Unexpected Soulmate Chapter 35

Start from the beginning
                                    

Kung gaano ka tahimik naming sinimulan ang pagkain ay gano'n din ka tahimik naming tinapos. Niligpit na't lahat ni mommy ay wala pa ring kumibo sa amin. Parang isa-isa kaming pinakiramdaman ang bawat isa.

Nabasag lang ang katahimikan nang tumikhim si tito senyales ng pagsimula niyang magsalita. Halos lahat ay napatingin sa kanya maliban kina kuya at tita na parang batid na nila kung ano ang pakay nito.

"Andito kami para sabihin sa inyo na iurong na namin ang kaso." panimulang sabi niya na nagpaantig sa enteres ko. "Kapalit ng pag-urong namin ng kaso ay nakikiusap kami sa inyong 'wag ng magpapakita pa sa'min kailanman."

Natigilan ako sa huling sinabi ni tito. Napatingin naman ako kay tita na para bang tinatanong ko kung totoo ba ang sinabi ni tito pero nanatiling nakatungo lang ito. Pagkabalik ko kay tito ay nakatingin na siya sakin, isang nanunuring tingin.

"Pero.. kung totoo nga na inosente ka sa nangyari Percei," baling niya kay kuya. "patunayan mo sa'min. Bago matapos ang araw na ito ay dapat maiharap niyo na ang totoong may sala sa'min. Dahil kung hindi ay huwag na kayong magpapakita pa."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil hindi ko alam kung magagawa ba namin iyon. Ni si Rhanz ay wala akong balita kung ano ng nangyari. Sana nga ay matupad niya ang pangako niyang maging maayos ang lahat ngayong araw. Napayuko ako sa kawalan ng pag-asa.

Masaya ako dahil inurong na nila ang kaso pero kalahati ng puso ko ay binalot ng lungkot at pag-alala. Nag-alala ako dahil baka matapos ang araw na ito ay hindi namin mahuli si Clark na siyang totoong suspect. At kung mangyari iyon ay magpapakalayo kami at posibleng hindi ko na talaga makikita pang muli si Zion.

"Precious?" napaangat ako ng tingin kay tito nang tawagin niya ako.

"Tito," sagot ko.

"Nakiusap sakin si Zion na papuntahin ka do'n sa hospital. Labag man sa kalooban ko ang papuntahin ka doon ay wala akong magagawa. Kaya sa huling pagkakataon ay papayagan kitang magpakita at makipag-usap sa anak ko." sinabi niya iyon habang nakatitig sa mga mata ko na ngayon ay may namumuo ng luha. "May kalahating araw ka pa para makasama mo ang anak ko. Dahil kapag natapos ang araw na ito nang wala kayong iniharap samin na totoong suspect, inuulit ko, huwag na kayong magpapakita pa sa'min muli."

Gusto ko mang tumutol sa desisyon ni tito pero parang sa tingin ko ay wala na akong magagawa pa. Pati si tita ay hindi na makatingin pa sakin.

Hanggang sa umalis na sila tita ay nanatili parin akong lutang. Ni hindi ko kinausap sila mommy at daddy gano'n na din si kuya. Hindi na rin ibinalik pa si kuya sa loob ng selda dahil pinalaya na siya.

"Precious, anak? Halika na uuwi na tayo at nang makahanap tayo ng paraan para matulongan natin si Rhanz na mahuli si Clark." malumanay na sabi ni mommy pero tiningnan ko lang siya dahil tila walang lalabas na kahit anong salita sa bibig ko.

"Hinanap ni Rhanz si Clark?" takang tanong ni kuya.

Si daddy na ang nagpaliwanag sa kanya kung ano ang ginawa ni Rhanz para tulongan kami. Pati si kuya ay bakas na ngayon sa itsura niya ang pag-alala para kay Rhanz dahil mas alam niya ang ugali ng kanyang kaibigan.

Hanggang ngayon ay wala parin akong natanggap galing kay Rhanz. Sobra na akong nag-alala.

'Nahanap na kaya niya? Nahuli na ba niya?'

Nabalik lang ako sa ulirat nang tapikin ni kuya ang balikat ko. Ngayon ko lang din natagpuan ang sarili ko na nakalabas na pala kami sa presinto at pasakay na sila mommy sa sasakyan. Tanging kami ni kuya nalang ang naiwan sa labas ng kotse at nakatunghay naman sa'min si mommy sa bintana.

"Anak, sasama ka ba sa'min o pupuntahan mo si Zion?" tanong ni mommy.

Napatingin naman ako kay kuya na ngayon ay nakangiti ng nakatingin sakin. Tinanguan niya ako na para bang nagsasabing kailangan kong puntahan si Zion.

"No mom, I'll go to the hospital po." sagot ko.

"Oh sige, mag-ingat ka. Tawagan mo lang ako 'pag may problema, okay?"

"Yes mom, thank you.."

Tinanguan lang niya ako saka bumaling kay kuya. "Percei lets go,"

Bago pa pumasok si kuya sa kotse ay hinarap pa muna niya ako saka niyakap. "Maayos din ang lahat, Precious. Tibayan mo lang ang loob mo." bulong niya saka palang siya kumalas.

"Sana nga kuya," malungkot na sambit ko.

Narinig ko pang bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, kung naranasan mo ito dahil sakin."

"Kuya wala kang kasalanan. It's all Clark's fault, kuya.." pagpapaintindi ko.

"I know, kaya ngayon kailangan kong tulongan si Rhanz para mahuli na si Clark."

"Kuya kung ano man 'yang binabalak mo para tulongan si Rhanz. Mag-iingat ka, okay?"

Ngiti lang ang isinagot niya. Saka lumihis at pumasok sa kotse. Nagpaalam pa muna sila sakin bago umalis.

Kasunod nila ang pitong pulis at ang tatlo naman ay nakabantay sakin. Kahit na nagta-taxi ako ay panay sunod ang mga pulis. Hanggang sa hospital ay hindi nila ako nilubayan.

Nasa hallway palang ako ay parang dinig na dinig ko ang kabog ng puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Hanggang sa tapat ng pintuan ng kwarto ay nagdadalawang-isip akong buksan iyon dahil baka sakit agad ang bumungad sakin.

Paano kung kagaya noon ay madatnan ko silang naghahalikan ni Eunice? Lalo na ngayong.. gusto na ni titang si Eunice ang magbabantay sa kanya.

Nag-alinlangan man ngunit hinawakan ko parin ang doorknob para buksan na sana nang may narinig akong boses sa loob.

"Babe.. may gusto ka bang kainin?" batid kong si Eunice iyon.

Para akong naistatwa habang nakahawak parin sa busol ng pinto. Napako ang paningin ko sa kamay kong nakahawak doon.

Wala akong marinig ni kaunting boses galing kay Zion o di kaya'y pagsagot sa tanong ni Eunice. Umaasa akong iba ang isagot niya at 'yong may kinalaman sakin.

"Babe, sabihin mo lang sakin kung ano.. ah ito bang orange ang gusto mo?" napalunok ako sa dating ng boses ni Eunice dahil sa sobrang lambing nito. "Sige, ipagbabalat kita.."

Talaga bang totoo ang sinabi sakin ni Eunice kahapon? Talaga bang gusto ni Zion na siya ang gustong makasama? Talaga bang na-realized niyang si Eunice ang mahal niya?

Pero bakit sinabi ni Rhanz at tito na gusto akong makita ni Zion? Bakit sabi ni Rhanz na ako parin ang mahal ni Zion? Ano ba talaga ang totoo?

O baka naman gusto niya akong papuntahin dito para ipamukha sakin na si Eunice talaga at hindi ako. Baka gusto niyang sabihin sakin ng personal na gusto na niyang lumaya sa puso ko para pumasok muli sa puso ni Eunice.

"I love you babe.." wala ng mas ilalambing pa sa boses ni Eunice.

Siguro ay hindi ko na kailangan pang marinig ang sagot ni Zion dahil sigurado naman akong mahal din niya si Eunice. Dahil kung hindi, ay 'di niya hahayaang pagsabihan siya ng gano'n at alagaan. Ginusto niya rin siguro ang pinaggagawa ni Eunice kaya wala na siguro akong rason para guluhin ang moment nila.

Sa tingin ko ay masaya naman si Zion, kaya kahit masakit sakin ay hahayaan ko na siyang maging malaya.

Unti-unti kong inialis ang pagkahawak ko sa doorknob saka marahang tumalikod. Pero napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Zion.

"Eunice, please.. tigilan mo na ito. We're over na! I already have a girlfriend and you know that!" parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ng sabihin iyon ni Zion. "'Wag ka ng dumagdag pa sa problema namin, nakikiusap ako! Tanggapin mo ng si Precious ang mahal ko!"

Napayuko ako at napaiyak. Hindi ko alam ang sayang nararamdaman ko. Pero hindi parin nawala ang lungkot sa puso ko dahil hindi ko alam kung huling araw ko ito para makita ko si Zion.

To be continued......

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now