00003xx

10.5K 141 0
                                    

00003xx

Less than one month

Hindi na ako ulit magsasayaw at kakanta ng T. Swift songs dahil sa nangyari.Walangya yung sabon na yun. Hanggang ngayon hindi pa din ako nakakagetover sa nangyaring yun last week.

At hindi pa din tumitigil si Keegan sa pagtawag sa akin kaya kinuha ko yung isa kong phone at saka inext yung mga importanteng

Lumabas ako ng kwarto nang makita kong masayang papalabas ng kwarto si Dreigo, “Una na ako, Thea. Thank you.” Tinanguan ko sya at tipid na kumaway dahil nagtataka ako sa itsura nya. May kung anong nignig yung mga mata na wala kanina nang pumasok sya. Maaga kasing nandito yan at sya ang nanggising kay Teyah. May dala-dala din syang isang supot na hindi ko alam kung anong alam.

Napailing na lang ako at nagsimulang magligpit para makapag-ready’ng mag-grocery. I checked our cabinets and other stock at wala na pala kaming makakain. Masyado kaming usy sa kanya-kanya naming mundo. Well, hindi excuse yung akin dahil katangahan lang sa pag-ibig yung kung bakit ako tuliro.

Pareho naman kaming tanga ng kambal ko. Kung sya eh na-devirginize nang hindi niya alam, ako naman nagkaroon ng boyfriend ng biglaan.

Pero biglaan ding nawala. At least si kambal, si Dreigo pa mismo yung naghahabol. San ka makakakita ng lalaking gustong panindigan yung nagawa nya sa babae? Once in a blue moon na lang yung ganun kaya bilib talaga ako kay Dreigo.

Dumating sila Ate Pao kasama sila Kiel, Amelle, at Anne. Pare-pareho silang parang kinikilig sa pinag-uusapan at panay ang tili at tango ng lahat.

“Anong meron?” salubong ko sa kanila habang nagpupunas ng kamay dahil tapos na ako sa pagtingin ng mga kulang sa kitchen namin. Saktong lumabas si Teyah mula sa kwarto niya.

Taliwas sa itsura ni Dreigo kanina ang nakikita kong Teyah ngayon. Tahimik lang sya at nakabagsak yung mga balikat nyang lumapit sa amin ng tawagin sya nila Ate Pao para may ibalita.

“Papanindigan na naming maging tagapag-alaga ng bata.” Nagulat ako sa sinabi ni Ate Pao. Anong paninindigan? Kaya ba sila kinikilig kasi meron na namang isinuko ang bataan?

“BAKIT MAY BUNTIS BA SAINYO?” sumigaw ako sa gulat. “Ano? Sinong buntis? Sinong ama? Bakit kayo ganyan, pwede niyo namang sabihing may boyfriend kayo diba? Grabe ah.” Natawa si Kiel at Ate Pao sa naging reaction ko.

Sumegunda si Anne. “Wow. Big word, ikaw kaya? Edi sana di ka umiiyak-iyak dyan nung isang linggo.” Nakatawa syang nakatingin sa akin, yan! Ipinamumukha nila sa akin yung naging breakdown ko nung isang linggo. Sabi ko sa inyo walang sikre-sikreto sa mga ito eh.

“Teka kasi!” sigaw ni Amelle, “Magtatayo daw kasi si ng daycare center.” Daycare eh mga nurse sila. Mga teachers ang nasa daycare – nagtuturo sa mga batang makukulit.

Bago pa man ako makapagtanong, naunahan na ako ni Teyah,“Daycare yung may nagtuturo diba? Parang pre-school.”

“Iba yun. Daycare yung may play area? Yung nakikita sa mall.” saad ni Kiel.

“Why would you do that if meron na pala sa malls? Isn’t it like…wasting money and time?” It’s true. Paano naman papatok yun kung meron naman na palang ganun at nasa malls pa.

Inexplain naman sa amin ni Ate Pao na experiment lang ang lahat. Ita-try lang daw nila or namin rather. Dahil masyado kaming natutuwa sa pag-aalaga kay Saskia tapos lagi pang kasabit si Dalli sa bawat oras na kasama namin si Saskia.

Afire Love (SPG Girls #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon