Chapter Thirty Two

Start from the beginning
                                    

“X-Xiantel.” tuluyan na siyang napayakap sa akin. “H-Hindi mo alam kung gaano mo pinapagaan ang pakiramdam ko ngayon.” bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Napangiti ako dahil doon. Masayang malaman na isa ako sa dahilan kung bakit gumagaan ang pakiramdam niya. Alam kong may problema siya ngayon, kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapagaan ang loob niya.

“I love you. I love you, Yuan Rico.” puno ng emosyon na bulong ko sa kanya.

“Mahal na mahal kita, Xiantel.” kahit na puno ng lungkot ang boses niya ay nagawa ko pa ding matuwa. “Alam ko, mister ko.” natawa ako ng mahina. Dahan dahan ko siyang inilayo sa akin para matitigan ang mga mata niya. “Huwag ka ng malungkot, okay? Sige ka, papangit ka niyan.” pilit ko siyang pinatawa.

Ngumiti naman siya ng kaunti, “Hindi naman mangyayari 'yan, hon.”

“Anong hindi? Ayan na, oh.” pinisil ko ang pisngi niya, “Ngiti na, please.” nagpa-cute ako sa kanya.

“Tch.” tuluyan na siyang napangiti. Ang gwapo.

“Oh, ayan na.” ngumiti siya, “Nasaan na ang kiss ko?” napanguso siya.

Psh. “Ayan, diyan ka magaling.” humiwalay ako sa kanya. “Paandarin mo na ang sasakyan, dali. Gusto ko ng makita si Lolo.” umayos ako ng upo.

“Hmp! Madamot!” nakanguso niyang pinaandar ang sasakyan. Pft. Natawa na lang ako ng makita ang reaksyon ng mukha niya.

Ganyan nga, Yuan. Gusto kong makita ang ganyan mong ugali. Ayokong nagmamaka-awa ka sa'kin, ayokong nalulungkot ka, dahil nasasaktan ako.

Napabuntong hininga ako, nasasaktan talaga ako.

“Lolo!”

“Apo ko!” nakangiting sinalubong ako ni Lolo. “How are you?” tanong niya matapos akong yakapin.

“Maganda pa din po.” nakangiting sagot ko sa kanya. “Kayo po?”

“Aba, syempre—”

“Gwapo pa din.” parehas kaming natawa ng sabihin namin 'yan ng sabay. Yes, ganyan kami kabaliw ni Lolo, pft.

“Hi, Lolo!” masayang bati din ni Yuan sa kanya matapos yumakap. “Yuan, iho.” ngumiti ito. “Kamusta?”

“Gwapo pa din po, mana sa inyo.” kumindat si Yuan sa Lolo ko. Tch.

“Alam ko, alam ko.” tumango tango si Lolo na para bang nagyayabang pa. “Lo, nasaan na po ang pasalubong ko?” makapal ang mukha na tanong ko sa kanya. Natawa naman ito bago itinuro ang mga paper bags na nasa sofa.

Oh my God.

“Lahat po 'yan, Lo?” nanlalaki ang mga mata na tanong ko. “Yes, apo.” ngumiti siya sa akin, “Ang ilan diyan ay para kay Yuan.”

Aaaah. “Thanks, Lo!” napayakap ako kay Lolo. Gosh. Spoiled talaga ako pagdating sa kanya!

“Hay nako, Pa. Ini-spoiled mo na naman 'yang apo mo.” singhal ni Mom kay Lolo ng pumasok siya sa living area. “Grandpa!” tumakbo agad si Kiana palapit kay Lolo. Natutuwang binuhat naman niya ito, “Hi Kiana, how are you?”

“I'm fine.” cute na cute na sagot ng kapatid ko.

“Hindi pa ba kayo nagugutom?” tanong ni Dad pagpasok niya sa living area. “Ako, Dad. Nagugutom na ako.” sagot sa kanya ng asawa ko. “Palagi ka naman gutom.” singhal ko sa kanya. Napanguso na lang ito dahil sa sinabi ko.

“Hahaha, kung gano'n, tara na sa dining area. Nagugutom na din kasi ako.”

Gaya ng sinabi ni Dad, nagpunta na kami sa dining area para kumain. Pag-upo pa lang namin sa upuan ay nagsimula na agad magdasal si Lolo kaya natahimik na kaming lahat. Pagkatapos niyang mag dasal ay nagsimula na agad kaming kumain. “Xiantel apo, napag-isipan mo na ba ang offer na inaalok ko sa'yo?”

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now