Unexpected Soulmate Chapter 25

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    

Saka palang ako nag-iwas ng tingin sa kanya at ibinalik sa langit ang paningin ko.

"Promise 'di ako magagalit o magbabago.." sabi ko.

Narinig ko pa na muli siyang naglabas ng malalim na pagbuntong-hininga.

"Precious, pwede ba 'kong humingi ng isang yakap?" malumanay na sabi niya.

Nagulat ako sa tanong niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Hindi pa man ako nakasagot ay lumapit na siya sakin saka yumakap.

'Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?'

Narinig ko ang pagsinghot niya kaya napilitan akong yumakap pabalik sa kanya upang hagorin ang likod niya.

Siya na rin ang unang kumalas at bahagyang tumagilid para punasan ang mga luha niya. Sinilip ko pa ang nga mukha niya.

"Ano bang nangyari sayo, Rhanz? Bakit kaba umiiyak?" pilit ko siyang iniharap sakin.

"Precious.." humugot pa muna siya ng malalim na hininga saka tumingin sakin ng diretso. "Siguro.. ito na ang tamang panahon para sabihin ko ito sayo. Sana huwag kang magalit sakin."

"Rhanz ano ba kasi 'yan.. kinakabahan na 'ko sayo e! Sabihin mo na kasi sakin ng diretso--"

"I liked you.." biglang sabi niya dahilan upang matigilan ako. "No.. erase that. I think 'I love you'.. I-I don't know when I start falling inlove with you.. I-I just suddenly fell it and all the time na magkasama tayo, I always felt so happy. Basta, I can't explain it well." umiiling pang aniya. "You are the only girl I always wanted to be with.. I don't know why basta komportable akong kasama ka, like this. All of my existence, ikaw palang ang nakakapagparamdam sakin ng ganito.." maluha-luhang sabi niya.

"Rhanz," wala na akong ibang masabi dahil sa gulat.

Hindi ko 'to inaasahan at mas lalong hindi ko na talaga alam ang sasabihin pa. Parang hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko pero hindi ko maramdaman ang tibok ng pagmamahal. Siguro nga ay dahil kaibigan lang ang turing ko kay Rhanz at wala ng hihigit pa do'n.

Pero natatakot akong masaktan siya. Ayoko rin namang tanggapin ang nararamdaman niya para lang maging masaya siya. Gusto kong magpakatotoo sa kanya at kahit pa saang anggulo ko pa tingnan, masasaktan ko lang siya. Mas lalong ayoko siyang paasahin dahil alam ko naman na hindi ko magawang suklian ang pagmamahal niya. Tanging si Zion lang ang tinitibok nitong puso ko at wala ng iba pa.

"I always get what I want noon pa, pero no'ng dumating ka.. do'n ko na-realized na hindi pala lahat ng gusto ko nakukuha ko. Dahil ang hirap mong abutin, Precious. Ang hirap pumasok sa puso mo lalo na't alam ko na may ibang nagmamay-ari na rin niyan." madamdamin niyang sabi.

"Rhanz," wala na talaga akong lakas na loob para magsalita pa.

"Precious, masaya ako dahil sa wakas nasabi ko na ito sayo. Hindi ko pinagsisihan na naramdaman ko 'to.." suminghot pa siya saka pinahiran ang sariling luha. "Alam kong mahal ka ni Zion at narinig ko rin na mahal mo din siya.. A-Ayokong maging selfish. Kaya hindi ko hiningi sayong suklian mo ang nararamdaman ko. Okay na 'ko na nasabi ko na ito sayo kesa ikimkim at pagsisihan in the next day."

Unexpected SoulmateΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα