INHUMANS 6 - I

9 0 0
                                    

(JEDIAH'S POV)

Wala na akong nakikitang laser beam galing sa PROJECT LIGHT at buo parin ang bulalakaw. Ibig sabihin ay nabigo sila na pigilan ito at iligtas ang mundo.
Pinikit ko ang aking mga mata habang naririnig ang mga iyak at pangamba ng mga tao sa paligid ko na hinihintay na lamang ang pagbagsak ng bulalakaw hanggang sa-

--------------Flash--------------

Kahit nakapikit ay tumagos sa aking mata ang napakalakas na liwanag kasabay ng malakas na tunog ng pagsabog at pagyanig ng lupa na muntik nang makapagpatumba sakin. Nararamdaman ko namang buo at buhay parin ako. Sa aking pagdilat, nakita ko na wala na ang bulalakaw. Ngunit makikita mo ang napakaraming kumikinang na mga buhangin na nahuhulog mula sa kalangitan, kung kaya't parang mausok ang paligid. Nang ilibot ko ang aking mata ay nakita ko na nakahandusay ang lahat ng tao maliban sa amin ni Marxie, na nakapikit pa rin habang nakatayo at hawak hawak ang kamay ng kanyang inang nakahiga sa kalsada.

Nang lapitan ko ito ay siya namang pag bangon ng mga taong tila nakatulog sa nangyari, ganoon rin si Jon, Romar at Tita Grace. Napagdesisyunan naming pumasok na sa kanilang bahay. Iniisip ko kung bakit kami lamang ni Marxie ang hindi naapektuhan ng liwanag na yun.

Bago ako pumasok sa bahay ay tinignan kong muli ang kalangitan at nakita ko ang kagandahan nito. Mapayapa na ulit ang paligid. At mukhang nasagip naman ng PROJECT LIGHT ang mundo. Makikita na ulit ang mga bituin, ang buwan at nagpaganda pa rito ang mga buhangin na paniguradong galing sa sumabog na bulalakaw.

Salamat sa Panginoon at hindi niya kami pinabayaan at iniligtas niya muli ang sangkatauhan mula sa isang trahedya. Nakita ko sila Jon, Romar, at Marxie sa kusina na nag-uusap usap kaya nilapitan ko sila.

"Kalokaaaaaa! Akala ko talaga katapusan na natin.", mangiyak-ngiyak na saad ni Jon.

"Akala mo lang yun teh, hindi ka agad mamamatay. Baka masamang damo ka diba?", biro naman ni Romar.

"Ayooon, ang bait-bait niyo pa sakin kanina tapos bubullyhin niyo na naman ako. Ang sakit niyong maging prends.", pabirong sagot ni Jon habang nakahawak pa sa dibdib niya.

Habang nagtatawanan ay tila nag-iba ang ekpresyon ni Marxie kaya tinanong ko ito kung anong problema.

"Marxie, okay ka lang ba?", pag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Di ko alam Jed eh, I don't feel well.", sagot niya habang hinihilot ang kanyang ulo.

"Baka natatae ka lang teh.", biro ni Romar.

"No, I'm nottttt.", pagtanggi ni Marxie.

"Kukuha nalang ako ng medicine diyan sa drawer.", dagdag niya.

Tumayo ito ng dahan-dahan upang kumuha ng gamot ngunit bigla siyang natigilan at nabigla kami sa nangyayari sa kanya. May kung anong bumalot sa mga paa niya at mabilis itong gumagapang paakyat.

Halong pagtataka at pagkagulat ang makikita kay Jon ng sabihin niyang,

"OH MY GOSH!! Anong nangyayari?!"

"I DON'T KNOW!!! HELP ME!!! GET THIS OFF ME GUYS!!!", sigaw ni Marxie habang pinipilit na tanggalin ito.

"Tita Grace! Tita Grace! Tulong! Si Marxie po-", sigaw ni Romar habang tumatakbo papunta kay Tita Grace.

"JED, PLEASE! ANONG NANGYAYARE!? HELP ME PLEASE! I DON'T WANT TO DIE.", umiiyak na hinaing ni Marxie habang nasa dibdib na nito ang malabatong bumabalot sa katawan nito.

"Di ko alam Marxie!!! Stay calm. Tatawag ako ng ambulansya o kaya ng pulis.", sagot ko rito.

Mabilis akong tumungo sa sala upang kunin ang aking telepono ngunit sa aking pagbalik sa kusina ay biglang bumigat ang pakiramdam mo. Hindi ko na rin magalaw ang aking mga paa at nang tignan ko ito ay mabilis na nababalutan narin ako ng bato.

"JED!!! Ikaw rin!!! OH MY GOSH ANO NA BANG NANGYAYARE?! Romar nasaan ka na ba? Tita Grace!", natatarantang sigaw ni Jon.

Bago ako tuluyang balutan ng bato ay nakita kong umabot na sa ulo ni Marxie ang sa kanya. Narinig ko pa ang mga sigaw nila sa huling pagkakataon.

"MARXIEEEE!!! JEDDDD!!!"


A/N: Sensya na po nalate sa update...enjoy reading

Ps. Credit sa partner ko dito mskookies

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Aug 31, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

INHUMANSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt