INHUMANS 1

17 2 0
                                    

A/N: Jediah Fuentes in Multi media😊😊😊

(JEDIAH'S POV)

Paalis na ako ng bahay ng makita ko si Mama sa labas ng bahay at nakikipag chismisan kay Tita.

Hayssss yan na naman siya...

"MA!!! Ang aga mo naman po mag chismis diyan, chismosa talaga tong nanay ko." biro ko.

"Ha!?" Pasigaw na tugon ng aking nanay habang nakakunot ang noo.

"Wala po sabi ko papasok na po akoooo!!", paalam ko.

Tango ang huling tugon sakin ng aking ina.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan magpapakilala muna ako.

Hello everone!!!! How are you to find out? HAHAHAHA.
Ako nga pala ang bunso ng Fuentes Family. Jediah Fuentes, but you can call me Jed, 20 years old at fresh na fresh from the city of stars.....

STAR CITYYYYYYY!!!!

Joke! Taga Caloocan lang ako, no jowa since birth, 3rd year college na ako at ang kinukuha kong kurso ay Education.

Actually dapat graduate na ako kung hindi lang ako naabutan ng K-12 program. Ewan ko ba kung ba't pinatupad pa yun, mas lalo lang tumagal sa pag-aaral ang mga estudyante.

At dahil nandito nalang din naman tayo, magkwekwento na rin ako ng buhay ko.

*Bakground music: Marian Rivera - Unfaithful*

Stori opmalay serchinpordaray~

Ang Papa ko ay namatay bago pa ako ipanganak ni mama. May sakit siya noon kaya di na niya ako naabutan.
Si Mama naman ay pinagpahinga na ng mga kapatid ko sa pagtatrabaho kaya ayun kung hindi chismis ay cellphone naman niya ang pinagkaka-abalahan niya.

Kapag grumaduate na ako ibibigay ko lahat ng gusto ni mama bilang kabayaran ng sakripisyo niya mula ng mamatay si papa. Si mama kase noon ang kumayod mag-isa para makapagtapos ang mga kapatid ko at ngayon naman ang mga kapatid ko ang tumutulong sa akin para makapag tapos sa pag aaral.

Kaya pinapangako ko na magtatapos ako ng kolehiyo at tutulungan ko ang aking pamilya. *fighting!*

May mga kapatid ako at konti lang naman kami. Samahan mo akong magbilang! *Dora's voice*

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim

Pito

Walo

Yey! Marunong kang magbilang! *congratulations*

Walo lang naman kaming magkakapatid hahahaha. (Uy konti lang yun. Yung iba nga dose hanggang 24 anak eh.)

Pero hindi lahat ng kapatid ko kasama pa rin namin. Dahil yung iba may pamilya na, nakabukod na, at yung iba naman nasa ibang bansa (OFW). Doon na rin nakapag-asawa.

Ako, si Mama, tatlo kong kapatid na babae na lahat ay may anak na at dalawang kapatid na lalaki ang laman ng munting bahay namin.

O siya. Tama na muna sa kwento ko, hindi na ako nakasakay ng jeep. Baka mahuli pa ako sa klase. Mamaya na ulit ako mag kwekwento pagbaba ng jeep.

*Background music 'Unfaithful' fading out*

Aydon wanadodis, enimorwowo
E-e-enimo-o-o-o-or~

(30 minutes later)

INHUMANSOnde histórias criam vida. Descubra agora