Unexpected Soulmate Chapter 33

37 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

NASA HALLWAY na ako pupuntang room ni Zion. Kaba at takot ang namumuo sa dibdib ko. Parang nanginginig ang tuhod ko habang dahan-dahan humakbang papalapit do'n. May halong pananabik na makita si Zion pero mas lamang talaga ang takot at kaba.

Kagat-labi kong tinahak ang daan pero agad din akong natigilan nang makita si Eunice na lumabas sa kwarto. Hindi pa niya ako nakikita dahil medyo malayo pa ako sa kinaruruonan niya. Napatigil ako sa paglakad na para bang naestatwa.

Nang malapit na siya sa kinatatayuan ko ay napaangat siya saka binigyan ako ng matalim na tingin. Halatang umiiyak siya pero wala na akong pakialam. Nagulat at nagtaka pa ako nang bahagya siyang tumawa pero batid kong peke iyon at may halong sarkasmo.

"Where do you think you're going?" mataray na ani niya.

"B-Bibisitahin ko si Zion." kinakabahang sagot ko.

Suminghal pa siya. "Really? Pagkatapos naming malaman na ang kuya mo pala ang bumangga kay Zion, may gana ka paring magpakita? May pagkakapal din pala 'yang mukha mo no?" sarkastikong aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ang lakas din ng loob niyang sabihin iyon na para bang hindi niya minahal si kuya. Na para bang hindi niya ginamit si kuya para pagtaksilan si Zion.

"Hindi si kuya ang bumangga kay Zion." matigas na sabi ko. Kita ko ang pagkagulat niya pati pa nga paglunok ay nahalata ko pa. Pero agad din siyang naka-recover saka ngumisi ng sarkastiko.

"Natural lang na pagtakpan mo ang kuya mo. Pero.. nakakalungkot kasi may evidence kami." kunwari pa siyang nalungkot. Plastic ka talaga! "Hindi ka ba nagi-guilty? Muntikan ng mamatay si Zion dahil sa katangahan ng kuya mo?"

Nagtiim ang bagang ko dahil ayokong marinig na ginaganyan niya si kuya. Pero naisipan kong hindi siya ang ipinunta ko dito, hindi siya ang gusto kong makita, hindi siya ang gusto kong makausap. Si Zion ang dahilan kung ba't ako narito kaya palalampasin ko lang 'tong si Eunice.

Sininghalan ko lang siya saka nilampasan para magpatuloy papuntang kwarto ni Zion.

"Saan ka pupunta?" mataray na tanong niya na hinawakan pa ang buhok ko saka hinila pabalik.

Napapikit ako dahil sa sakit. Parang namumuo na ang mga luha ko. "Ahh!!" sigaw ko nang pabato niya akong binitawan.

"Kung si Zion ang pupuntahan mo, pwes sabihin ko na ito sayo. 'HINDI KA NA KAILANGAN NI ZION! Galit siya sayo, galit na galit siya sa pamilya mo! Ayaw ka na niyang makita! At mas lalong hindi ka na niya 'MAHAL'." natigilan ako sa sinasabi niya.

Bawat salita niya ay may diin pero mas dumadagundong ang huling salitang sinabi niya. 'Mahal'?  Hindi na niya ako mahal?' Sinong niloloko niya? Imposibleng mangyari iyon dahil kanina pa sinabi sakin ni Rhanz na gusto akong makita ni Zion.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko habang nasa gilid ang paningin.

"Siguro.. sinabi ni Rhanz na hinahanap ka ni Zion, tama? Tss.. Naniwala ka naman? Siguro nga hinahanap ka..para komprontahin sa mga kasalanang ginawa niyo ng pamilya mo. Pero kung inaasahan mong hinahanap ka niya dahil gusto ka niyang makita dahil nami-miss ka niya..isang malaking kamalian." sinabi niya iyon sa mismong mukha ko. Gusto ko mang salubongin ang titig niya ngunit hindi ko na kaya dahil sa sakit na dinulot ng mga pinalabas niyang salita.

Bahagya pa siyang lumayo sakin kaya do'n ko sinalubong ang titig niya. Nakangisi siya habang pinagkrus ang brasong nakatingin sakin. "Tinanggap ko na nga rin sana na hindi ako ang mahal ni Zion. Pero nagulat ako kanina na pinuntahan pa ako ni tita sa bahay para papuntahin dito..dahil hinahanap daw ako ni Zion." aniya na parang binabalikan pa ang nangyari. "No'ng una nagtaka ako.. pero pagdating ko dito ay sobrang nagulat ako dahil bigla nalang akong hinalikan ni Zion at sinabing ' I'm sorry Eunice.. narealized ko na ikaw pala ang mahal ko..gusto kong ikaw lang ang nasa tabi ko.'" ginaya pa niya ang paraan ng pagsalita ni Zion.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now