INHUMANS 3

11 2 0
                                    

(JEDIAH'S POV)

Mahimbing ang aking pagkakatulog nang biglaan akong magising sa mga ingay na aking naririnig mula sa labas ng bahay.

"Ano bang nangyayari? Bakit sobrang ingay naman? Ang ganda pa naman ng panaginip ko, hays.", tanong ko sa aking isipan habang nag-uunat pa.

Bumangon na ako at niligpit ang aking pinaghigaan. Tsaka ako dumiretso sa paglabas sa aking kwarto. Mukhang ako palang ang gising.

Lumabas ako sa aming bahay at nakita ko ang napakaraming tao na malimit na makikita sa araw-araw. Nagkakagulo silang lahat. May mga grupong nag-uusap uusap at ang iba nama'y nagchichismisan pa rin, marahil sa balitang inanunsyo kagabi tungkol sa malaking bulalakaw na tatama sa planetang Earth.

Hindi ko na naisipang kumain pa ng umagahan kahit kakagising ko lang, at tumuloy nalang ako sa paglalakad palayo ng bahay upang makita ang nangyayari sa aming lugar.

(Lumipas ang 10 minuto)

Nakarating ako sa tapat ng simbahan at nakita kong maraming tao ang nagdadagsaan. Pumasok ako at nakita ko ang mga taong taimtim na nanalangin habang ang iba ay naiiyak pa.

Lumabas ako at sumabay sa paglalakad sa mga taong papunta namang pamilihan. Marahil ay mamimili sila ng mga pagkain na iimbakin nila sa kanilang mga tahanan, o kaya nama'y mga supplies na kakailanganin para sa paghahanda sa parating na bulalakaw. Nag-masid masid pa ako sa paligid at nakita ko rin na may mga pamilyang magkakasama, nagbobonding at kung ano ano pa.

*Grrrrrwwwlkkk*

"Ughhh, nagugutom na ako. Makauwi na nga.", bulong ko sa aking sarili.

Napagdesisyunan ko nang maglakad pauwi nang may bigla akong nakabanggang matandang babae at natumba siya.

"Ay! Pasensya na po, hindi ko po sinasadya.", sabi ko sa matanda.

Iniabot ko ang aking kamay at tinulungan siyang makatayo.

Hindi ko maunawaan ngunit parang nagulat ito ng magdikit ang aming mga kamay at nagtagpo ang aming mga mata.

"Ayos lang iho, salamat. Hindi rin kasi ako nakatingin sa daanan.", sagot niya sa akin. 

At bago pa man kami tuluyang maghiwalay ng landas ay may kakaiba siyang sinabi sa akin.

"Kakaiba ang nararamdaman ko sa iyo, magkikita pa tayong muli." saad nito at tuluyan nang naglakad.

Tiningnan ko lamang siya palayo dahil sa weirdong sinabi nito sa akin, ngunit nagkibit-balikat nalang ako at nagmadali nang umuwi.

Sa pagpasok ko ng bahay ay nakita kong kumakain na ang aking mga kapatid.

"Oh saan ka galing? Anong oras ka nagising? Kanina ka pa namin hinahanap ah.", tanong ni ate Lyn.

"Sumabay ka na sa amin mag-umagahan, bilisan mo na.", sabi naman ni kuya Allan

"Nasaan si mama?", pagtatanong ko sa kanila.

"Umalis, may pinuntahan. Hindi niya sinabi kung saan.", sagot ni kuya Nel.

"Uuwi din yun. Ano pang tinutunganga mo diyan, umupo ka na dito at kumain na.", sambit naman ni ate Katrina.

Pumunta muna ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Tsaka ako kumuha ng pinggan sa kusina at dumiretso na sa kainan. Habang kumakain binuksan ko ang cellphone ko upang ichat si Jon.

Jed: [Best, may balita ako sayo. Nasaan ka? Nagpopokpok na naman? HAHAHA joke]

Sent✓

Nakita kong may notification sa aking email galing sa university kaya nama'y binuksan ko ito.

Good day students,

We are temporarily suspending the classes starting today because of the urgent emergency that our world is facing. This is to provide safety and make standard precautions for the students. During the class suspension period, the chapel inside the school will still be open for use. Further announcements will be made.

Let us keep praying and may the Lord have mercy on us.

God bless us all.

© Maria Vicente University

Pagkatapos ko iyong mabasa ay naisip kong wala rin naman akong gagawin sa bahay, kung kaya't nag-ayos ako at napagdesisyunan kong pumunta nalang sa chapel ng university.

Wala rin naman akong choice dahil napuno na ang mga simbahan sa lugar namin dahil sa dami ng tao.

Nagpaalam na akong aalis at pupunta ako ng school. Pumayag naman sila at nagbigay ng pamasahe ko. Nagpaalala lang sila na umuwi rin ako kaagad at mag-iingat ako. Umoo naman ako at tumuloy na sa pag-alis.

Habang nakasakay ako ng jeep, sinaksak ko ang earphones ko sa aking cellphone at nakinig ng music. Binuksan ko rin ang Facebook at nagbrowse sa news feed ko. Halos lahat ng nakikita ko ay mga article tungkol sa darating na bulalakaw, ang iba nama'y mga sari-sariling opinyon ukol dito, at mayroon din namang mga nagshashare ng prayers para sa kaligtasan ng lahat.

Pagkababa ko ng jeep ay makikita pa rin na maraming tao sa mga lansangan, ngunit iba ang kaso sa university namin. Halos mabibilang lang ang mga tao, may mga iilang professors, mga school staffs, at iilang estudyante na makikita sa loob ng campus.

Dumiretso na agad ako sa chapel at pagpasok ko nama'y walang tao. Kung kaya't umupo na ako at nagsimula nang manalangin.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pananalangin ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Sa pagbukas ng aking mga mata ay nakita ko si Marxie.

"Oh Marxie, nandito ka rin pala sa school?", tanong ko sa kanya.

"Ay wala ako dito, joke. Oo, may mga inasikaso ako, natapos ko naman na lahat kaya dumiretso ako dito sa chapel para manalangin rin.", sagot niya sakin.

Patawa naman akong tumango at tinuloy na ang pananalangin.

Pagkatapos ng pananalangin namin ay lumabas na kami sa chapel at pumunta muna sa mini-park ng campus. Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto bago namin mapagdesisyunang umuwi na.

"Jed, uwi na ako ha. Hinahanap na ako nila mama eh, ingat ka sa pag-uwi ha. Ichachat ko nalang kayo mamaya sa GC.", paalam niya sa akin.

"Ah sige, ako rin uuwi na rin kasi saglit lang din yung paalam ko. Tara, sabay na tayong maglakad pasakayan.", pag-aya ko sa kanya.

"Oh sige tara na.", pagsang-ayon niya.

Nagsimula na kaming maglakad pasakayan at nagkwentuhan pa rin kami. Nauna akong nakasakay kaysa kay Marxie dahil mas naunang nadadaanan ang sakayan ng jeep papunta sa amin, kaya pinag-ingat ko nalang din siya sa pag-uwi.

(THIRD PERSON'S POV)

"PROJECT LIGHT requires enough time to be activated. If we're not going to decide right now, it will be too late.", saad ng presidente ng NASA.

"We have already placed our votes.", sagot ng presidente ng Russia.

Superior ang bilang ng mga bumoto ng YES, that's why it will only lead to one decision.

"It's already done, I'm giving an order that PROJECT LIGHT be activated immediately.", pinal na sabi ng presidente ng America.

"Do all the things you can do, the Earth's destiny is in your hands now.", sabi pa nito sa presidente ng NASA.

"We will do what we can do.", sagot ng presidente ng NASA.

"MEETING ADJOURNED.", huling sabi ng presidente ng America.

A/N: Again kung may advice, comments or suggestions po kayo saken dahil beginner palang po ako sa larangan na to open po ako😊😊😊 and dont forget to vote😘😘 Thank you poooo

INHUMANSWhere stories live. Discover now