Special Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinahiran ko ang luha ko. "Lahat ng tagumpay ko sa buhay ay dahil iyon sayo, baby. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa lahat. I really missed you and I loved you always.." dagdag ko pa. "Baby, hindi muna ako magtatagal dito ngayon ah? Babalik nalang ako dito, at saka ko sayo ikukwento ang lahat ng nangyari sa buhay ko doon sa ibang bansa. Goodbye muna.."

Hinaplos ko pa ulit ang pangalan niya saka tumayo at tumalikod para umalis na. Pero napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Rhanz na nagyon ay nakatayo at nakatingin sakin. Nakangiting lumapit siya sakin.

"Hi Rhanz!" ako na ang unang bumati sa kanya. Sa napapansin ko ay malaki na ang pinagbago niya. Wala na kasi akong balita sa kanya mula noong umalis ako.

"Hi," nakangiting bati rin niya. "Kailan ka nakauwi?"

"Ngayon lang. Dumiretso na ako dito kasi.. ilang taon na rin akong hindi nakapagbisita dito e."

"Mabuti naman.. Ano? Kumusta ka na?" tanong niya.

"Heto, okay lang.." kibit-balikat na sabi ko.

"Balita ko.. isa ka ng sikat at successful na Neurosurgeon. Congrats and I'm happy for you.." sabi niya sakin.

Oo. Isa akong doctor o Neurosurgeon. Hindi sa nagmamayabang pero dinig na talaga ang pangalan ko sa buong America. At ngayon ay naisipan kong lumipat dito sa Pilipinas.

"Salamat.." casual na sagot ko. "Ikaw kumusta ka na?" balik tanong ko sa kanya.

"Ito, okay lang din. Medyo busy sa trabaho pero ayos lang, nag-eenjoy din naman ako." sagot niya.

"Hmm.. Isa ka rin bang secret agent katulad ng daddy mo o lawyer?" nasabi ko iyon dahil pormal ng pananamit niya ngayon.

Tumawa siya. "Bakit mo naman nasabi?"

Iminuwestra ko ang kabuohan niya. "Ang formal mo kasing tingnan at.. sa pagkakaalam ko.. magaling ka kasing humuli ng mga kriminal."

Mas natawa siya lalo. "Pwede din namang pulis, diba?"

"So..isa kang pulis?" agad na tanong ko. Pero umiling siya at ngumisi.

"Isa akong doctor.." namangha ako sa sagot niya. "Pangalawang kurso ko na ito.. nag-aral ako ng law pero.." binitin niya ang kanyang dapat sabihin.

"Pero ano?"

"N-Namatay kasi ang girlfriend ko dahil sa leukemia. Kaya.. lumipas ang ilang taon ay nag-aral ako ulit at Medicine ang kinuha kong kurso."

Ngayon ko lang nalaman na maypagkakatulad pala ang dahilan kung bakit namin kinuhang mag-aral sa ganoong field.

Nakita ko pa siyang bumuntong-hininga saka ngumiti ngunit alam kong pilit lang iyon. Parang naaawa ako sa sitwasyon naming pariho.

"By the way, saan ka ngayon tumutuloy? Sa bahay niyo sa Manila o sa Tagaytay?" pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi.. wala sa dalawa."

Nagtaka nama siya. "Eh saan?"

"May nahanap na akong pagtitirhan. Ang bahay kasi namin sa Maynila, ibinigay na ni mommy sa pinsan niya at ayaw ko ng sumiksik pa do'n kasi medyo madami-dami sila. At sa Tagaytay naman.. kasalukuyan pang ni-renovate." paliwanag ko.

"Pwede ko bang malaman kung saan?" tanong niya.

"Malapit lang dito.. Iyong bagong tayo na condominium.." sagot ko at tumango naman siya.

"Ahh,okay. Pero.. pwede ba kitang e invite na kumain sa labas? A dinner lang naman." kibit-balikat na aniya.

"Eh, siguro bukas nalang..kasi bagong dating pa 'ko e. Kailangan ko pang ayosin mga gamit ko." tanggi ko.

"Oh sige, susunduin nalang kita."

"'Kaw bahala. Pero teka.. pakisabi naman kina tita na, bibisita ako do'n sa kanila bukas o di kaya'y in the next day?" pakiusap ko sa kanya.

"Oo, walang problema. Alam kong matutuwa iyon.." sabi niya at natawa naman ako.

"Sige, mauna na 'ko ah?"

"Take care.." paalam niya sakin.

Nakangiti kong tinahak ang daan palabas ng sementeryo. Humingi pa ako ng pasensya kay manong kasi medyo natagalan ako. Buti nalang at okay lanh sa kanya.

Bago pa namin lisanin ang sementeryo ay tinitigan ko pa ang parte kung saan ang puntod ni Zion. Sa isip ko ay sinasabi kong 'Bibisitahin kita araw-araw, baby..'

Sampung taon man ang lumipas mula noong nawala siya sa tabi ko ay hindi parin naman siya nawala sa puso ko. Ni hindi ko nga pinayagan ang sarili ko na magpaligaw kahit na sino dahil para sakin, may boyfriend ako at si Zion iyon.

Siguro nga maniniwala na ako sa soulmate thingy. At gusto ko na ang soulmate ko lang ay si Zion. Nakita ko na nga kaluluwa niya kaya masasabi kong siya ang soulmate ko. The Unexpected Soulmate..

The End.....

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon