INHUMANS 2

10 2 0
                                    

(JEDIAH'S POV)

Ngayong araw ay abala ang lahat ng estudyante sa school dahil sa contest. Kanya-kanyang gawain ang bawat palapag ng bawat gusali. Ang naisip na tema namin sa aming kurso dahil kaguruan kami ay disenyong libro.

Nang sumapit ang lunch break ay naisipan naming kumain at ang nakakatuwa ngayon ay kumpleto kaming magtotropa.

"Yesss naman kumpleto tayo!!! 4plets poreber HAHAHA.", maligalig na sabi ni Jon.

"Hindi ka namin nakita kahapon Marxie dito sa school, pumasok ka ba kahapon?", tanong ni Romar kay Marxie.

"Oo naman pumasok ako, hindi lang ako lumabas ng classroom.", sagot niya.

Marxie Contiello, pinakabata sa aming apat. Magmula pa noong Senior High kami magkakaibigan hanggang ngayon at isa siya sa mga famous rito sa school dahil sa pagiging Beauty and Brain type of person. At siya rin ang Presidente ng SSC. Mabait rin to medyo may sayad nga lang. Ayoko sanang ikwento pero sshhh lang kayo haaaa, nakita ko siya minsan na nakikipag talo sa pusa like para silang nagkakaintindihan. Siguro pusa to noong past life niya HAHAHAHAHA.

"JEDDDD!!!!!", sigaw ni Jon sa tenga ko.

"Ano ba?! Bat ka naninigaw?", gulat kong tugon sa kanya.

"Paanong hindi kita sisigawan, eh kanina pa kita tinatanong kung anong order mo tapos wala kang imik. Lutang best?", sabi ni Jon.

"May baon ako bes, umorder na kayo ng pagkain niyo.", pagpapaliwanag ko sa kanila.

Minsan kase kapag wala akong gaanong budget dahil maraming gastusin sa bahay, eh nag babaon na ako para hindi na gumastos sa school. Tipid tipid din.

Naging masaya ang tanghalian namin dahil sa mga biruan at asaran namin. Matapos ang aming lunch ay nagsibalik na kami sa mga building namin. Si Marxie lang naman ang nahiwalay sa amin sa course dahil di raw niya forte ang pagtuturo, kaya ang kinuha niyang course ay Fine Arts dahil hilig nito ang paggawa ng mga likhang sining.

Nang makabalik na kami sa building namin, tumulong na kaming muli sa pagdedecorate ng palapag namin. Usually limang section kada floor at nasa third floor kami dahil dito ang mga third year. Sa kabutihang palad ay natapos ng buong Educ-students ang pag-aayos at nakita namin kung gaano ito kaganda, kaya sure win na talaga ang aming pagka-panalo sa contest.

"Mayor may prize ba ang mananalo sa contest na to?", tanong ko kay Kim na mayor namin ng makasalubong ko siya.

"Ang sabi sa amin ni Dean meron daw, 10k at mula mismo sa may ari ng school na si Doc. Mary", sagot sakin ni mayor.

Napaisip ako bigla dahil simula pa noong Senior High School ay hindi ko pa nakikita yung may ari ng school, kaya nagtanong ulit ako kay mayor.

"Mayor may tanong ako, diba kagaya ko dito ka rin nag Senior High? Nakita mo na ba sa personal si Doc. Mary?" pagtatakakang tanong ko sa kanya.

"Ahhhhhhhh oo dito rin ako nag Senior High pero di ko pa nakikita sa personal si Doc. Mary eh, noong naging mayor ako yan rin ang tanong ko kaya tinanong ko rin yan kay Dean at ang sabi nito ay wala pa raw nakakakita ng personal kay Doc. Mary maliban sa secretary niya na si Sir Zamora." kwento sakin ni mayor.

"Ahhh ang weird naman niya, baka pangit si Doc kaya ganun HAHAHAHA.", biro ko naman.

"Baliw ka Jed baka marinig ka ng iba, pero baka ganun nga HAHAHAHAHA.", sabay namin tawa ni mayor.

Matapos ang aming usapan ay inabisuhan kami na maaari na kaming umuwi at hintayin nalang ang announcement bukas kung sino ang departamentong nanalo sa Contest.

INHUMANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon