00002xx

9.7K 132 4
                                    

00002xx

Never Ever



Hindi naman kasi ako talaga nakatulog nang iwanan ako ni Ate Pao kanina. I ended up staring at the ceiling while Keegan kept on blasting my phone calling and sending text messages. I was too tired to reah for my phone and turn it off kaya hinayaan ko lang sya hanggang sa mapagod si gago.

I looked at the clock at sabi niya eh kailangan ko nang bumangon dahil ilang oras na akong tulala sa higaan ko.

Gising na kaya ang magagaling kong kapatid? Lalo na si Teyah? Tumayo ako mula sa kama ko at napatingin sa full length mirror na nakatabi sa pintuan ng bathroom.

Teyah and I look so much alike most of the days. Same long black hair, same fair complexion, same height... all the physical attributes you can think of, pareho – except for our bodies though. No, we're not the total opposites but Teyah's more on the curvy side. Pero hindi naman talaga kami nagkakalayo.

You'll know our real differences once na nakasama mo kami at naging kaibigan mo kami. Si Teyah – palaban, bully, outspoken. Total opposite ko dahil hindi ko kayang maging katulad nya. I'm more on the demure side, si kambal yung sumalo lahat ng kalumutan sa katawan.


I stared at my shitty reflection. I was wearing a pajama with a tank top on. Yung mahaba kong buhok eh maihahalintulad mo sa ahas na buhok ni Medusa – yung akin nga lang eh mga patay na ahas.

My eyes were puffy and my nose is as red as a tomato.

Kung ipagtatabi mo kami ng kambal ko ngayon, malalaman kung sino ang sino dahil sa itsura ko ngayon. Yung dating mamula-mulang kaputian ko eh ngayon ay kasimputi ng papel –as if my blood were drained away.

Naisipan kong mag-ayos sa kwarto ko dahil naalibadbaran ako sa itsura nya. Nagsimula ako sa kama ko, tinanggal ko yung pillow covers pati yung kumot, kailangan kong palitan to. Pinag-shuffle ko din yung laman ng study table ko – inayos ko by color yung mga damit ko, itinapon ko lahat ng pwedeng itapon na nakapaligid.

Lahat na ng pwedeng baguhin sa loob ng kwarto ko eh ginawa ko na just to distract myself from thinking about Keegan. Pero ang siraulo eh ayaw akong patahimikin.

Narinig ko na namang nagring yung phone ko mula sa loob ng drawer ko.

Lumapit ako doon at dahan-dahang binuksan yung drawer. At hindi nga ako nagkamali – Keegan's calling again.

I tapped the decline button at nakita ko kung gaano kadami na naman yung texts nya. 321 texts at almost 100 missed calls. Kung tutuusin, kulang pa yan sa ilang linggong hindi sya nagparamdam after kong malamang pinagpustahan lang pala nila ako ng mga kaibigan niya.

Hinihintay ko syang magpaliwanag na ipagtanggol yung sarili niya kasi hindi ganun yung pagkakakilala ko sa kanya. He's too nice to be involved in such bets. Pero nakalimutan ko yatang kilala pala sya bilang matinik sa mga babae.

He's a famous drifter, goodness! Pero hindi ko alam yun until the day I overheard him talking to some caked-up girl while being surrounded by his friends. Pft. Pwedeng best actor yung walangyang lalaking yun.



Matapos kong gawin ang lahat ng gawin at matapos kong maligo, kinuha ko lahat ng sheets at covers na pinaghuhuhugot ko mula sa kama ko at dumiretso sa laundry room. Sinalampak ko lahat yung sa tabi ng washing machine at ako nang bahalang mag-ayos nun mamaya.


Pagkaraan ng ilang oras kong paglalagi sa kwarto eh naisipan kong wag nang pansinin o alalahanin man kahit kailan si Keegan. What good would he do, anyway? Sinisira lang nya yung tahimik kong buhay. Bakit ba kasi masyado akong nagpadala sa mga nangyari? Sa ipinakita niya?

Afire Love (SPG Girls #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon