Chapter Thirty Six

Start from the beginning
                                    

“O-Oh my God! Xiantel? Is that you?!” hindi makapaniwalang tanong ni Alyana sa akin. Nakangangang napatitig pa siya sa kabuuan ko.

“Oh, shit! Ang ganda mo, Peach! Mas lalo kang gumanda!” napangiti si Pearl ng makita ako. Natawa na lang ako dahil sa mga reaction nila.

“Holding hands agad pre?” nakangising tanong naman ni Lukas habang napapatingin sa kamay naming magkahawak.

“Wow! Bakod agad, ah?” natatawang singhal ni Pearl sa amin. “Tch. Masyado siyang maganda.” naiinis na napaiwas ng tingin si Yuan.

“Ikaw din naman Yuan! Ang gwapo mo kaya! Halos lahat nga ng mga babae napapatingin sa'yo!” napatili si Alyana habang sinasabi 'yan. Ah, muntik ko ng makalimutan na fan din pala siya ng asawa ko.

“Marami din napapalingon sa kanya.” tumingin sa akin si Yuan.

“Hays, paano ba naman kasi? Pareho naman kayong nakakasilaw sa mga mata 'no! Masyado kayong magagandang nilalang!” singhal sa amin ni Pearl. Weh, hindi naman.

Natawa na lang ako sa sinabi ni Pearl samantalang si Yuan ay napaiwas na lang ng tingin. “By the way Yuan, hinahanap ka na nga pala ng leader ng Majesty, sasayaw na ata kayo.” pagbibigay alam ni Pearl kay Yuan.

“Agad?” parang hindi natuwa si Yuan.

“Anong agad ka diyan? Pumunta ka na sa grupo mo.” pagtataboy ko sa kanya. Napanguso naman siya bago tumitig sa akin, “Ayokong iwan ka, Xiantel. Baka mamaya may kaagaw na ako sa'yo.” mas lalo siyang napanguso.

Tch. “Anong kaagaw? Huwag kang praning diyan.” natawa ako sa kanya.

“Huwag mo akong tawanan!” mas lalo siyang napanguso that's why mas lalo akong natawa. “Oo na po, hindi na.” ngumiti ako sa kanya. “Sige na, magkita na lang tayo mamaya.”

“Psh!” tumingin siya mga kaibigan ko, “Bantayan niyo 'to, ah? Ayokong malalapitan ng mga lalaki 'to.” seryoso niyang saad sa mga kaibigan ko.

“Makakaasa ka, Yuan.” sagot naman sa kanya ni Pearl.

“How about me? Lalaki din ako.” tinuro ni Lukas ang sarili niya. “Kasali ka din, kaya huwag kang lumapit sa asa—girlfriend ko.” shit, muntik niya ng masabi na asawa niya ako.

“Pft. Okay.” natatawang sagot sa kanya ni Lukas. Alam naman niya na binibiro lang siya ni Yuan.

“Tch, aalis na ako.” lumapit sa akin si Yuan at hinalikan ang noo ko, “Huwag ka lilingon sa iba, ha?” yumakap ito sa akin bago bumulong sa tenga ako, “I love you.”

Napangiti na lang ako ng marinig 'yon. “Sige na, umalis ka na.” pagtataboy ko sa kanya. Napanguso naman siya kaya natatawang pinisil ko na lang ang pisngi niya, “Good luck.” ngumiti ako ng matamis sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya bago ngumiti sa akin pati na din sa mga kaibigan ko.

Nang magsimula na siyang maglakad palayo sa amin ay napatingin agad sa kanya ang nga estudyanteng nakatayo sa gilid.

“Aaaaah! Ang sweet ni Yuan! Nakakainggit ka!” lumapit agad sa akin ni Alyana at hinampas ang braso ko.

“Grabe ang karisma ng jowa mo, 'te. Pinagtinginan agad oh.” tumingin si Pearl sa mga babaeng nakasunod ang tingin kay Yuan. Psh. Hanggang tingin lang naman sila.

“Well, grabe din naman ang karisma ni Xiantel, look.” may tinuro si Lukas sa likod namin kaya napalingon kami do'n.

Eh? Sa akin ba sila nakatingin?

“Nako! Ilayo na agad dito si Peach, baka mamaya paginitan pa tayo ni Yuan.” hinawakan agad ni Pearl ang braso ko at hinila ako palayo sa mga lalaking nakatingin sa amin kanina.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now