I S A

39 15 4
                                    

• S I N O  A N G  T O T O O ? •

Bilyon ang mga tao,
Iilan lang ang totoo.
Nakakatakot makihalo,
Sa nasisirang mundo.

Madaming ang nakapaligid,
Ngunit tila may mga sabit,
Sila ang mga taong ganid
Sa kanila, ikaw ay maiipit.

Hinahanap ang totoo
Ngunit bakit parang malabo?
Pagdating sa kalbaryo,
Lahat sila ay tumatakbo.

Nananatili sa masaya,
Sa lungkot ay nawawala.
Sa ginhawa ay kasa-kasama,
Sa problema ay iiwan ka.

Totoo ang mga nananatili,
Sa pagluha man o pagngiti.
Siguraduhing tama ang mapipili,
Dahil sila ang dadamay sayo hanggang sa huli.

Isang-daang TulaWhere stories live. Discover now