsea! Bakit kakaiba ang nararamdaman ko? Para akong sinasakal. Hindi dahil guwapo siya sa suot niyang ripped jeans at black leather jacket, kun’di dahil mayroon siyang kasamang babae. At sigurado ako ngayon na hindi si Lily iyon. He’s with a girl in a pink dress while being held in Zanero’s arms. I followed her gaze until the end. Good thing my companions didn’t see it.
But I guess this has to end like this, as friends . . . Umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon na sinabi ko sa kaniya noong pauwi kami.


Wala akong karapatan magselos dahil friends na lang kami, ‘di ba? ‘Di ba, Chelsea? Kinakausap kong mag-isa ang sarili ko habang si Myrtle ay daldal nang daldal sa tabi ko.


Libo-libo ang tao sa concert hall, bakit ba kasi nakita ko pa siya?! Umay talaga ang tadhana, nakakasira ng gabi.


Nagulat ako nang umakbay si Xander sa akin at bumulong, “I saw him.” He smirked. Hindi nakakatuwa.


“Tara, guys! Doon tayo sa medyo malapit sa stage. May mga bakante pa ro’n.” I want to distract myself, buti naniwala naman ang dalawa sa akin habang si Xander ay patingin-tingin lang at nagmamasid. Nakakuha kami ng puwesto sa side na kaunti lang ang tao. Nagsisimula na ang concert pero mga local band pa lang naman. Nakaakbay ako kay Myrtle habang sumasabay paminsan-minsan sa lyrics na alam ko.


Shit! Ano ‘tong nararamdaman ko? Hindi naman ganito noong magkasama kami pauwi. Hinatid pa nga niya ako sa bahay tapos pinatuloy pa siya ni Mama at nagkape. Ang over ko naman! Nakita ko lang siya na may kasamang iba, bigla na namang nagulo ang mundo ko.
Nakakainis ka, Zane! Sino ba kasi ang babaeng ’yon?


“Hoy! Nakakatatlo ka na.” Nagitla ako dahil inagaw ni Myrtle ang hawak kong San Mig. Kahit ako, hindi ko napansin na dalawa ang naubos ko.


Tell Her About Me ( Published Under IMMAC PPH La Gran Lista )Where stories live. Discover now