"Let's go" matigas na sabi ni Fidez dito. Hindi natinag si Mandee, mukhang desidido siyang patayin ako gamit ang kanyang matatalim na tingin sa akin.


"Del prado si Frank? Pero si Fidez ang del prado di ba? Del prado ka din Mandee?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Hanggang sa naningkit na ang kanyang mga mata sa akin at tumigas at mas lalong nagalit naman si Fidez.

Hindi na siya nagpapigil pa kaya naman ganuon na lamang ang gulat ko ng itulak niya ako. Muntik na akong mawalan ng balanse, mabuti na lang at nakabawi ako.


"What the hell are you talking about? Leave us alone" madiin at galit na galit na pagtataboy ni Fidez sa akin. Imbes na magalit pabalik sa kanya ay mas pumungay lang ang aking mga mata. I want to know.

Hahakbang sana ulit ako papalapit sa kanila ngunit muli akong tinulak ni Fidez, this time nawalan na ako ng balanse at napapikit na lamang habang naghihintay na bumagsak ang katawan ko sa sahig. Pero hindi nangyari, may brasong pumulupot sa aking bewang, at kahit hindi ko iyon tingnan ay alam ko na kaagad kung sino iyon.


"Anong ginagawa niyo?" galit at matigas na tanong nito kina Mandee at Fidez.

Mabilis akong napahawak kay Kenzo ng makaramdam ako ng kaunting pagkahilo. "Wala kaming ginagawa. Yang babaeng iyan ang lumapit sa amin" depensa ni Fidez.

Nagangat ako ng tingin sa kanila. Kung galit si Fidez kanina, mas galit siya ngayon. Samantalang si Mandee naman ay lumambot ang mukha. Kita ko ang pagpungay ng mga mata niya habang nakatingin kay Kenzo. I know, she's hurt. But the hell I care!

"Don't you dare lay your hands on my wife again, Fideliz" matigas at galit na pagbabanta ni Kenzo sa kaibigan.

Mapanuyang tumawa ito. "Sure. Basta at pagsabihan mo itong asawa mo na wag na wag lalapit sa amin!" laban ni Fidez sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa akin. I sense full of disgust in her stare. "Kung hindi, sasaktan ko talaga siya" pagbabanta pa niya.

Ramdam ko ang mas lalong galit ni Kenzo. "You try then, you try" madiin at parang kulog na sabi ni Kenzo sa kanya ng bahagyang lumakas ang boses nito.

Kita ko ang pamumula ng mga mata ni Fidez. Kahit ganuon ay nagawa pa din niyang ngumiti. Hanggang sa tumagal ang tingin niya sa akin. Ramdam ko ang naguumapaw na galit niya sa akin. Mas lalo siyang napatawa ng tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.


"Mangaagaw ka" madiing sabi niya sa akin.

"Fideliz!" asik ni Kenzo sa kanya. Pare pareho kaming napaiktad na tatlo dahil sa gulat.


"Kenzo..." mahinang tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya para sana pakalmahin siya.

"Stay away from us. Do you hear me?" madiing banta niya sa akin bago niya hinila si Mandee at lumayo sa amin.

Susundan ko pa sana sila ng tingin ng kaagad akong hinila ni Kenzo. Kinabig niya ang aking ulo patungo sa kanyang dibdib. Paulit ulit kong naramdaman ang halik niya sa aking ulo.


"Sinaktan ka ba nila?" tanong niya pero ramdam ko pa din ang galit sa kanyang boses. Marahan akong umiling, bukod sa pagtulak tulak ni Fidez sa akin kanina ay hindi naman niya ako sinaktan.


"Come on. Magrestroom ka na, I'll wait for you"


Iginaya niya ako patungo sa restroom. Ginawa ko ang kailangan kong gawin duon habang naghihintay si Kenzo sa labas. Tahimik kaming bumalil sa venue, mas lalo kong naramdaman ang seguridad sa mga hawak niya sa akin na para bang may pwedeng manakit sa akin kung hindi niya ilalagay ang kamay niya sa aking bewang.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now