Unexpected Soulmate Chapter 26

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ito na," maikling sagot ko.

"Okay, shall we?" sabi niya sabay iminuwestra ang daan palabas.

"Eh pa'no 'to?" turo ko sa mga pinagkainan namin.

"Si manang na ang bahala diyan. Tara na.."

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya palabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Mula pag-alis namin ay iba't-iba na ang nararamdaman ko. Hindi na talaga ako mapakali hanggang sa makarating kami sa hospital. Panay buntong-hininga ako habang papasok kami sa loob. Parang naiintindihan naman ako ni Rhanz kasi hindi niya rin ako inabalang tanongin o kaya'y kulitin habang nasa byahe hanggang dito.

Pagkapasok namin sa elevator ay kami lang ding dalawa ang tao. Sobrang tahimik kaya naisipan kong basagin iyon.

"Rhanz?" tawag pansin ko rito.

"Hmm?" sabay baling sakin.

"Kagabi.. diba pupunta dapat tayo dito? Bakit hindi mo man lang ako ginising no'ng oras na 'yon?" seryosong tanong ko sa kaniya.

Biglang nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya. Nagbaba siya ng tingin habang nakapamulsa. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa konsensya.

Bakit ko pa ba 'yon tinanong? Ang engot ko rin e! Baka dahil sa tanong ko naaalala niya 'yong nangyari kagabi.

"Pagod ako kagabi e.." biglang sabi niya saka bumaling sakin at binigyan ako ng pilit na ngiti.

'So ibig sabihin, hindi rin siya pumunta dito kagabi?'

Para hindi na madagdagan ang konsensya ko ay tanging tango lang ang nasagot ko sa kanya. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya para hindi niya gaanong mababasa ang ekspresyon ng mga mata ko.

Nagbukas na ang pinto ng elevator kaya lumabas na kami. Nasa hallway palang ay parang pinagpawisan ako. Panay tingin ako sa paligid baka sakaling andito si daddy.

Natrauma na ata ako..

Parang napansin naman ako ni Rhanz dahil hindi agad niya binuksan ang pinto ng kwarto ni Zion sa halip ay lumingon pa muna siya sakin.

"Precious, relax ka lang.. Andito lang ako okay? Tsaka, sigurado din naman akong h-hindi ka rin pababayaan ni Zion." sabi niya na animo'y pinapalakas ang loob ko.

"Thank you," pilit na ngiting sabi ko.

Kagat-labi kong tiningnan ang pagbukas ni Rhanz ng pinto. Huminga pa muna ako ng malalim saka sumunod sa kanyang pumasok.

Nakita ko naman kaagad si mommy na ngayon ay kausap si Rhanz. Dumiretso ako kay tita para magbeso.

"Tita," sabi ko sabay halik sa pisngi.

"How are you feeling hija? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" tanong sakin ni tita na hinawakan pa ako sa magkabilang balikat.

"Opo tita.." sabay pilit na ngiting sabi ko.

"That's good.."

Nakita ko naman magandang ngiti niya habang nakatingin sa likuran ko. Kaya sinundan ko ang tingin niya at do'n nagtama ang paningin namin ni mommy na ngayon ay maluha-luha habang nakangiting nakatingin sakin.

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon