Chapter 37: Sakanya ka na..

16.3K 264 5
                                    



Chapter 37: Sakanya ka na..

 


GLECY P.O.V

Nagsimula na ang community service namin, gaya ng napag usapan 2 weeks yon. Umpisa palang nagrereklamo na sila MC hahaha! Pero hindi nila iniiwan yung pinapagawa sakanila. Nagwawalis kami ngayon sa gilid ng kalsada at tinatanggal namin yung mga pinagdidikit nung mga kumakandidato last year, grabe lang punong puno yung mga pader. Tss, mahirap tanggalin pero kaya naman.

“Woo! Init! Katatapos lang pasko at New Year, mainit na kaagad!” – sigaw ni Miggy.

“Tss, kaya niyo yan inom lang ng inom ng madaming tubig mga pre!” – hiyaw ni Carlo pampam psh.

11am na, at mas lalong umiinit dito, pawis pawisan na kaming lahat!

Walis.

Tapon.

Walis.

“Mga iho mga iha! Tanggalin niyo rin yung mga nakadikit na bubble gum dun sa court!” – sigaw ng isang tauhan ng munisipyo, naglakad na ako papunta sa court kasama si Tricia at Mondragz.

__

Pagdating namin sa court kanya kanya kaming tanggal ng mga nakadikit na bubble gum sa sahig ng court.

“Sa tingin niyo mapapatawad tayo ng mga Prof natin?” – tanong ni Tricia habang tinatanggal yung bubble gum dun sa may gilid ng bleachers.

“Oo naman. Mababait naman sila Sir.Kahulugan eh, saka isa pa itong community service natin ito na yung kapalit ng kapatawaran nila.” – sagot ko.

“Sabagay. Pero kung hindi tayo nagloko siguro hindi tayo magiging ganito ngayon.” – natatawang sabi ni Tricia.

“Sus, hindi. Okay lang na nagloko tayo!” – masayang sabi ni Mondragz.

“Bakit naman?!!” – sigaw ni Tricia.

“Syempre kung hindi tayo nagloko, hindi mo marerealize na mahal mo pala ako.” – nakangiting sabi ni Mondragz.

Student TerrorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora