Chapter 18

413 9 1
                                    

1 week later.

Jennie POV

Nandito ako ngayon sa office para ayusin ang mga kailangan para sa partnership ng company namin at company nina Lisa. Nang sabihin sakin ni dad ang tungkol dito, ako na mismo ang kumuha ng project. Gusto ko perfect ang lahat, subrang excited na ako para sa project na to. Siguradong makakasama ko dun si Lisa katulad ng sinabi ni dad.

1 week na mula ng huli kaming magkita nina Lisa. Napapangiti parin ako kapag na aalala ko yung milk ice cream. Kahit ilang taon na ang nagdaan hindi parin nya nakakalimutan ang favorite ko. Nakakatuwa lang isipin na kahit sa simpleng bagay hindi nya nakalimutan.

Bakit ka ba ganyan Lisa? Simpleng bagay lang nung ginawa mo pero anlaki ng epekto sakin. Nakangiti lang ako habang inaalala ang nangyari. Nagulat ako ng may biglang magsalita.

Anong klaseng ngiti yan? Tanong ni Jisoo na seryosong nakatingin sakin at nakataas pa ang kilay.

Jusko naman! Bakit ba hindi ka kumakatok? Sambit ko ng nakahawak sa dibdib dahil sa subrang gulat.

Kanina pa ako kumakatok hindi ka sumasagot kaya pumasok nalang ako. Sagot nya at umupo sa upuang nasa harap ng table ko.

Anong ginagawa mo na naman dito? Inis kong sambit sa kanya.

Balita ko kinuha mo daw yung project na kasama si Lisa. Jennie pinapaalala ko lang sayo, ikakasal na yung tao kaya wag mo ng balakin pang gumawa ng kahit na anong kalokohan. Seryosong sambit ni Jisoo.

Ano bang iniisip mo? Magtatrabaho lang ako, wala na naman akong gagawing masama. Sagot ko.

Basta Jennie ha, umayos ka! Alam ko namang mahal mo pa si Lisa kaya pigil pigilan mo yang sarili mo kapag magkasama kayo. Paalala nya.

Oo na! Inis kong sambit.

Maiba tayo Jisoo, kumusta na nga pala yung paghahanap mo dun sa babaeng "pakakasalan mo kuno". Tanong ko, bigla namang lumiwanag ang mukha nya at napangiti.

Tungkol dyan, tumawag sakin yung agent na pinaghahanap ko sa kanya. At sabi nya may update na daw kung nasan si Chaeyoung. Pinapupunta ko nalang sya dito para personal ko syang makausap. Sambit ni Jisoo.

Buti naman at magkikita na kayo. Ilang taon mo na nga syang hinahanap? Tanong ko.

10 years! Kaya lang paano kung may asawa na pala sya o kaya hindi na nya ako matandaan? Malungkot nyang sambit. Sasagot na sana ako ng may kumatok sa pinto, si Irene. Sya ang secretary ko.

Bakit Irene? Tanong ko bumaling naman sya kay Jisoo.

May naghahanap kasi kay Jisoo. Bobby daw ang pangalan, papapasukin ko na ba dito? Tanong ni Irene. Tumingin naman ako kay Jisoo at tumango naman sya  bilang tugon.

Sige, papasukin mo na. Sagot ko at maya maya pa'y may pumasok na lalaki. Itinigil ko muna ang ginagawa ko at humarap ako sa kanilang dalawa. Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila. May inabot syang brown na envelope kay Jisoo.

Ms. Kim andyan lahat ng information tungkol sa babaeng pinapahanap mo sakin. Sambit ni Bobby. Pagkakuha ni Jisoo noon ay nagbow na si Bobby at nagpaalam na para umalis.

Excited na binuksan ni Jisoo ang envelope at nang makita nya ang laman noon, unti unting nawala ang ngiti sa labi nya, nabitawan nya ang hawak nyang mga papel at mga larawan. Napalitan yun ng lungkot. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata at nakatulala sa mga larawan na kanyang nabitawan. Lumapit naman ako at kinuha yun. Laking gulat ko ng makita ang larawan ng isang babaeng nakangiting nakaupo habang kausap ang babaeng kilalang kilala ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo sa tabi ni Jisoo na tulala parin hanggang ngayon.

Rosé.. sambit ko

 sambit ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jisoo POV

Nanlumo ako ng makita ko ang laman ng envelope na binigay ni Bobby. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Bakit sya pa? Hindi to totoo. Sabi ko sa isip ko.

Rosé. Narinig kong sambit ni Jennie na ngayon ay hawak na ang larawan na kanina'y hawak ko.

Kaya pala hindi na nya ako binalikan dahil naaksidente pala sya. Kaya pala hindi nya natupad ang pangako nya na babalikan nya ako dahil nung mismong araw na pabalik na sya ay yun din ang araw na nasangkut sya sa isang car accident. Nakita ko na pala sya noon, pero hindi ko manlang sya nakilala. 3 years ago nung una ko syang makita na umiiyak sa harap ng puntod ng aking kababata. Bakit ba kasi hindi ko sya nakilala agad. Dapat napigilan ko sya, sana hindi naging sila ni Lisa. Sana hindi sya ang babaeng pakakasalan ni Lisa ngayon. Kaya pala noong makita ko sya iba ang naramdaman ko. Umiiyak kong sambit. Niyakap naman ako ni Jennie at pilit na pinapatahan.

Shhh. Jisoo may dahilan ang lahat, siguro hindi lang natin alam ngayon dahil wala namang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap. Sambit ni Jennie.

10 years Jennie! 10 years akong naghintay sa kanya. Sya ang naging buhay ko sa loob ng mga taon na yun. Pero bakit naman ganito? Bakit sya pa? Bakit ngayon ko pa sya natagpuan kung kailan ikakasal na sya. Bakit ngayon pa, kung kailan huli na ako. Sabit ko habang mahigpit akong nakayakap kay Jennie..

Napakadaya naman ng tadhana para satin. Yung taong mahal natin ang syang nakatadhana para sa isa't isa. Paano naman tayo? Sambit ko at kumalas na ako sa pagkakayakap kay Jennie. Pinahid ko ang luha ko at tumayo.

Kailangan kong makausap si Chaeyoung. Seryoso kung sambit. Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Jennie, lumabas na ako sa office nya at sumakay ng kotse. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagdrive lang ako at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa tapat ng puntod kung saan nakahimlay ang kaibigan ko.

Buti ka pa nabigyan ka ng pagkakataon na makasama sya. Mayakap, mahalikan at higit sa lahat mahalin. Samantalang ako, hindi pa nagsisimula alam ko na agad na talo na ako. Alam mo bang ikakasal na sya? Ikakasal na sya sa taong mahal na mahal ng pinsan ko. Sandali akong tumigil sa pagsasalita,  pinahid ko ang mga luha ko at ngumiti ng mapait. Huminga ako at pinagpatuloy ang pagsasalita.

Alam mo kung ano yung masakit? Hindi manlang nya ako maalala. Hindi manlang ako nabigyan ng pagkakataon na iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya. Napakahirap tanggapin na yung taong nais kong makasama habang buhay ay nakatadhana pala sa iba. Sambit ko at pinahid kong muli ang luha ko na patuloy parin sa pagbagsak mula sa mga mata ko.

Aalis na ako, sana---- hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may tumawag sa pangalan ko.

Jisoo!! Sigaw nya, nabato ako sa kinatatayuan ko. Ang boses na yun.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now