Habang tumatagal na mas nakakasama ko siya at nakikilala sa bawat interaksyon namin, mas nababaliw lang ako.
She's too good to me and for me. I'm losing my fucking mind. I know I need to end things with Aliah as soon as possible.
Kaya naman sa mismong linggo rin na 'yon, pinagbigyan ko ang hiling ni Aliah na mangibang bansa so I can finally end things.
"I'm sorry..." isang malakas na sampal ang lumagapak sa mukha ko.
"Damn you! You're worst than your brother!" sigaw niya.
Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa huli, kagaya lang din pala ako ng ikinagagalit ko sa kapatid ko.
Tama si Aliah, mas gago ako kay Kuya. At least si Kuya, simula palang sinasabi niya nang walang patutunguhan ang relasyon, samantalang ako, pinapatagal ko pa talaga.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. It's like I don't give a damn about my image anymore. Hindi na ako 'yung dating Nathan na masyadong obsessed sa tingin ng ibang tao sa akin.
Kung nung una, hindi ko lang makontrol ang sarili ko kay Irish, ngayon pati sa iba ay hindi ko na rin kaya maging mabuti.
I'm so mad at Manang Amor but it turns out she's not here anymore. Awang - awa ako kay Irish. Bakit hindi niya sinabi? Wala ba siyang tiwala sa'kin? Naisip niya ba na hindi ko siya paniniwalaan? Fuck.
When she came home that night at nakita ko siyang kasama si Renz, I know I had to do something. Tapos na 'ko magpanggap. Tapos na 'ko maging malupit.
I never thought pretending not to like her would be this hard.
And when she told me about her proposition, alam ko na dapat talaga akong bumawi.
I was so damn ready to get married, pero alam ko rin na ang dami ko pagkukulang. Kaya ginawa ko lahat para bumawi...
I did everything to change her perception of me. Unti - unti, pinalitan ko lahat ng masasayang alaala ang mga masasamang pinaranas ko sa kanya nung una.
Sa bawat araw na kasama ko siya, mas nahuhulog ako. Sa bawat lugar na pinupuntuhan namin dalawa, mas napaptunayan ko lang na siya na 'yung gusto ko makasama habangbuhay.
I've never felt so alive. Noon, pakiramdam ko ay sumasabay lang ako sa agos. Ginagawa ang mga bagay na gusto nila, kahit hindi ko gusto.
Pakiramdam ko hindi naman talaga sa'kin ang buhay ko. I was just an extension of my parents.
But with her, nagkaroon ako ng gana mabuhay. She makes my life worth living. Sa wakas, sa unang pagkakataon, masaya na 'ko ulit.
Kasiyahan na ninakaw sa akin nung siyam na taong gulang palang ako.
Kaya nung iniwan niya 'ko, naramdaman ko lahat...sakit, galit, pangungulila, lungkot...
Pinatunayan niya sa akin na sa pag - alis niya na mahal na mahal ko na siya. Sobrang daya.
"Sinabi mo ba na mahal mo?" tanong ni Adi isang gabi habang umiinom kami sa garden.
Umiling ako.
"Then you can't blame her for leaving!" She hissed.
"You made it clear from the start, Kuya! Sa'yo nanggaling na gagawin mo lahat huwag lang makasal sa kanya. She gave you a way out! Tapos ngayon galit na galit ka?!"
Umiling siya bago tinungga ang alak.
"Ang problema kasi sa inyo, ang tatanga niyo! Akala mo kabawasan sa pagiging lalaki ang magsabi ng totoong nararamdaman! Kapag iniwan, iiyak! Bwiset!"
BINABASA MO ANG
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...
Wakas
Magsimula sa umpisa
![Exception [ Quintero Series #2 ]](https://img.wattpad.com/cover/211932718-64-k435083.jpg)