Chapter 19 ~Confirmed, He Is Cheating

1.6K 162 60
                                    




CHELSEA RAMOS

Early the next morning I went to our Tourist Valley Inn, my mom and Lorraine stay there overnight. So, I don’t have food for breakfast, though my head was so heavy and I feel dizzy because I wake up so late. I used my scooter then drive going to Valley Inn. I was telling my self about that Zane’s issue not to worry, his feeling is genuine and I have realized that I was so lucky to be his girl. I feel proud and pretty.

“Chelsea! Ikaw ba yan?!” Sigaw nang isang dalaga na kaedad ko. Liliko na sana ako papunta sa Valley Inn nang tawagin ako ni Caroline, my childhood friend. Nagpreno ako at lumingon. Medyo may kalayuan sa bahay namin ang bahay nila Caroline, dalawang kanto ang layo.

“Ako nga! Kailan ka pa umuwi?” Excited na tanong ko sa kanya. Pinatay ko ang makina ng scooter at ipinarada ko sa labas ng gate.

“Kahapon lang ako umuwi. Nakita kita kagabi kasu hindi ako makalapit e’ pasok ia muna dali.” Excited na niyaya ako ni Caroline. Medyo close kami noong elelmentary, kasu lumipat siya ng ibang bayan kaya ngayon na lang kami ulit nagkita.

“Sakto, nakapagluto na si Mama ng almusal. Upo kana, dalhin ko dito sa terrace ang almusal.” Agad naman akong sumunod. Kaaalis lang daw ng mama niya pupunta ng palengke dahil birthday ng papa ni Caroline. Ilang sandali pa ay nakahain na si Caroline ng almusal nila at may hot chocolate pa. “Tara almusal na. Kainis akala ko mag-isa na naman ako kakain e’ buti dumaan ka. Saan ka nga pala pupunta?” Kinakausap siya habang naglalagay ng pagkain sa pinggan nila.

“Sa Valley Inn, nandoon sila Mama eh walang pagkain sa bahay.” Reklamo ko. At natawa naman siya. “Buti nakita talaga kita. Dito ka na rin maglunch ha. Iinom tayo mamaya. Birthday naman ni Papa kaya hindi bawal.” Saad ni Caroline na tuwang-tuwa. Last year ay nagjamming si Caroline sa amin nila Joram kaya alam ko na umiinom din siya.

“Baka kase hanapin ako ni---”

“Siya ata ’yong nakita ’kong katabi mo kagabi Chelsea? Or baka nagkakamali ako.” Putol sa sasabihin ko ni Caroline at sabay turo sa mga kabataang dumaan. Tatlong dalagita at dalawang binata, na sure akong si Zanero nga. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko dahil nakita ko si Lily. ‘Damn him!’ hindi ko mapigilan na huwag siyang murahin sa isip ko.

“Sige, inom tayo mamaya.” Pag-iiba ko sa usapan. Hindi na lang ako pinansin ni Caroline, pumasok siya para kumuha ng maiinom na tubig. Sinulyapan ko ulit ang mga dumaan. Sakto sa tapat ng scooter ko sy dumikit si Lily kay Zane na sa tingin ko naman ay umiiwas si Zane. Pero bakit kasama niya? Magkasama sila?! Kahit si Travis ay nandoon.

‘Hahabulin ko o hindi?’ Umakyat ang dugo ko sa ulo na halos mawalan na ako ng matinong isip. Gusto ko’ng habulin si Zane ngunit sakto naman paglabas ni Caroline. “Kumakain ka ng sisig diba? Sarap uhh tikman mo, niluluto ni Tita.” Sabay lapag ng sisig sa mesa.

“Kuha ka ng beer. Masarap ’tong pulutan e.” Sabay kindat ko kay Caroline at balik naman agad sa loob. ‘Okay, iinom na lang ako kesa sa habulin ko siya! Hindi ako aso!’ nangangalaiti sa galit ang dibdib ko. Okay na. Confirmed. Totoo talaga na may babae si Zane. Mukhang sweet nga sila. Maganda naman si Lily, bata pa at sigurado malambing dahil halos dumikit na sa katawan ni Zane.’ Dapat kagabi pa, bakit kase hindi ko magawang tanungin ang lalaking iyon! Dapat kagabi pa dahil mukha namang may itinatago siya sa akin e’ sobrang lambing niya kagabi, tapos dikit ng dikit para ipamukha sa akin na proud siya na ako kasama niya?! Sinungaling!

Ito na ’yong kabaliktaran ng kasiyahan nila kagabi. Sabi na nga ba, pagkatapos ng masasayang sandali ay kasunood noon ang pighati. He is cheating me! He is really cheating me. Zanero Guzman is fucking cheating me at hindi talaga ako makapaniwala!’ Nakakahiya kay Caroline, habang mimura ko si Zane ay nagkukwento rin pala ito. Tango lang ako ng tango. Hindi ko namalayan na tapos na kami kumain ng almusal tapos beer na pala ang iniinom namin.

Tell Her About Me ( Published Under IMMAC PPH La Gran Lista )Where stories live. Discover now