00001xx

16.2K 142 22
  • Присвячено Dana Kristine Ferma
                                    

00001xx

Akala

Bakit sa dinami-dami pa ng pagkakataong magkakaganito ako eh ngayon pa? Bakit hindi isinabay noong sobrang nayanig yung mundo ko – naming lahat sa pagkakawala ni Lois?

It’s been five months since that tragic day and I still can feel how crushed we all were at that time. Loislane was like a sister to me – to all of us. Sa lahat ng kabaliwan namin, sa lahat ng kalokohan? Magkakasama kami.

And I know since that day, marami ang nagbago. We never really acknowledged it pero alam ko may nagbago. We were all shaken up and what happened made us realize some things.

At dahil sa mga realizations na yun, I am here. Inside my room listening to Ed Sheeran. Every beat and every word makes me want to wreck something.

It’s three in the morning at nakakalat sa paligid ng kama ko and iba’t ibang unan, yung cover ng kama wala na sa ayos and I’m bawling my eyes out. I look like shit if you want a direct description. My eyes are puffy and my long hair’s wet from tears and sweat.

I tried zoning out pero muli na namang nagsimula yung kantang Photograph ni Ed Sheeran. Napatingin ako ng masama sa laptop ko na nakapatong sa study table ko kung saan nanggagaling yung tugtog. Pinilit kong pigilan yung iyak ko at saka ikinuyom yung mga kamay ko. Hindi ko namalayan na may hawak pala ako sa kanang kamay ko kaya napatingin ako bigla sa mga palad ko.

What I saw there was a polaroid picture – ang picture na dahilan ng pag-iyak ko. Ang picture na naging dahilan para kumawala yung iyak kong pilit kong pinipigil dahil napapagod na yung dibdib ko sa sakit. Napahawak ako sa dibdib ko gamit yung kanang kamay kong may picture pa ng walangyang lalaking may dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Kumalma ako sandali dahil malapit na namang matapos yung kanta. Pinilit kong isaayos yung paghinga ko para muling pigilan yung pag-iyak. It’s pathetic, really. Listening to the same shit then crying again and again – pero wala akong lakas na i-pause man lamang yung kanta. Since Loislane died, yan na yung laging pampatulog ko. I don’t know if my sisters notice it, but it really was.

Yan yung huling kantang pinapakinggan ko nang maaksidente kami. It reminds me of the last happy moments with Loislane. Nakatatak yun sa utak ko na parang picture – minsan slowmo video pa nga. Pero ngayon, hindi ko na alam kung para saan baa ng kantang yan.

“Thea…?” hindi ko man lang namalayang pumasok na pala si kambal sa kwarto ko. I can’t look at her dahil may kasalanan ako. Naramdaman kong dahan-dahan syang naglakad papalapit sa akin. I know she can see my face. It’s glistening with tears at malamang ko narinig nya yung pag-iyak ko mula sa kwarto niya. Magkatapat pa naman yung beds namin.

Umulit na naman yung kanta at muli na naman akong umiyak. This time, hindi ko na pinigilan. There’s no need to do so, “Anong problema, Thea?” tanong sa akin ni Teyah habang papaupo sa tabi ko.

“Anong meron dito?” narinig ko si Ate Pao mula sa pinto. Hindi ako natinag sa pagkakaupo ko at hindi ko sila tinitingnan. I’m keeping my eyes on the picture – hikbi lang ako nang hikbi hanggang sa magtanong ulit si Teyah, “Sino yan?”

Ipinikit ko yung mata ko at umiling-iling ng marahas sa kanila. I can’t even tell them my problem dahil natatakot ako na magalit sila sa akin. Another problem na naman yun pag nagkataon.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ni Ate Pao sa akin; pumaikot sa akin yung mga braso nya at inihilig yung katawan ko pasandal sa katawan nya.

Afire Love (SPG Girls #3)Where stories live. Discover now