Unexpected Soulmate Chapter 31

Start from the beginning
                                    

"Precious, I'm sorry.."bulong niya.

Hindi agad ako makapagsalita dahil sa halong pagkagulat kung bakit niya ako niyakap. Umiiling-iling ako habang humihikbi. Wala akong lakas upang kalasin ang yakap niya.

"I'm sorry kasi wala akong nagawa para.." hinawakan ko ang kamay niya saka pilit na hinarap. Siya na rin ang kusang bumitaw sa yakap.

"Alam ko namang gusto mo talagang pagbayarin ang gumawa nun kay Zion. Kahit na..ako g-gusto ko ding mahuli ang suspect pero.. p-pero ngayong si kuya pala ang pinanghihinalaan.." yumuko ako saka umiling-iling. "Hindi ko na alam kung ano ang gusto kong mangyari.."

"Naiintindihan kita.. Pero sana, kahit ganito ang nangyayari ay hindi ka magbabago."

"Kung kailangan kung magbago..gagawin ko para sa kuya ko. Pero..nahihirapan ako sa sitwasyong ito. Importante sakin si Zion at ganoon na din ang kuya ko." habang sinasabi ko iyon ay patuloy parin sa pag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak.

"Pasensya ka na.. Wala akong magawa."

"You don't have to say sorry, Rhanz."

"Narinig ko kayo ni tita.. sinabi niya sayong hindi ka na muna papalapitin kay Zion. Alam kung mahirap at masakit para sayo pero sana intindihin mo rin si tita. Dahil alam kong mahihirapan si Zion katulad ng sinabi sayo ni tita."

"Pilit ko nalang intindihin."

Ganito ba talaga ang role ko sa buhay? Ang palaging umintindi sa iba? Kahit masakit ay kailangan talagang ikaw parin ang mag-a-adjust?

Umalis na si Rhanz kaya bumalik ako kay kuya na ngayon ay kausap sila mommy at daddy. Wala pa ring tigil sa pag-iiyak si mommy.

"Daddy, tulungan mo naman akong makalaya dito. Alam mo namang hindi ako ang may gawa nun e. Ayokong pagbayaran ang kasalanang hindi ko ginawa, dad!"

Ayun na naman ang pagkalito ko. Ano ba talagang alam ni daddy? Bakit palaging ipinagpilit ni kuya na talagang hindi siya ang may gawa at alam iyon ni daddy?

"Gagawa ako ng paraan pero huwag kang magsalita ng kung ano-ano na pwedeng ikapahamak ko."

Ayun na naman ang salitang 'ikapahamak'. Ano ba talaga? Ako lang ba ang walang alam?

"Dad, mas gusto kong gawin ang tama. Dahil alam kung 'yon ang ikabubuti ng lahat. Ayokong masira ang relasyon natin sa pamilya nila tita Stacey. Ayoko ring mahirapan si Precious dahil alam ko kung ano niya si Zion."

Napayuko ako dahil sa sinabi ni kuya. Inaalala niya ako kahit ganyan ang kalagayan niya. Pero mas lamang ang pagkalito ko dahil sa pinag-uusapan nila.

"'Wag mong sabihin sakin na sasabihin mo sa kanila ang totoo?" galit na asik ni dad.

"Oo! Sasabihin ko kung ano talaga ang nangyari para malinis na ang pangalan ko."

"Napakamakasarili mo. Hindi kita pinalaking ganyan."

Hindi ko man kita ang itsura ngayon ni daddy dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Pero batid kong namumula na ito sa galit.

"Ako pa ngayon ang makasarili dad? Diba mas ikaw ang dapat tawaging ganyan dahil mas inaalala mo ang sarili mong kompanya kesa sa pamilya natin!"

"Tumahimik ka!" giit ni daddy.

"Tama na, tama na.." umiiyak na awat ni mommy.

Hindi ko na maihakbang pa ang mga paa ko. Halo-halo ang mga tanong sa utak ko pero lahat ng iyon ay hindi ko alam.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now