Chapter 32: Truth or Dare...
GLECY P.O.V
“Hoy! Mga gago kayo! Tumutulo yung mga damit niyo!” – sigaw ni Traviz dahil basang basa yung carpet ng kwarto niya.
O_O – kami.
Nakatalikod samin si Lian habang nakaupo at nakatungo.
“Anong ginagawa niyo?” – sigaw ni MC.
“Lumabas nga kayo---Araaayyy!! Lian ano ba!?” – sigaw ni Traviz.
“Dahan dahan na nga diba??! Para namang hindi rin ako nasasaktan dito!! Ang tigas tigas kaya ng—“
“NG????????????!!” – sigaw naming lahat..
“Puta naman! Lumabas na kayo!”
“Ng kuko niya, bakit?” – tanong ni Lian saka humarap saamin.
“Kuko?!!” – sigaw namin.
“OO!! Eto kasing kaibigan niyo nagpapatanggal ng ingrown!! Tss, ang tigas tigas ng kuko akala mo halimaw!!” – inis na sigaw ni Lian..
Parang gusto kong matawa.
“Huwag kang magreklamo dahil ALILA lang kita!” – sigaw ni Traviz.
“Tss, whatever.” – inis na sabi ni Lian.
HAHAHAHA.. Haay nako, bakit ba ang gee-green minded naming magbabarkada..Umalis na kami sa kwarto ni Traviz.
“HAHA..Kala ko naman kung ano ng ginagawa nila.” – Reno.
“Ano ka ba pre, natural lang na mag isip tayo ng ganun.. Parang hindi niyo kilala si Traviz grabe sa sex yon.” – sabi ni Miggy.
“Grabe ka Migz! S-E-X talaga ha?!!” – sigaw naming lahat..