"Ohhh...so you're possessive? Then it means you like her!"

I glared at her. "Of course not! I just hate that girl! Ni hindi ko nga alam saan galing 'yon! Kayo ba papayag pag pinakasal kayo sa hindi niyo kilala?" I spat.

Sabay silang tumawa kaya lalo akong nairita.

"Kuya, you know what's the true opposite of love?" tinaasan niya ako ng kilay. "It's not hate, it's indifference. I bet you're just masking your attraction with your anger dahil hindi mo matanggap na hindi ka pala bato!" dagdag niya.

Kumunot ang noo ko. Mahal ko si Adi pero madalas gusto ko lagyan ng tape ang bibig niya para tumahimik eh.

"Kapag nagkataon pala, ito lang 'yung magandang nagawa ni Dad para sa'yo," dagdag ni Kuya.

That night, I can't help but to think about her. Yes, I might be attracted because of her face but what if she's not kind? Paano kung hindi kami magkasundo sa future kagaya ng mga magulang ko?

Wait, why am I even thinking about this? Hinilot ko ang sentido ko at napailing.

Umayos ka, Nathan. May girlfriend ka.

I shut my eyes tightly. I knew right away I'm emotionally cheating with my girlfriend. I've never felt this kind of attraction with Aliah. Sa loob ng tatlong taon, hindi ko man mapantayan 'yung pagmamahal niya, hindi ako kailanman tumingin sa iba.

If my Dad is really serious about this, I need to end my relationship with her soon. She doesn't deserve this, lalong hindi niya ako deserve dahil mukhang hindi ko talaga kayang pantayan ang pagmamahal niya even after all these years.

Mas lalo ko lang napatunayan na may kakaiba akong nararamdaman kay Irish nang mawalan siya ng malay sa harapan ko.

I was so damn scared. Pinagpawisan ako ng malamig at hindi ako makapag - isip ng tama. I've never felt this scared my whole life.

"Are you okay?" tanong ko pagkagising niya.

She tried to move pero agad akong umiling.

"Stop it. Kakababa lang ng lagnat mo!" saway ko.

"S-Salamat," aniya.

I clenched my jaw. "Ano ba kasi nangyari sa paa mo?"

Agad siyang umiling at nag - iwas ng tingin. I narrowed my eyes, I'm sure she's lying, kung bakit ay hindi ko alam.

O baka naman paraan niya lang ito para kaawan ko?

"A-Ah...w-wala 'to!"

"Ano nga?"

"N-Natapilok... lang ako..."

I swear if she's lying about this para makuha ang simpatya ko, hinding - hindi ko siya mapapatawad!

"Our family doctor said that the inflammation and the bruises in your legs doesn't looked like a sprained ankle," ani ko.

"S-Salamat pero...natapilok lang talaga ko."

Alright then, I'll just make sure to keep my eyes on you from now on.

"If you says so, then this conversation is over," I said coldly.

I don't really want to leave but I'm so mad. Why is she lying? Halata naman na hindi 'yon tapilok. And her face, damn it!

"Just... Just stop being stupid and make sure to wipe that pitiful expression on your face, nakakairita!" I hissed bago ako tuluyang umalis.

Gulong - gulo na 'ko kay Irish. Hindi ko siya mabasa. She was either naïve or a really dangerous liar.

Nung sinundo ko siya at nakita ko na may kausap siyang ibang lalaki, galit na galit ako. Kaya kahit hindi kaya ng oras ko ay pinagpatuloy ko na ang pagsundo sa kanya.

Exception [ Quintero Series #2 ]Where stories live. Discover now