Unexpected Soulmate Chapter 26

Magsimula sa umpisa
                                    

"Rhanz.." parang nagbabanta ang tinig ko.

"Joke lang.." agad na bawi niya saka pinagpatuloy ang pagkain. "Bakit mo ba ako tinititigan?"

"May naisip lang.." mahinang sabi ko saka nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Anong iniisip mo?"

"Naalala mo pa dati no'ng bata pa tayo diba?"

"Oh bakit?" ngumuya-nguya siyang bumaling sakin.

"Kung pinapatuloy kita sa bahay namin noon, siguro naging magkaibigan tayo mula noong bata no?" sabi ko.

Ngumiwi naman siya at nagkibit-balikat. "Siguro.. pero sa pagkakaalala ko, three days lang kami do'n sa Maynila e tapos uuwi na kami no'n sa Laguna."

"Ah, kaya pala hindi na kita noon."

Tango lang ang tanging naisagot niya. Saka tumayo at nagkuha ng tubig sa fridge. Pinunasan ko pa muna ang bibig ko matapos kong uminom ng juice.

"Gusto mo tubig?" alok niya pero umiling lang ako bilang tanggi.

"Rhanz?" tawag ko rito. Tiningnan niya lang ako hudyat para ipagpatuloy ang sasabihin ko. Hindi kasi siya makasagot dahil kasalukuyan siyang umiinom.

"Alam na ni mommy kung nasaan ako..at nasa hospital siya ngayon." pahina ng pahina ang boses ko.

Ibinalik pa muna niya ang pitsel ng tubig sa fridge sala bumaling sakin.

"Pa'no niya nalaman?" tanong niya.

"Sinabi kase ni kuya. Pero sinabi ko rin naman kay kuya na sabihin niya kay mommy kung nasaan ako para hindi na sila mag-alala bukod kay daddy. Ayoko ko kasing malaman ni daddy kung nasaan ako e, baka kunin niya ako at pilit ibalik do'n." bumuntong-hininga pa muna ako. "Ang sakin lang ngayon..nag-aalala ako na baka sinundan ni daddy si mommy sa hospital."

"Andito naman kami..'wag kang mag-alala."

"Si daddy 'yon.. Walang makakapigil sa kanya." parang nanlumo ako sa sarili kong sinabi.

Paano kung 'yun talaga ang mangyari? Ibig bang sabihin huling araw ko na ito kasama sila Zion? Natatakot ako sa totoo lang.

"Sasama ka ba sakin ngayon sa hospital o manatili na lang dito?" biglang tanong ni Rhanz.

"Gusto akong makita ni mommy e."

"So sasama ka?" tanong niya ulit at tango lang ang naisagot ko. "Don't worry I'll be here for you. Kung sakaling ando'n din ang daddy mo.. hindi ko hahayaang kukunin ka niya."

"Salamat, Rhanz."

"'Yan lang ba ang isusuot mo o magbibihis ka pa?" pag-iiba niya ng usapan.

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon