Gift Of Love

41 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

TINAHAK namin ang hallway nitong hospital ng tumatawa. Parang hindi kami maka-moved on sa mga ka-corny-hang ginawa namin. Hanggang sa tapat ng pinto ng kwarto ni Zion ay tawa parin kami ng tawa.

"Corny ng mga jokes mo!" natatawa paring sabi niya.

"Eh ikaw rin naman ah!"

"Sus, nakisabay lang ako sayo."

"Hmm..nakisabay daw." nginiwian ko siya.

"Yeah.." kibit-balikat na sabi niya. "Ahm.. By the way, Precious mauna ka ng pumasok. Pupuntahan ko lang sila dad." pag-iiba niya ng usapan.

Sumeryoso naman ako. "Sa ICU?" tanong ko.

"Oo, tinitingnan kasi nila si Clark."

"Ahh gano'n ba? Oh, sige.."

Tumango lang siya saka umalis. Agad akong pumasok at nangunot naman ang noo ko kung bakit lahat sila biglang tumalikod na para bang pinahiran nila ang kanilang mga luha.

Andito na rin pala ang mommy ni Rhanz kasama sila tita at mommy. Pati si Zion ay bahagyang tumagilid at nakita ko pa kung paano niya pinahiran ang kanyang luha. Anong nangyari? Umiiyak ba talaga sila?

"Good evening po.." isa-isa akong nakipagbeso sa kanila. Hindi ko alam kung evening pa ba o morning. Alas dose na kasi.

Inisa-isa ko ring sinuri ang mga mukha nila at confirm nga, umiiyak sila. Saka naman ako lumapit kay Zion na hindi nakaligtas ang pagsinghot niya.

"Hi baby," kiniss ko siya sa kanyang sentido.

"Baby, bakit ang tagal mo?" minsan pang pumiyok ang boses niya.

"Kinausap ko pa si Eunice tapos naghintay pa ako ng taxi. Pero ayun  nga wala na palang dadaan do'n ng ganitong oras kaya.. mabuti nalang tumawag si mommy." paliwanang ko.

"Nag-alala kami sayo," kita ko naman sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Andito naman na 'ko. Kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala." sinserong ngiti ang binigay ko sa kanya. "Ahmm..bakit..parang umiiyak kayo? A-Anong nangyari?" nilakasan ko ang boses ko para madinig nilang lahat.

Bahagyang yumuko naman silang tatlo kaya bumaling ulit ako kay Zion. "Baby? May..hindi ba kayo sinasabi sakin? Bakit ba kayo umiiyak?"

"Ahm.. ahh baby, magpahinga ka na. Magmamadaling araw na, wala ka pang tulog." iniba niya ang usapan.

"T-Teka, teka.. Sagotin niyo muna ang tanong ko. Bakit kayo nagkakaganyan? Anong nangyari? May tinatago ba kayo sakin?" lahat sila binalingan ko pero wala akong makuhang sagot.

"Anak, matulog ka muna. Bukas may pupuntahan pa tayo." biglang sabi ni mommy saka iginaya ako patungo sa couch.

"Mommy? Sa'n ang punta natin bukas?" nagtatakang tanong ko pero umiling lang si mommy.

Ano ba talaga ang nangyari? Nalilito na talaga ako sa mga inaakto nila. Hindi ko sila maintindihan. Kahit anong basa ko sa kinikilos nila ay wala talaga akong maintindihan.

"May tinatago talaga kayo sakin e. Hindi ko alam kung ano basta meron talaga e." sabi ko na inisa-isa silang tiningnan.

"Anak, sige na. Matulog ka na. Malalaman mo rin bukas.." malumanay sa sabi ni mommy saka binigyan ako ng kumot at unan. Inilalayan pa niya akong humiga. "Lalabas lang muna kami." paalam pa niya.

Gusto ko pa sanang magtanong kay mommy pero ayun sila at naglakad na palabas nitong kwarto. Napabuntong-hininga nalang ako saka napatingin kay Zion na ngayon ay nakatingin na rin sakin.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now