Unexpected Soulmate Chapter 36

Mulai dari awal
                                    

"Zion natatakot ako.." napayuko ako dahil kahit anong pigil ko sa mga luha kong hindi mamuo ay hindi ko magawa. "Natatakot ako na..baka paglayuin na tayo. Ayokong mangyari 'yon." umiiling-iling ako.

"May sinabi ba sila dad sa inyo?" nag-aalalang tanong niya.

Huminga ako ng malalim saka pinahiran ang sariling luha habang nakayuko parin. Sinabi ko sa kanya ang desisyon ni tito kung ano ang kapalit ng pagpapalaya niya kay kuya. Hindi ko man nakita kung ano ang reaction niya dahil nanatili parin akong nakatungo. Pero dinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Maniwala ka lang kay Rhanz. Kapag sinabi niyang magiging maayos na ngayon ang lahat, ay mangyayari talaga. Magtiwala lang tayo sa kanya." hinawakan niya ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya. "Sinabi na sa'min lahat ni Rhanz kagabi. Maniwala ka man sa hindi ay naniniwala sila daddy at mommy na inosente si kuya Percei."

Kumunot naman ang noo ko. "Kung naniniwala sila, bakit.. bakit niya kami papalayuin sa inyo kapag hindi namin nahuli ang totoong suspect?"

Bumuntong-hininga pa muna siya saka bahagyang tumingin sa pinto. Napatingin naman ako do'n pero wala namang pumasok at nanatili lamang itong nakasara. Pagbaling ko sa kanya ay nakatingin na ito sakin.

"Sinadya nilang sabihin iyon at magpanggap na walang alam sa totoong suspect. Pinapalabas nilang si kuya Percei parin ang pinanghihinalaan nila dahil nag-iingat lang sila." mahinang sabi ni Zion. Mas lalo akong nagtaka at hindi ko alam ang pinagsasabi niya. "Isa iyon sa mga plano ni Rhanz dahil nalaman niyang may isang pulis doon sa presinto na binayaran ni Clark para bantayan ang kilos niyo. Baka kasi marinig kayo at may gagawin ng masama si Clark sa inyo."

Natigilan ako nang maalalang nabanggit namin ang pangalan ni Clark kanina. 'Yong bago kami umalis sa presinto. Sana naman walang nakakarinig niyon. Nag-aalala na tuloy ako ng sobra.

"So.. h-hindi totoo na palayuin kami ni tito sa inyo?"

"Hindi," umiling na aniya.

Nakahinga naman ako pero nandot parin ang pag-aalala. Baka kung ano ng nangyari kay Rhanz. Magtatanghali na pero wala parin kaming balita sa kanya.

"Si Rhanz, hindi pa siya nagtext o tumawag kung ano ng balita." nag-aalalang ani ko.

Hindi siya sumagot at hinilot niya lang ang sentido niya. Parang napapikit pa siya sa sakit. Bigla naman akong nag-alala nang humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Baby, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko na hinawakan pa ang balikat niya.

"Sumakit lang ang ulo ko, pero o-okay lang ako."

"Tatawag ako ng doktor," sabi ko na akmang aalis na sana pero pinigilan niya ako.

"'Wag na.. okay lang ako." aniya na nakamulat na pero nakakunot pa din ang noo.

Tumingin siya sakin saka pilit na ngumiti. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong umokay na siya.

"Magpahinga ka na.. matulog ka muna." sabi ko na inilalayan pa siyang humiga.

"Dito ka lang sa tabi ko." pinigilan na naman niya akong tumayo.

"Oo, kaya sige na.." inayos ko pa ang comforter niya.

Hinaplos-haplos ko ang buhok niya habang nakatitig sa kanya. Nakapikit siya kaya malaya akong tumitig sa gwapo niyang mukha.

Maya maya lang ay napahinto ako sa paghaplos ng buhok ni Zion nang mag-ring ang phone ko. Maingat naman akong tumayo para hindi magising si Zion. Agad kong kinuha ang phone ko sa side table saka tiningnan kung sino ang tumawag.

Unexpected SoulmateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang