Chapter Fifty Eight

Start from the beginning
                                    

“Xiantel, sis!”

Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa kanila ay narinig ko na agad ang malakas na bati ni Ate Yna. Muling bumulusok ang kaba ko dahil sa ginawa niya, shit. Ibinigay niya na agad sa akin ang attention. “Hi, sis!” paglapit pa lang namin sa kanila ay niyakap na agad ako ni Ate Yna.

“You're so beautiful as ever.” humalik ito sa pisngi ko.

“Good evening.” mahinahon na bati ko sa kanya bago tumingin sa mga kasama niya. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil ang peste kong mga mata ay hinanap agad si Yuan.

“Ah, hinahanap mo ba si Yuan?” nakangiting tanong sa akin ni Ate Yna. Napa-iwas naman ako ng tingin at hindi na lang sumagot. “Sorry, sis. Hindi kasi siya sumama sa'min ngayon. Masama daw ang pakiramdam niya, eh.”

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Masama ang pakiramdam? Shit.

“Good evening, Don Yana.”

Damn.

“Magandang gabi, Don Rico.”

Pakiramdam ko ay natahimik ang lahat dahil sa simpleng batian ng dalawang Lolo sa harapan namin.

“Good evening, balae.” inigaw ni Dad ang attention mula sa kanila. “Balae, good evening.” nakangiti ding bati ng Dad ni Yuan sa ama ko. “Ah, let's go to the dining area?” nakangiting tanong sa kanila ni Mom. Tumango naman ang lahat kaya nagsimula na kaming maglakad papunta sa dining area.

“Mommy, who are they?” mahinang bulong sa akin ng kapatid ko habang naglalakad kami. “OMG! Who's this pretty girl here?” rinig kong tanong ni Ate Yna habang nakatingin sa kapatid ko. “My sister.” mahina kong sagot sa kanya.

“Hi.” nahihiyang bati sa kanya ni Kiana. “Hello!” masiglang bati naman ni Ate Yna sa kanya.

“Who are you?” inosenteng tanong ng kapatid ko sa kanya.

“I'm Ate Yna, your Kuya Yuan's gorgeous sister.” nakangiting sagot sa kanya ni Ate Yna. “Daddy's sister?” nanlaki ang mga mata ng kapatid ko. “Where's Daddy? Where's Daddy?” excited na tanong niya kay Ate Yna.

“He's not here, eh.” sagot sa kanya ni Ate Yna. “He's sick.” tumingin siya sa'kin. Napaiwas naman ako ng tingin. Damn. Bakit kailangan tumingin sa'kin?

“What? He's sick?” malungkot na tanong ng kapatid ko bago tumingin sa'kin, “Mommy, Daddy's sick.” nakanguso niyang saad habang nakatingin sa akin.

Narinig ko. Tch.

“Xiantel, Kiana, Yna, come here.” sabay sabay kaming napalingon kay Mom nang tawagin niya kami. Sumunod naman kami sa sinabi niya at lumapit sa dining area.

“How are you, Xiantel?”

Pag-upo pa lang naming lahat sa upuan ay tinanong na agad ako ni Don Rico. Shit. Relax, Xiantel. Relax. “I'm doing good po.” mahinahon at seryoso kong sagot sa kanya.

“Hmm.” tumango tango siya, “I heard, naka-alala ka na raw?”

Shit.

Bakit parang ang direct to the point niya naman? Seriously.

“Opo.” seryoso pa din na sagot ko sa kanya. Wala naman dahilan para hindi ko siya sagutin. He's asking me, I should answer him.

“Good to know.” napangiti si Don Rico, “Ibig sabihin, naaalala mo na si Yovanni?” pilit niyang pinanormal ang boses.

“Pa.” rinig kong mahinang angil ni Tita Miranda sa ama niya. “We're here to celebrate New Year, please.” pahina ng pahina ang boses niya.

“I know.” natawa ang Grandpa, “Masama ba magtanong sa asawa ng apo ko?” tumingin ulit siya sa'kin, “Kamusta naman, Xiantel? Naaalala mo na ba ang dati mong boyfriend?”

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now