Lalong lumaki ang ngisi sa labi ni Ion. Napamulsa ito ng dalawang kamay bago siya tinitigan sa mga mata.

"You know I won't leave without you. It's either you will come with me or I'll stay here with you. Choose wisely, Maria." May ngising nakakakilabot ito sa mukha.

"Umalis ka na kung ayaw mong may gawin akong hindi mo magugustuhan." Banta niya sa binata.

Nanatili ang malamig na tingin ng binata.

"Scary.." may halong itong sarkasmo. Nanatili ang ngisi sa labi nito.

Habang nakatitig sa kaniyang mga mata ang binata, pasimple niyang inilusot ang kanang kamay sa kabinet na nasa likuran niya.

"Trust me, you can't just kill me using that gun." Nakangising sabi ni Ion habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

Nalaman agad nito ang kaniyang kukunin, ngunit hindi niya nais na magpalinlang. Noon ay nagawa na siyang saktan ni Ion, nagawa nitong ipakulong ang ama at pagtaksilan sa pamamagitan ng kaniyang kapatid.

Walang puwang sa kaniyang puso ang pananakot nito.

Ngayon ay nasa punto na siya ng kaniyang buhay kung saan kailangan niyang magdesisyon kung papatayin niya ba ang lalaking nasa kaniyang harapan o hahayaan nanaman itong pumasok sa kaniyang puso at kalimutan na lamang ang lahat.

Tuluyan niyang itinutok ang baril sa lalaki. Nangingilid ang mga luha ni Maria. Nanginginig ang kaniyang kamay habang hawak-hawak ang baril.

Nanatili ang seryosong mukha ni Ion. Hindi man lamang ito natatakot sa nakatutok na baril sa kaniyang dibdib.

"Do it, My Maria." Malamig na nakangisi sa kaniya ang binata. "Kapag kinalabit mo 'yan, malaya mo nang magagawa ang lahat ng gusto mong gawin sa buhay, but.. if you do the opposite, I will make sure to never let you escape my arms again."

Tumutulo ang luha ni Maria habang mariing nakatitig sa lalaki. Nais niyang tapusin na lamang ang lahat ng ito. Gusto na lang niyang kalabitin ang gatilyo upang matapos na ang paghihirap niya sa mga kamay ni Ion.

Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi gumagalaw ang kaniyang daliri. May pumipigil sa kaniya na gawin ang bagay na iyon.

Mamili ka, Maria. Nasa mga kamay mo na ngayon kung anong mangyayari sa hinaharap mo.

"What now, Maria? Scared to lose me?" Nakangising sabi ni Ion.

Hindi. Hindi niya ito kayang patayin. Parang unti-unti siyang mauubusan ng hininga sa isiping mamamatay si Ion.

Imbis na sa dibdib iputok ang baril, inilihis niya ito sa binti ng lalaki saka doon pinaputukan.

"Fuck!"

Agad na napadaing si Ion sa kaniyang ginawa, kinuha niya ang pagkakataong iyon upang makatakbo papalabas ng bahay.

"Maria!" Galit na tawag sa kaniya ni Ion.

Hindi na niya pa ito nilingon.

Hindi man niya ito magawang patayin, gagawa na lamang siya ng paraan upang makatakas dito.

Masyadong madilim na sa labas ng kaniyang bahay, wala na ring sasakyang dumaraan. Hating gabi na.

Agad niyang kinuha sa kaniyang bulsa ang kaniyang telepono upang tawagan si Ien. Ito lamang ang alam niyang makakatulong sa kaniya ngayon.

Habang nagriring ang tawag, narinig niya ang marahas na sigaw ni Ion habang papasunod ito sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Maria ng makitang nakakatakbo pa rin ito kahit na may tama ng baril sa binti.

"Run, baby! Huwag mong hayaan na maabutan kita!" Galit na sabi ni Ion habang siya ay hinahabol.

Mabilis na nananalangin si Maria na sana ay sagutin na ni Ien ang kaniyang tawag.

Napadaing siya ng bigla siyang matalisod at nadapa sa semento.

"Shit." Mahinang mura niya bago dumadaing na tumayo.

Kailangan niyang magmadali. Ilang distansya na lamang ay maabot na siya ni Ion. Nanginginig ang kaniyang buong katawan.

Napahinga siya ng maluwag ng angatin na ni Ien ang tawag niya.

"Maria? Why? Is there an emergency?" Pambungad na sabi agad ni Ien sa kaniya.

"Ien, please help me—" Hindi na natapos ni Maria ang kaniyang sasabihin dahil napasinghap siya ng biglang may humuli sa kaniyang baiwang.

"Got you." Malamig na bulong ni Ion sa kaniyang tainga habang humihingal. Napalaki ang mga mata ni Maria at nagpupumilit na pumiglas.

Mahigpit na nakapulupot ang mga braso nito sa kaniyang baiwang.

"Fuck you, Ion!" Rinig ang pagsigaw ni Ien sa kabilang linya ng tawag. Tila galit na galit ito ng marinig ang boses ni Ion.

"Fuck you too, asshole. You wont get away with this, I'll fucking hide your woman too!" Galit na ganting sigaw ni Ion dito bago kinuha sa kamay ni Maria ang telepono.

Napasinghap si Maria ng biglang ibato ni Ion sa semento ang kaniyang telepono, nagkadurog-durog ito.

Binitawan siya ng yakap ng binata bago siya hinarap dito.

"You should've killed me a while ago, baby. Hindi ka na sana makukulong sakin." Nakangising sabi ni Ion.

_*_

UnintentionalUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum