Unexpected Soulmate Chapter 23

Start from the beginning
                                    

Ayoko ko kasing isipin ni Eunice na sinulit ko ang panahon gayong may alam ako na niloloko niya si Zion. At umiwas lang ako sa gulo dahil alam ko na nagtitimpi lang si Eunice sakin.

"Hindi niya magagawa 'yon.." kumpyansang sabi niya.

"Zion.. baka magselos siya at normal lang na maramdaman niya 'yon dahil boyfriend ka niya.." seryosong sabi ko. "Nagseselos siya dahil.. m-mahal ka niya.." dagdag ko pa.

Napabuntong-hininga siya saka nagbaba ng tingin.

"Alam naman niya kung sino talaga ang mahal ko," biglang sabi niya saka nag-angat ng tingin sakin. Kinuha niya ang kamay ko saka bahagyang hinila papalapit sa kanya. "Alam niya kung sino talaga ang nagmamay-ari nitong puso ko.." dagdag pa niya.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang totoong mahal niya pero parang ang puso ko ay nagsasabing ako 'yong tinutukoy niya. Pero ayoko din namang umasa dahil ngayon lang kami ulit nagkita. Posibleng may iba pa siyang nagugustuhan maliban kay Eunice.

"Pero siya parin ang girlfriend mo.." nagbaba ako ng tingin dahil ayokong makita niya ang emosyong kumakawala sa mga mata ko.

Narinig kong bumuntong-hininga siya. Bumalik nalang ako ng upo sa gilid ng kama niya, sa mismong tabi niya. Nagiguilty kasi ako dahil sa simpleng bagay lang hindi ko pa siya pagbibigyan. Alam ko namang  nami-miss niya ako at ganoon rin ako.

Bumuntong-hininga pa ako habang nakatingin parin sa magkahawak naming kamay.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" mamayay usal ko saka pa ako nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata namin.

"Medyo masakit parin ang ulo ko.. pero kaya ko na naman." sagot niya.

"Mabuti kung ganoon.. Magpalakas ka ah?" nakangiting sabi ko at tinanguan lang niya ako bilang sagot saka ngumiti rin.

"Okay na ba kayo ng daddy mo?" seryosong tanong niya at bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Hindi parin kami okay.." malungkot na sabi ko. Naramdaman ko pang bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "Ang totoo.. tatlong araw na akong hindi umuuwi at nagpapakita sa kanila."

"Bakit?" taka niyang tanong.

Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari sakin mula noong araw na lumayas ako at nakita ako ni Rhanz sa kalsada na walang malay hanggang ngayong araw. Kunot-noo niya akong tiningnan habang ang mapupungay niyang mata ay nagpapakita ng pag-aalala.

"I'm sorry.." madamdamin at sinsero niyang sabi. "I'm sorry kasi.. kung 'di dahil sakin hindi sana kayo nagkakaganyan ng daddy mo. Sana hindi nalang ako dumating sa buhay mo ngayon.. Hindi ka sana nahirapan ng ganito.."

"Zion.. huwag kang magsabi ng ganyan.. wala kang kasalanan," umiiling na sabi ko.

"Baka nag-aalala na sila sayo,"

"Alam naman na ni kuya kung nasaan ako. Sasabihin niya daw kay mommy pero hindi kay daddy.." sabi ko.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now