I Love You Goodbye

Start from the beginning
                                    

Natatakot ako sa posibleng mangyari kay Zion. Ayokong mag-isip ng masama dahil alam kong lalaban si Zion. Alam kong isa ako sa mga dahilan para lumaban siya. Sa isip ko ay puno ng pagdarasal na sana hindi siya bibitaw.

Maya maya lang ay lumabas na ang doktor kaya dali-dali akong lumapit dito. "Doc?" hinintay ko ang dapat niyang sabihin sa'min.

Nakita ko pa ang pagbagsak ng  balikat ng doktor saka bumuntong-hininga. "Sad to say, pero kailangan ko itong sabihin sa inyo na.. puso nalang ng pasyente ang lumalaban. Patay na ang utak niya. At.. isang malaking milagro lang kung.. mabubuhay siya."

Bagsak ang balikat ko kasabay ang pagpatak ng mga luha. Nanginginig ang mga kamay kong napatakip sa bibig at umiling na parang hindi talaga matanggap ng sistema ko ang sinasabi ng doktor.

"Pero ginawa namin ang lahat. He's undermonitoring.." dagdag pa ng doktor.

Sa sobrang sikip ng dibdib ko ay umalis ako saka tumakbo paakyat. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko ay patuloy lang akong umakyat ng umakyat sa hagdanan. Wala akong maramdamang hingal o pagod basta ang alam ko lang natatakot at nasasaktan ako. Hindi ko talaga matanggap na puso nalang ang lumalaban kay Zion.

Hindi ko namalayang umabot ako sa rooftop nitong hospital. Malamig at malakas ang hangin pero hindi ko na ininda iyon. Pabagsak akong umupo saka sumigaw ng sumigaw. Humahagulhol ako at patuloy na humihikbi.

Pinagpantay ko ang mga tuhod ko saka do'n yumuko at patuloy na umiiyak. Para akong binagsakan ng langit at inipit sa lupa. Naramdaman ko ngayon ang malamig-lamig na hangin na parang yumakap at binalot ako.

"Baby.." isang napakalamig na boses ang aking narinig.

Marahan akong nag-angat ng tingin. "Z-Zion?" yayakap sana ako kaso lumagpas lang ang mga kamay ko.

Nakangiti siya sakin pero hindi ko magawang tugunan iyon dahil sa katotohanang kaluluwa na naman siya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.

"Baby, 'wag ka ng umiiyak please.. Nasasaktan akong makitang lumuluha ka.."

"Zion bumalik kana sa katawan mo please.." himihikbing pakiusap ko sa kanya.

Umiling siya saka ngumiti. "Hindi na 'ko pwedeng bumalik, baby."

"Anong hindi pwede?! Pwede pa Zion! Pwede pa!" sigaw ko habang umiiyak.

"Tapos na ang misyon ko, baby. Tapos na rin ang oras ko dito.." may halong pagpapaintindi ang malamig na boses niya. "Nakikiusap lang ako sa tagabantay ng langit na kung pwede ay ibalik ako pansamantala sa katawan ko para ako mismo ang tatapos ng aking misyon. At ang misyon ko ay.. taposin ang huling ginagawa ko no'ng buhay pa ako. Ang ibigay sa'yo ang pinangarap mo na magkaroon ng sariling treehouse. Pero ang pinakamabigat na dahilan kung bakit ako ipinabalik ay.. para malaman mo kung gaano kita kamahal." madamdamin niya itong sinabi.

"Pero ikaw ang pinangarap ko na makasama sa pangarap kong iyon!"

"Baby, palagi mo naman akong kasama. Babantayan parin naman kita.."

Umiling ako ng umiling. "Zion.. kailangan ka namin. Kailangan kita! Mahal kita! Huwag mo naman kaming iwan!"

"Hindi ko na mababago pa ang kapalaran ko, Precious. Sinabi ko na rin ito sa kanila kagabi, na ito ang huling araw ko. Alam na nila lahat ito.."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Kaya ba umiiyak sila kagabi?" hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman siya. "Bakit hindi ninyo sinabi sakin? Bakit hindi mo sinabi?"

"Dahil ayaw kitang saktan.."

"Pero nasasaktan na ako ngayon.." napipiyok pa ang boses ko.

"I'm sorry, baby. Gusto ko lang naman kasing.. mamatay ng hindi nagsisisi. Gusto ko, bago ako mawalan ng buhay ay nasilayan ko pa ang mga ngiti sa mukha mo. Gusto kong maging masaya bago ako pipikit at matulog ng tuloyan." napahagulhol ako sa mga sinasabi niya. "Alam kong naging selfish ako sa mga desisyon ko..pero hindi ko pinagsisihan iyon. Dahil bago kinuha ang buhay ko ay naranasan ko pang maging masaya na tila abot langit. You are the reason why I came back from heaven."

Humikbi kong tinitigan ang mga mata niya. "Kung alam ko lang.. s-sana.. binuhos ko sa'yo lahat ng oras ko. Sana hindi nalang ako umalis sa tabi mo. Sana kahit isang segundo hindi ko nalang inalis sa'yo ang paningin ko. Sana hindi nalang ako natulog para parati ko nalang nasilayan ang mga mukha mo.."

"Shss.. Baby, 'wag kang magsabi ng ganyan. Hindi ka nagkulang at parati mong tatandaan na mahal na mahal kita. At dahil mahal kita gusto kong palagi kang masaya."

"Paano ako magiging masaya kung wala ka na?"

Ngumiti lang siya. "Please be happy, baby. Nangako ka na sakin kanina.."

Umiling ako. "Sinabi ko lang iyon dahil akala ko hindi ito mangyayari.."

Wala siyang pinakitang ibang reaction kundi ngumiti, isang matamis na ngiti. "Baby, I loved you so much." lumapit siya sakin at napapikit ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin na tila niyakap ako.

Mas lalo akong naiyak dahil batid kong siya ang yumakap sakin. Parang dinurog ng ilang beses ang puso ko. Milyon-milyong sugat ang nararamdaman ko dito sa aking dibdib. Sobrang hirap, sobrang sakit, sobrang lungkot na para bang nawalan ako ng pag-asang mabuhay pa.

Naramdaman ko na unti-unting nawawala ang malamig na yumakap sakin. Pagkamulat ko ay wala na akong makitang Zion. Napalingon-lingon ako sa kung saan-saan pero wala na talaga siya.

Napalakad-lakad ako habang patuloy na pumapatak ang aking luha at hindi na naman mapigilan ang paghahagulhol.

'Zion!!'

Sana hindi nalang ako pumikit..

"Precious?" may tumawag sakin sa di kalayuan.

Hindi ko siya nilingon. Napaupo nalang ako at kagaya kanina ay ipinatong ko ang siko ko sa nakapantay kong tuhod at doon yumuko saka humagulhol.

"Precious?" hinawakan pa ni Rhanz ang balikat ko. "Si Zion.."

Napatingin ako sa kanya at hinintay ang gusto niyang sabihin. Umaasa akong kabaliktaran ng iniisip ko ang sasabihin niya. Inaasahan kong sasabihin niya na gising na si Zion.

To be continued.......

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now