Chapter 37

425 8 0
                                    

Suelgi POV

Babe anong oras daw ang labas ni Lisa? Tanong ko kay Irene na nasa banyo at naliligo.

After lunch daw. Sigaw nya mula sa banyo. Tiningnan ko ang oras 9:00am palang.

Ilang oras palang ang tulog ko pero kailangan na naming bumalik agad sa hospital para sundoin si Lisa. Baka hindi parin sila kumakain kaya dapat magdala kami ng pagkain.

Madali lang kaming natapos mag ayos ng sarili ni Irene. Agad na kaming umalis ng condo para puntahan sina Jennie at Lisa. Dumaan muna kami sa restaurant upang magtake out ng pagkain. Mabilis lang naging byahe namin dahil maaga pa at wala pang traffic, pagkarating namin sa hospital ay agad na kaming pumasok. Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ng nurse na nasa nurses station.

Mam, kayo po ba si Ms. Kang? Tumango naman ako, pagkatapos may inabot syang isang bouquet of flowers.

May nagpapabigay po kay Ms. Manoban. Sambit ng nurse, kinuha ko ito at tiningnan kung kanino galing. Ngunit walang nakalagay na pangalan. Ngumiti ako sa nurse at nagpasalamat.

Thank you. Sambit ko, at nagpasimula na muli kaming maglakad papunta sa room ni Lisa. Dahan dahan kaming pumasok ni Irene, nadatnan naming mahimbing pang natutulog ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Irene ng makita naming magkatabing natutulog na magkayakap si Lisa at Jennie. Walang ingay kong inilapag sa table ang dala ko at kinuha ko ang phone ko.

May pang aasar na naman ako sayo Manoban ka. Pabulong kong sambit. Habang kinukuhaan ko ng litrato ang dalawa, sandali akong napabaling ng tingin kay Irene, nakangiti nyang pinagmamasdan ang mga ito.

Bagay na bagay talaga sila. Sambit ni Irene na nanatiling nakatingin sa dalawang mahimbing na natutulog. Napangiti ako, at muling ibinaling ko ang atensyon ko kina Lisa.

Kita sa mukha ni Jennie ang saya. Alam kong mahal pa nila ang isa't isa pero itong si Lisa pilit na itinatanggi sa sarili nya ang tunay nyang nararamdaman para kay Jennie.

Sana hindi magtagal at maging okay na ang lahat. Ayaw ko ng makitang nasasaktan ang mga kaibigan ko. Sabi ko sa isip ko.

Ilang sandali pa at gumalaw si Jennie hudyat ng magigising na ito. Agad kong tinago ang phone ko at nakangiting nakatingin kay Jennie na ngayo'y unti unting nagmulat ng mata.

Good morning! Sabay naming sambit ni Irene. Mukha namang nagulat sya at napabangon dahilan para magising din si Lisa.

Ang aga nyo naman. Sambit ni Jennie, kaya kinuha ko ang phone ko at pinakita ko sa kanya ang oras. Nanlaki ang mata nya ng makita nya ito.

10:30 na? Antagal ko na palang tulog. May halong gulat nyang sambit.

Sarap kasing matulog sa tabi ni Lisa e. Pang aasar ko sa kanya, at bumaling ako kay Lisa na ngayo'y namumula din ang mukha.

May nangyari ba? Kwento nyo naman. Dagdag ko sabay ngisi sa dalawang ngayo'y hindi makatingin samin ni Irene dahil sa subrang hiya. Maya maya'y naramdaman ko nalang na may tumamang unan sa mukha ko.

Aray naman Lisa! Nagtatanong lang naman ako. Malay mo meron naman talaga. Natatawa kong sambit, akmang babatuhin muli ako ni lisa ay dali dali na akong tumakbo sa likod ni Irene.

Tumigil ka na nga sa kakaasar mo sa dalawang yan. Saway sakin ni Irene na pinipigilan din ang tawa dahil sa itsura ng mukha ng dalawa.

Oo na! Seryoso kong sambit at lumakad na ako sa table kung saan nakalagay ang mga dala namin ni Irene. Kinuha ko ang bulaklak at inabot ko kay Lisa.

May nagpapabigay daw nyan sayo sabi dun sa nurse's station. Agad naman nya itong inabot at tiningnan kung may pangalan ng nagbigay. Ngunit walang kahit anong nakalagay doon.

First love, Last loveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum