"Baby, huwag mo ng alalahanin 'yon. Matulog ka na, okay?" malumanay na sabi niya saka ngumiti.

Ngiti at tango lang ang naisagot ko sa kanya pero kahit nakapikit na ako ay patuloy parin ako sa pag-iisip kung bakit sila nagkagano'n. Sa paglalayag ng isip ko ay nilamon na ako ng antok kaya hindi ko na namalayan ang mga susunod na pangyayari.

Napadilat ako nang may humalik sa labi ko at bumungad sakin ang mukha ni Zion. Matamis ang kanyang ngiti habang nakatunghay sakin. Bahagya pa akong napapikit ng gumalaw siya at nasilawan ako sa ilaw.

"Good morning baby," nakangiting sabi niya.

Umaga na? Bakit pakiramdam ko hindi pa umabot sa isang oras ang pagtulog ko?

"G-Good morning baby.." sabay ngiti ring sambit ko.

"Get up na, mag-ready ka na."

Kumunot ang noo ko sa kawalang ideya sa sinabi niya. Sobrang naguguluhan na talaga ako. Natulog akong may iniisip at nagising ako nang gano'n parin ang iniisip.

Bumangon ako saka bahagyang nag-unat. Humikab pa ako sa harapan niya pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko.

"Sorry.." nahihiyang sabi ko na hindi ko parin inalis ang aking kamay na nakatakip sa bibig.

"Bakit?" natatawang tanong niya.

"Wala pa kasi akong toothbrush."

"Sus.. 'yon lang pala. Kahit ilang araw ka pang hindi nagto-toothbrush okay lang sakin."

Tumaas pa ang kanang kilay ko. "Kahit ilang linggo pa?"

"Oo kahit ilang weeks pa."

"Kahit umabot na sa month?"

Natawa siya. "Grabe ka naman baby! Kaya mong hindi magtoothbrush ng isang buwan?"

"Hahaha..syempre hindi no! Nakakadiri kaya 'yon."

"Ano na kayang itsura ng ngipin mo 'pag gano'n na katagal na hindi nagto-toothbrush no?" kunwari pa siyang nag-iisip.

Mahina ko siyang tinampal sa braso. "Ewan ko sayo.." sabi ko saka tumayo pero napatigil ako sa paglalakad saka takang bumaling sa kanya.

"N-Nakakatayo ka na?" takang tanong ko na nakaturo pa sa mga binti niya.

Nakangiting tumango naman siya. "Oo, tsaka nakakalakad na rin."

Agad bumakas sa mukha ko ang pagkatuwa. Pero nagtataka parin ako. "Pero diba, kahapon gumagamit ka pa ng wheelchair?"

"Oo pero ngayon, sinubukan kong tumayo at maglakad ay nagawa ko.." masayang sambit niya.

Agad naman akong lumapit sa kanya saka yumakap. "I'm so happy, baby.. Basta promise ko sayo, 'pagkalabas mo dito. Magta-travel tayo sa mga lugar na gusto nating puntahan no'ng bata pa tayo. Kagaya ng Korea at Japan.." masayang sabi ko.

Dinampian niya ng halik ang noo ko ng medyo matagal. "Sige na, maligo ka na at magready. Andyan na rin lahat ng personal needs mo." tinuro niya ang mga paperbags na nasa kama niya.

"Sige,"

Kinuha ko ang mga iyon saka nagtungo sa banyo. Ginawa ko na ang mga karapatdapat na gawin. Ilang minuto pa ay nagbihis ako saka nagtoothbrush. Ilang minuto ulit ang lumipas bago ako tuloyang lumabas ng banyo.

Hindi ko alam kung bakit dress na kulay peach blossom ang pinadala nilang damit sakin. Sa pagkaalala ko, wala akong dress na ganito saka itong magarang sapatos na kagaya din ng kulay sa damit ko.

Pagkakita ko kay Zion ay nagulat din ako nang mapansin ang suot niya. Kulay peach blossom din ang sout niyang longsleeved at itim na pants. Ang gwapo niya tingnan, sobrang gwapo. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit ganito ang suot namin.

Lumapit ako sa kanya habang nasa kanyang mukha lang ang paningin. Parang ayoko na ngang ialis ang paningin ko sa kanya.

"Don't tie your hair." sabi niya nang makalapit ako at tinanggal niya 'yong pagkatali ng buhok ko. Buti nalang dinalhan din ako ng blower.

Lumadlad ang hanggang baywang kong straight na buhok. Hindi ito rebonded at natural lang talaga itong buhok ko.

"Ba't ganito suot natin?" maya mayay tanong ko.

Ngumiti siya saka inilahad ang kamay sakin. "Lets go?"

Tinitigan ko pa siya saka sinuri ang kanyang mukha bago ko pa tinanggap ang kanyang kamay. "Saan tayo pupunta?"

"You'll find it later," sabi lang niya saka lumabas kami ng kwarto at bumaba nitong hospital.

Puno ng tanong ang isip ko pero kung itatanong ko naman ito sa kanya ay hindi niya ako sinasagot. Wala talaga akong alam kahit kunti.

Hanggang sa parking lot ay namangha at nagulat ako ng bumungad samin ang isang magarbong sasakyan. At pinagbuksan pa kami ng..personal driver ba niya 'to?

"Good morning sir, ma'am.." bati samin ng driver.

"Goodmorning" bati rin namin sa kanya.

Hindi ko alam kung saan kami papatungo. Gustohin ko mang tanongin ulit si Zion pero parang alam ko ma ang isasagot niya. Pero parang pamilyar sakin ang daang tinahak namin. Tahimik kaming bumyahe. Ni walang kumibo sa aming tatlo. Pero parang hindi na ata papakawalan ni Zion ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkahawak nito.

Napakunot ang noo ko nang lumiko ang sinasakyan namin. Nag-iba ito ng daanan at hindi na ito pamilyar sakin. Saan ba talaga kami pupunta?

Maya maya lang ay huminto ito. Naunang lumabas si Zion saka pinagbuksan ako. Nangunot na naman ang noo ko nang makita kung ano ang nasa paligid. Isang park na walang tao. Pero may isang parte ng parkeng ito na tinakpan ng tila at hindi ko alam kung bakit.

"Tara?" inilahad ni Zion ang kamay niya kaya tinanggap ko.

Dahan-dahan kaming naglakad papasok sa park na ito. Pero ang mata ko ay ando'n sa malaking tila nakatakip sa hindi ko alam na bagay.

"Baby, anong ginagawa natin dito? Baka makakasama sa'yo 'to e.." agad na sambit ko pero nakangiti lang siya.

"Matagal na matagal ko na 'tong pinagtrabaho at pinagplanohan.. Para sayo ito, baby." bulong niya. Nadagdagan na naman ang tanong ko sa isip.

"Anong pinagpla--" naputol ang dapat na sabihin ko nang piglang bumagsak ang malaking tila sa lupa.

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat pero ang gulat ko ay napalitan ng saya at ligaya. Sa likod ng malaking tila ay ando'n pala lahat ng pamilya namin. Pero mas naantig ang atensyon ko sa napakagandang treehouse na nakita ko. Napaiyak ako sa sobrang saya.

"Nagustuhan mo ba?" tanong sakin ni Zion at tatango-tango naman ako saka napayakap sa kanya.

"Sakin ba 'to?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Oo, sayo 'to lahat." masayang aniya. "Nakita mo 'yon?" sabay turo niya sa painting. At mas nasurprisa pa ako nang makita ang mukha ko do'n. "Ako ang nagpaint niyan. Isa kasi 'yan sa mga gusto kong expression ng mukha mo no'ng mga bata pa tayo."

Napaluha ako habang pinagmasdan ang itsura ko sa painting niya. Tumatawa ako at bakas na bakas pa ang dimples ko. Tila nawawala din ang mga mata ko dahil sa sobrang pagtawa.

"Ang cute mo no?" sabi ni Zion sakin.

"Thank you so much, baby. Nagustuhan ko talaga sobra.. Ito na ang pinakamagandang regalo na natanggap ko." madamdamin kong sabi.

"I love you.." sabi niya saka hinagkan ang noo ko.

"I love you too.."

Minsan pa naming tinitigan ang treehouse mula dito saka pa namin napagpasyahan na lumapit sa kasamahan namin. Masaya silang nagkakainan, kumukuha ng litrato. Sana ganito nalang palagi. Iyong walang problema at puro lang saya.

To be continued...........

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now