Chapter 6: Nagpapanggap?? Sino??

27.1K 384 28
                                    

Chapter 6: Nagpapanggap?? Sino??

 

 

Meet         *Carlo Bana* >>>>>>>

 


CARLO P.O.V

 

Nagtakbuhan na yung mga sira ulo dahil narinig nila yung wang wang ng pulis. Napansin ko naman na hinila ni Reno yung isang lalaki sa kabilang grupo at itinali niya yung belt niya sa kamay nung lalaki saka hinampas niya sa batok para makatulog.

“Reno! Bakit kinorner mo pa yan!? Sasabit tayo!!” – sigaw ni MC.

“Hindi natin makikilala kung sinong may pakana nito, kaya ako na bahala dito!” – sigaw ni Reno saka kinaladkad yung lalaki sa basement ng rest house.

Maya maya lang dumating na yung mga pulis.

“Boss! Nakatanggap kami ng tawag may gulo daw dito?” – ma-awtoridad na sabi ng isang pulis.

Humarang ako.

“Pasensya na boss pero wala naman gulo dito.” – sabi ko.

“Ganun ba?” – hindi kumbinsido yung itsura nung mga pulis, dahil narin siguro sa mga pasa at dugo namin sa mukha. Tss, malaman lang namin kung sinong may pakana nito!

“Ayos lang ba kung i-check namin ang buong resort?” – tanong nila.

“Walang problema boss.” – kalmadong sagot ni Kollins.

“Sige! Libutin niyo na lahat!” – sigaw ng isang mataas na ranggo siguro ‘to.

“Sinong tumawag sa mga pulis?” – bulong sakin ni Traviz.

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot..

Nakita ko namang sumenyas si MC sa rest house kung saan nagtatago sila Glecy, nagsikilusan sila palabas para makita ng pulis. Si Miggy naman pasimpleng tumakbo sa basement para mabigyan ng warning si Reno dahil dun niya tinago yung isa sa mga kasama ng nakalaban namin.

Parang hindi naman ininspeksyon ng mga pulis yung buong beach dahil mismong yung van lang ang sinilip nila. At yung mga cottage.

Student TerrorOn viuen les histories. Descobreix ara