But my anger consumed me when I learned from my mother na tumanggap siya ng pera para iwan ako.

Kaya kahit mahirap, I did everything to distract myself para tuluyan siyang makalimutan.

Good thing, politics was always there for me.

Nga lang sa pagkakataong ito, hinanap ko 'yung interes na meron ako noon. Unti - unti natutunan ko na mahalin ang paglilingkod na ginagawa ko.

It feels therapeutic to serve other people. It feels good na nakakatulong sa iba na walang kahit anong kapalit.

That's when I realized that maybe, some things are needed to fall apart in order for me to find my purpose. That this pain is built for me to handle the pressure of my calling.

"What changes do you want to see before the world ends?" tanong sa akin ng isang reporter sa mismong araw na nanalo ako bilang Mayor.

Ngumiti ako. Finally, a question without my father in it.

"No one knows when the end will be, pero kung iisipin natin na malapit na ito, siguro mas magiging maayos ang mundo." Nagtawanan sila.

"Seriously, I think if it happens, more people would put their faith in God and we would make a more conscious effort to act in love, rather than be motivated by greed, power, or other selfish reasons..."

Habang lumalago ako sa paglilingkod sa publiko, mas nabubukas ang mata ko sa kakulangan at kadumihan ng mga kasabayan ko.

Mas naging matayog lang ang hangarin ko para sa mas malinis at mas mabuting paggogobyerno.

Hindi kagaya nila, hindi kagaya ng mismo kong ama, hindi bulag ang aking prinsipyo.

Alam ko na hindi madali, pero hangga't may mga kabataan akong nakikita na nag aasam ng pagbabago, hinding - hindi ako mapapagod.

I tried to talk to my father about this, pero hindi niya gusto makinig. Pero kahit ganon, hindi ako nawawalan ng pag - asa.

Hangga't may mga grupo na nagsusulong ng reporma at nagkakaisa, may pag - asa.

Dahil alam ko na darating din tayo sa punto na mapipilitang makinig ang gobyerno sa mga mamamayan, dahil kung hindi ay mawawalan sila ng kapangyarihan.

Those years made me grow, I've learned how to draw the line between compassion and cruelty. I've learned how to have a burning heart for justice and a cool head for judgement.

Nung nalaman ko na maaaring may kinalaman ang mga magulang ko sa pagkamatay ng ina ni Irish, hindi ako nagdalawang - isip na tumulong.

Irish really did taught me how to love.

With her, I've learned that true love is calm. True love can wait. True love can heal.

Sa mga panahong nilalamon ako ng lungkot, sa mga panahong nilalamon ako ng pagod...

Iniisip ko nalang na darating din 'yung araw na mawawala lahat ng bigat, kakalas din ang mga rehas, huhupa din ang bagyo, at sa huli... babalik ka rin sa akin...

"Have you ever been tired waiting for me?" She asked.

I planted a soft kiss in her hair. Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Marahas ang bawat alon sa dagat.

"Yes," sagot ko.

Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na kailanman ay hindi ako napagod. Time destroys love slowly, time destroys hope too, iyon ang totoo.

But commitment is what keeps me going. It is my commitment that enabled me to choose her every single day.

"Bakit hindi ka sumuko?"

I sighed.

"Kasi pinili kita. Mas hindi ko kaya kung habangbuhay kitang hindi makakasama..."

Mula sa pagkakayakap ko sa kanyang likuran ay hinarap niya ako. Tears pooled in her eyes. Agad akong napangisi.

Nitong mga nakakaraan ay mas tumitindi na ang pagiging emosyonal niya.

"Really?" she asked softly.

I chuckled before I nodded. Hinalikan ko rin siya sa kanyang labi.

"It's tiring but I'll be more tired without you for the rest of my life..." I kissed her lips again.

Pinahid ko ang luha niya.

"Hindi mo ba naisip na napag - iiwan na tayo?"

I shook my head and grinned.

"You're pregnant now, kasal na rin tayo kahapon. We have the rest of our lives together. Paano tayo napag - iwanan?"

Muling tumulo ang luha niya.

"Babe, without you, it doesn't really matter if I'm always two steps behind, just as long as I can hold your hand."

I knelt and kissed her stomach.

"Mahal kita, Irish. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin..."

Hindi ko man mahanap ang mga salitang makakapagpaliwanag ng nararamdaman ko para sa'yo, pangako na habangbuhay ko itong hahanapin masabi ko lang sa'yo...

You are the one I didn't see coming, the exception to my rules.

Sa'yo palang, kuntento na 'ko....

- - -

Soli Deo Gloria

Exception [ Quintero Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon