Unexpected Soulmate Chapter 31

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumipas ang ilang oras ay andito parin ako sa presinto. Hindi ako umalis sa tabi ni kuya. Umuwi kasi saglit sila mommy para magkuha ng pananghalian namin. Sinabi ko kasing dito nalang kami kakain lahat para maisabay namin si kuya.

Umupo ako sa gilid ng mga rehas habang sa loob naman ay nakaupo din si kuya. Bali bawat isang balikat namin ay magkadikit.

"Kuya?" tawag ko rito dahil kanina pa kasi siya tahimik.

"Hmm?"

"Okay ka lang ba diyan?" nag-aalalang tanong ko.

"Hindi.." agad na sagot niya sabay ang pagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Kuya, ano ba 'yong sinasabi mo kay daddy kanina? Hindi ko kasi maintindihan e.."

Bumuntong-hininga pa muna ulit siya saka sinandal ang ulo niya sa rehas. "Hindi talaga ako ang nakabangga kay Zion."

Napatingin ako sa kanya. "Kung hindi ikaw, sino? Bakit kotse mo ang nakita sa cctv?" takang tanong ko.

"Naalala mo no'ng araw na pumunta tayong mall tapos kotse mo lang ang dinala natin?" tumingin siya sakin at tumango naman ako dahil naalala ko nga iyon. "Iyon din ang araw na naaksidente si Zion. Kaya hindi talaga ako ang nakabangga sa kanya."

"Eh bakit kotse mo nga ang nakita?"

"Kilala mo naman ako diba? Na kahit saan man ako magpunta ay dala-dala ko ang kotse ko. That was the first time na lumabas ako ng bahay na hindi ko dinala ang kotse ko dahil hiniram ito ng kaibigan ko."

"Sinong kaibigan?" kunot-noong tanong ko na naman.

"Si Clark. Nakiusap siya sakin no'ng time na 'yon na hiramin niya muna ang kotse ko dahil may pupuntahan sila ng kaibigan niyang babae.. No'ng una hindi ako pumayag pero dahil nagmakaawa siya, ayun pinahiram ko." nameke pa siya ng tawa. "Gabi na nga no'ng sinauli niya ito sakin. Kilalang-kilala ko ang kotse ko kaya nagtaka ako kung bakit parang may nag-iba sa cover nito. Parang naging bagong-bago na, yun bang pinalitan."

Habang sinasabi iyon ni kuya ay pinasok ko ito lahat sa kukute ko at pinagdugtong-dugtong ang mga pangyayari.

"Hindi ako nakapaghintay na sabihin niya ito dahil inunahan ko na siya ng tanong kung anong ginawa niya sa kotse ko. Well, sinabi lang naman niya na aksidenteng may nakabangga siya at nasira ang harapang bahagi ng kotse kaya pinaayos niya ito saka sinauli. Sinabi rin niya na 'wag ma daw akong mag-alala sa nakabangga niya dahil okay lang naman daw. Naniwala naman ako at kompyansa parin akong dalhin ang kotse ko kung saan-saan." mahabang kwento niya.

"Eh diba kuya, three days after ay pumunta na tayo dito sa Tagaytay?"

Tumango naman siya bilang sagot. "Matapos kasi ang araw na iyon ay hindi na muling nagtext o tumawag si Clark. Kinabukasan tinawagan na lang ako ni Seth na lumipad na pala sa ibang bansa si Clark. Eh wala naman siyang sinabi sa'min na barkada niya na pupunta siya sa ibang bansa. Kaya do'n ako nagtaka, pero kahit anong contact ko sa kanya ay hindi siya sumasagot." bumuntong-hininga muli siya.

"Pero hindi pa natapos ang araw na iyon ay nakatanggap ako ng isang tawag mula sa kanya. Syempre sinagot ko kaagad iyon dahil ang akala ko ay usap-kaibigan ang dahilan kung ba't siya tumawag. Pero nagkakamali ako.. dahil hindi pa man ako nakapagsalita ay sinabi niya sakin ang pakay niya." yumuko siya saka umiiling-iling.

Kumunot naman ang noo ko. "Anong pakay niya?"

"Sinabi niya sakin na ang nabangga niya ay nasa critical condition at hinahanap na ngayon ang bumangga which is iyong kotse ko. Ang akala ko ay susuko siya at harapin ang consequences niya pero nagkamali na naman ako ulit. Dahil sinabi niya na kapag nagsumbong ako at ituro siya ay gagawin niya lahat para mapabagsak ang kompanya ni daddy."

"Kaya ba palagi kang pinipigilan ni daddy?"

"Oo.. Kasi pagkatapos sabihin iyon sakin ni Clark, sinabi ko kaagad ang tungkol do'n kay daddy. Dahil nagbabakasakali akong tulongan niya 'ko para hindi ako ang madihado. Pero.. hindi e, tinulongan niya lang akong magtago at ilihim ang lahat alang-alang daw sa kompanya niya."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni kuya tungkol kay daddy. Talagang mas nilagyan niya ng importansya ang sarili niyang kompanya sa sarili niyang anak.

Kaya pala no'ng time na nakita ko sa newspaper niya ang balita tungkol sa aksidente ni Zion ay parang nataranta siya. Kaya pala ayaw niya akong papuntahin sa lugar kung saan nangyari ang banggaan. Kaya pala pilit niya ipaintindi sakin na delikado ang lugar na iyon kahit kita ko naman kung gaano ito kalinis at wala akong masabing kahit kaunting delikado.

Ngayon alam ko na ang tinatago niya. Mas naging malinaw na sakin kung ano at sinp ang mas importante para sa kanya. Kahit kailan ay naging pangalawa lang kami sa naging priority ni daddy dahil ang kompanya na ang pinakauna.

Naaawa ako kay kuya dahil pilit niya sanang gawin ang tama ngunit pinipigilan lang siya ng aming ama. Ayun tuloy, si kuya ang dihado.

"Pwede ko bang malaman kung nasaan ang Clark na sinasabi mo?"

Natigilan kami ni kuya nang may nagsalita sa bandang likuran namin. Marahan namin itong liningon at nagulat kami kung bakit andyan siya at anong ginagawa niya rito at narinig ba niya ang pinag-uusapan namin ni kuya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa amin kaya agad naman kaming tumayo saka hinarap siya. Nagpalipat-lipat siya ng tingin samin na tila hinihintay ang sagot namin.

To be continued.......

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon