Chapter 10

29 2 0
                                    

"Ilan na lang ang hindi natin nagagawa?" I asked her.

She scanned her notebook. The cold wind in their balcony kissed our skin. Nagalaw ng konti ang tela na nakabalot sa ulo niya.

"Let me fix this," sabi ko sabay lapit sakanya.

I felt her stopped. Sinilip ko siya at nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Is there any dirt on my face?"

Mabilis siyang umiling. I saw how the corners of her eyes became red. Tears pooled down on her cheeks.

"W-What happened? May masakit ba sa'yo? Do you want me to bring you to the hospital? Tatawagin ko si Tita-"

"Lothar, no..."

Hinila niya ako. She made me sit beside her. Tinaggal niya ang tela na nasa ulo niya. Bumagsak 'yon sa sahig.

And there, I saw her, without hair.

Pumikit siya at tumulo lahat ng luha. I immediately pulled her for a hug. Gumalaw galaw ang kaniyang balikat at humikbi.

I softly tapped her back. "What's the matter, Athena?"

"L-Liligawan mo pa rin ako kahit na— g-ganito ang hitsura ko?"

"Of course. Please stop crying..."

I was taken aback when she pushed me. Nagkalat ang mga luha sa kaniyang mukha. With a stern look, she looked at my eyes. She pointed her head.

"Look at me! Tignan mo! Tignan mo ang babaeng gusto mong ligawan!"

My gaze slowly went to her head and down to her face full of tears. I realized what she's thinking.

"Liligawan pa rin kita..." I said, weakly.

No, baby, please. Don't ever think that way. I don't care about your looks. I don't care even if you're bald. I don't care at all. I already love you. And that's the only thing that matters.

She cried even more. I let her as she buried her face on to my chest. Hindi ko alam kung paano siya patahanin. I stayed quiet let her cried out her pain.

I will court her no matter what. She's the light in my life. I know she carries the world in her own. And I'll do my best to help her.

I can't let the light fade. Hindi ko kakayanin.

---*---

Sumunghot singhot ako. Kainis. Kahit umiiyak na ako, nangingibabaw pa rin ang bango ng lalaking 'to!

Nawala din naman agad iyon sa isip ko nang matanto kung bakit nga ako umiiyak. Kasi naman, na-insecure ako bigla. Ngayon ko lang na-realize kung sino pala talaga siya. Tapos manliligaw lang sa isang tulad ko.

He's Lothar Manzano. Ang one and only son ng pamilya Manzano. Sila pala yung may ari ng leading funeral service sa buong Pilipinas!

Tapos heto lang ako. Mukhang patatas. Literal na mukhang patatas kasi kalbo.

Nanliit ako bigla sa sarili ko. Ayokong feeling na ganito. Pero iyon naman ang pinaparamdam niya sa'kin. Kung bakit ba kasi siya pa ang nakapulot.

"Number one to five, tapos number seven tapos na. The rest, hindi pa," imporma ko sakanya.

After the drama and such, nahimasmasan naman na ako. Ayan tuloy, hindi ata siya maka-move on at panay ang titig sa akin.

Hindi ako komportale. Ngayon lang ako kalbo na humarap sakanya!

"Nakikinig ka ba?"

"Oo naman. So, what if we skip the other numbers and proceed to... you know... the last number."

Binato ko sakanya ang notebook.

"Bastos! Hindi ko na gagawin 'yan kung ikaw din lang!"

"Kanino naman kung ganoon? Jungkook again?"

Kinagat ko ang labi ko. I saw a picture of him on top of me in my mind. Namula ang pisngi ko sa naisip.

Nahahawaan na niya ako ng kamanyakan!

"Gusto mo bang ikaw na-" I coughed badly.

"A-Athena!"

Oh, God, no.

Bago pa ako bumagsak sa sahig, naramdaman ko na ang pagsalo sa akin ni Lothar. Humawak ako sa braso niya. Ang dugo na nasa kamay ko ay napunta roon.

He carried me immediately. Ang luhang pumatak sa mga mata niya ang huli kong nakita bago ako binalot ng dilim.

Please, not again... Gusto ko pa siyang makasama...

_____

(A/N): may last chapter pa, bukas ko na i-post hehe. See you there! :)

Ten Things To Do Before I DieWhere stories live. Discover now