INHUMANS 5

12 0 0
                                    

A/N: Marxie on the Multimedia

(MARXIE POV)

"Imagine kung matutulad tayo ngayon sa Cretaceous-Paleogene extinction event that happened 66 million years ago. Dahilan ng extinction ng dinosaurs because of a mountain-sized meteor. Although other scientists doesn't want to claim it as the truth, may possibility na yun ang tunay na nangyari noon, right?", tanong ko sa kausap ko ngayon.

Ilang segundo din ang lumipas bago ito tumingin sa akin at sumagot.

"Meeeoooooowwwwww", tugon ng pusa sa akin.

"What if namatay pala sila because of a widespread disease? Or series of gigantic volcanic eruptions? May theory din about that.", tanong ko ulit rito.

"Meeeeeeooooooooooowwwwww", ^・ェ・^ *purrs*

Dahil sa iniwan nila akong mag-isa wala na akong nagawa kundi kausapin ang pusa kong si Jexia, na isang Maine Coon. Adorable diba? ฅ^•ﻌ•^ฅ

We have approximately 1 hour and 30 minutes left before we all die. Just kidding! The meteor is definitely real and near. On the other hand, lahat ng kasama ko may mga sari-sariling ginagawa. Si Jon na nasa gilid ko lang naman actually ay kausap sa telephone ang family niya, same as Romar which is talking to her girlfriend. Si mama naman umakyat sa kwarto, kausap si papa sa video call dahil nasa abroad siya.

Nakita ko si Jed na lumabas kaya naisipan kong sundan siya. Paglabas ko ng pinto ay di ko siya nakita, kaya dumiretso ako sa garden namin. Nakaupo siya sa malaking hanging hammock kaya tinabihan ko ito. Buti nalang may fairy lights kaming kinabit kundi sobrang dilim na sana dito.

Nakatulala ito sa langit kaya tumingin din ako. Napakatahimik ng paligid, just the sounds of the crickets will be heard. Nakakabingi, parang pinaparinig sayo na sa sandaling panahon mapapalitan din ang kapayapaang natatamasa namin. The sky is crystal clear, kitang-kita ang mga bituin at ang napakaliwanag na buwan.

Muli kong tiningnan si Jed at makikita mo sa kanyang mata ang takot.

"Ang pangit naman ng huling araw natin dito sa mundo. Wala man lang happy ending. Di man lang muna tayo binigyan ng jowa ni Lord bago mamatay." biro sa akin ni Jed habang nananatiling nakatingala ito.

"Pwede naman tayong magkajowa ngayon na mismo ah.", sagot ko dito.

"Ha? Paano naman? Eh magugunaw na nga 'tong mundo.", pagtataka niyang tingin sa akin.

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito ng maigi. Ilang segundo din ang lumipas ng nakatingin kami sa isa't-isa.

"It's plain simple, Jed.", sabi ko.

"Jowa mo na ako.", tipid kong sagot dito.

Makikita sa mukha niya ang pagkagulat at halo-halong emosyon na halos 'di na maipinta.

"ANO?! NABABALIW KA NA BA MARXIE CONTIELLO?!", pasigaw na tanong nito sa akin sabay bawi sa kanyang kamay.

"Oh bakit? Akala ko ba gusto mong magkajowa?", seryoso kong tanong sa kanya.

"Oo nga, pero hindi naman sa ganitong paraan!", tugon nito.

"Trust in me Jed, I'll make you happy like it's the end of the world. Eksakto oh, end of the world na.", pangungumbinsi ko dito with pleading eyes. 🥺

"Pasasayahing sinasabi mo diyan? Oy ano bang nakain mo haaaaaaaa. Pare-parehas lang naman tayo ng kinain, bakit nagkakaganyan ka na. Kung ano ano nang sina-", tuloy tuloy nito na sagot.

Gusto ko pa sanang marinig ang mga sinasabi niya ngunit di ko na napigilan ang kanina ko pang pinipigilang gawin.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!", hagalpak kong tawa na nagpatigil sa pagsasalita ni Jed.

INHUMANSWhere stories live. Discover now