Kabanata 20

205 6 0
                                    


Ilaw lamang mula sa lampshade sa kaniyang tabi ang nagbibigay liwanag sa paligid ni Maria.

Kagigising lamang niya mula sa pagpapatulog sa kaniya ni Ion gamit ang panyo na alam niyang mayroong nakapaloob na kemikal.

Nakahiga siya sa kama at tingin niya ay nasa loob siya ng isang saradong silid.

"Awake?"

Hinanap ni Maria ang pinanggalingan ng boses.

'Di kalayuan sa kaniya ay mayroong sofa kung saan nakaupo doon ang isang babae na sa tingin niya ay haponesa dahil na rin hugis ng ng mata at mukha nito.

Nakadekwatro ang dalaga bago tumayo sa inuupuan.

"I know. Ion is an asshole." Tumalikod ito sa kaniya.

Kitang-kita ni Maria ang pulang tattoo nito sa bandang kanang batok. Nakamessy bun kasi ang dalaga gamit ang chopsticks bilang pangtali kaya naman nakikita niya ang batok nito.

Inabot ng babae ang pagkaing nakaayos sa isang tray.

"I'm Kali. Ion's cousin." Pagpapakilala nito sa sarili.

Lumapit ito sa kaniyang gawi bago inilapag sa tabi ng kama ang tray ng pagkain.

Tumayo ito sa tabi ng kama.

"Kailangan mong kumain para magkaroon ka ng lakas upang makatakas sa demonyo." Salita nito sa kaniya.

Hindi makapagsalita si Maria.

Hindi niya gusto ang presensiya ng babae. Hindi dahil naiirita siya dito, kundi dahil sa natatakot siya sa mga tingin nito.

Itim na itim ang iris ng mga mata ng dalaga. Para bang nakikipagtitigan kay kamatayan ang pakiramdam kapag tinitignan niya ito sa mga mata.

"Huwag kang mag alala, hindi ako kalaban. Si Ion at Sauron lang ang kalaban mo." Salita nito sa kaniya.

Napakunot ang noo ni Maria.

"S-Sauron?" Tanong niya.

"Binigay ka niya kay Ion in exchange of me." Sagot nito sa kaniyang sanay magiging tanong.

Lalo pa siyang naguguluhan.

Ngunit..

Hindi ba ay haponesa ang sinasabing ex-girlfriend ni Sauron?

"Yes. I am that Japanese ex-girlfriend." Nakangising pahayag nito sa kaniya.

Paano ba nito nalalaman ang kaniyang mga iniisip?

"I don't know how to read mind but I can read you using your face expression."

Iniwasan muli niya ito ng tingin.

"Hindi magagawa ni Sauron iyon." Aniya. Hindi magagawang ipagkanulo ni Sauron ang kanilang pinagsamahan para lamang sa isang babae.

"Then you really don't know him after all. Sayang naman ang mga taong nakasama mo ang lalaking iyon. Hanggang ngayon ay kaya pa rin niya kayong linlangin."

"Kilala ko si Sauron. Hindi niya ako isusuko kay Ion. Hindi niya ako ipapahamak." Walang emosyong aniya. Nakatitig lamang si Maria sa nilulukot niyang tela ng kumot.

Tumawa si Kali.

"Darling, he sent you here. Sa tingin mo pinapunta ka dito ni Sauron para lang magtago at hanapin ang nanay mo? Sinong tangang magtatago sa teritoryo ng leon?" Nang aasar pa na salita nito sa kaniya.

Nangingilid ang kaniyang luha.

Walang sinumang babae ang kaya siyang paiyakin. Siya ang nagpapaiyak.

UnintentionalWhere stories live. Discover now