Chapter 9

512 10 1
                                    

Jennie POV

Andito kami nina Irene sa kubo, dito sa likod ng school. 1 week ko ng hindi nakikita si Lisa at pati na din si Rosé. Dadalawin ko sana sya sa hospital pero pagdating ko dun ay wala na sya. Sinusubukan kong tawagan ang number nya pero hindi ko na ito matawagan. Pagkatapos ng nangyari ay nawalan na din ako ng balita kay Kai.

Nasan ka na ba Lisa? Naputol ang pag iisip ko ng matanaw ko si Lisa na naglalakad papunta sa kinaruruonan namin. Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit sya.

Hi. Nakangiti nyang bati samin. Niyakap nya si Suelgi at Irene bago sya humarap sakin. Sumenyas naman muna si Suelgi na aalis na muna sila ni Irene. Tumango lang sya at bumaling ulit sakin

Pwede ba kitang yakapin? Tanong nya sakin. Pero hindi ako sumagot, nakatitig lang ako sa kanya. Naramdaman ko nalang na hinila nya ako papalapit sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero niyakap ko din sya pabalik. Naramdam ko namang ngumiti sya.

Namiss ko to. Sabi nya, Pagkasabi nya ng mga salitang yun nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. At sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko muli ang kakaibang pakiramdam sa babaeng minahal ko 5 years ago.

Ako din Lisa namiss ko to. Sabi ko sa isip ko

Salamat at hinayaan mo akong mayakap ka. Pwede bang mayakap pa kita ng kunting sandali? Tanong nya sakin, tumango naman ako bilang pagpayag.

Bakit nasasaktan ako? Bakit pakiramdam ko ito na ang huling yakap ko sa kanya. Nanatili lang kaming magkayakap ng ilang minuto. Hanggang sa kumalas na sya sa pagkakayakap at hinila nya ako sa upuan na nandito sa kubo.

Pwede ko bang hawakan ang kamay mo? Tanong nya ulit sakin. Natawa naman ako, naalala ko yung unang beses kaming nagholding hands. Yan din ang tinanung nya sakin.

Lisa naman, diba sabi ko sayo kapag gusto mong hawakan ang kamay ko wag ka ng magpapaalam. Hawakan mo nalang. Natatawa kong sambit. Kaya napatawa sya at hinawakan na nya ang kamay ko. Ilang minutong namayani ang katahimikan at sya din ang bumasag nito. Humarap sya sakin, hinawakan nya ang dalawa kong kamay at ngumiti bago nya ito binitawan may kinuha syang dalawang kwentas na tigkalahati ang puso. Ikinabit nya sa leeg ko ang isang kwentas pagkatapos ay binuksan nya ang palad ko at inilagay ang isang kwentas, saka nya ito muling tinikom at nagsalita muli.

 Ikinabit nya sa leeg ko ang isang kwentas pagkatapos ay binuksan nya ang palad ko at inilagay ang isang kwentas, saka nya ito muling tinikom at nagsalita muli

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Binili ko yan bago tayo maghiwalay. Ibibigay ko sana sayo yan sa 3rd anniversary natin kaya lang hindi na umabot. Ngumiti sya pero may lungkot parin akong nakikita sa mga mata nya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Tumingin sya sa malayo, huminga muna sya ng malalim at nagsalita muli.

Limang taon Jennie. Limang taon akong naghintay. At sa limang taon na yun, paulit ulit akong umaasang balang araw babalik ka! Na balang araw sasabihin mo sakin ang dahilan kung bakit bigla nalang nagbago satin ang lahat. 5 years akong nangulilala sayo Jennie. Tapos isang araw muli tayong nagkita, kaya lang di ka na mag isa. Masaya ka na sa piling ng iba habang ako hinihintay ka. Oo nagalit ako sayo at gustong gusto ko sayong isumbat lahat ng pinagdaanan ko. Dahil habang nagpapakasaya ka sa kanya ako naman tong nangungulila. Pero di ko magawang isisi sayo ang lahat ng yan dahil hindi mo naman sinabi sakin na hintayin kita. Kung saan saan kita hinanap pero tama nga sila hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpahanap.

Nagsimula na ulit bumagsak ang mga luha ko habang pinakikinggan ko ang mga sinabi nya. Wala akong lakas para magsalita dahil alam kong kasalanan ko. Hindi ko manlang sinubukang ipaglaban sya. Tumungo ako para hindi nya makita ang pagpahid ko sa mga luhang nagsisilandasan sa aking pisnge. Naramdaman ko nalang na may dalawang kamay na humawak sa mukha ko kaya iniangat ko ito. Nagtama ang mga mata namin. Kita ko ang sakit at pangungulila sa kanyang mga mata.Unti unti syang lumapit, napapikit ako ng halikan nya ako sa noo hanggang sa naramdaman kong hinalikan din nya ang mga mata ko. Napamulat ako at nakita kong may luha na din sa kanyang pisnge. Hindi na ako nagpaliguy liguy, tinawid ko ang natitirang espasyo ng aming mga labi nanatili lang akong nakapikit habang dinadama ko ang malalambot nyang labi. Halik ng pananabik at panghihinayang.

Sorry kung naging duwag ako. Nasabi ko sa isip ko. Mayamaya pay naramdaman kong naglayo na ang aming mga labi. Nanatili lang akong nakapikit at hinihintay ang kasunod nyang gagawin. Naramdaman ko nalang na pinunasan nya ang mga luhang patuloy na pumapatak sa pisnge ko.

Kapag dumating ang araw na magkrus ulit ang landas natin. Sana pwede na tayo, sana tama na ang lahat. Sana may lakas ka na para isigaw sa buong mundo na mahal mo din ako. Ingatan mo yang kwentas na binigay ko sayo ha. Ibigay mo ang kalahati ng puso nyan sa taong pakakasalan mo. Sambit nya

Ano to pinamimigay na ba nya ako? tanong ko sa isip ko.

Jennie ito na siguro ang tamang panahon para palayain ko na ang sarili ko sa pagkakakulong sa nakaraan natin. Gusto ko ng magsimula ulit. Gusto ko ng maging masaya ulit. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Hindi ako nagsisisi na binigyan kita ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ko. Siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Mag iingat ka ha. Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang yan. Hinalikan nya ako ang noo ko sa huling pagkakataon. Naramdaman kong binitawan na nya ang kamay ko at tumayo. Ilang sandali lang ay minulat ko ang mga mata ko. Wala na sya, pinuntahan lang pala nya ako para magpaalam. Ang sakit sakit palang maiwan. Hinintay nya lang pala ako para sya naman ang mang iwan. Gusto kong magalit, pero kanino? Kasalanan ko to! Kung hindi ko lang sana sya iniwan noon. Baka masaya parin kami ngayon.

Sorry Lisa. Sorry dahil hindi kita nagawang ipaglaban. Hinayaan kitang mag isang lumalaban para sating dalawa. Sambit ko.

Nakaramdam naman ako ng yakap. At alam kong si Irene yun. Buti nalang talaga meron akong best friend na pwede kong iyakan.

Lisa POV

Iniwan ko si Jennie sa kubo. Agad naman akong sinalubong nina Suelgi ng may pag aalala sa kanilang mukha.

Irene puntahan mo si Jennie, alam kong kailangan ka nya ngayon. Kayo ng bahala sa kanya at pati narin kay Rosé, hindi na ako makakapagpaalam sa kanya dahil hindi ko sya macontact. Bilin ko kay Suelgi at kay Irene .. Tumango naman sila, niyakap muna ako ni Irene bago sya tumakbo papuntang kubo. Inaaya ko na si Suelgi, sya na daw maghahatid sakin sa Airport.

Mabilis kaming nakarating sa Airport. Papasok na sana ako ng may narinig akong tumawag sakin.

Hoy Manoban! tawag sakin ng babaeng kanina ko pa tinatawagan para magpaalam. Ngiting ngiti sya habang palapit sa pwesto namin ni Suelgi.

Nagmamadali ka? Pabiro nyang tanong.

Medyo. Ayaw ko kasing maiwan ng eroplano. Ahmm teka paalis ka din? Tanong ko sa kanya, nakita ko kasing may dala din syang maleta.

Oo. Sasama ako sayo. Ayaw kong maiwan dito baka mabugbug ka na naman kapag walang nagbantay sayo dun. Pang aasar nya sakin.

Ayaw mo lang akong mawala sa tabi mo e. Nahulog ka na ba? Tanong ko sabay kindat sa kanya . Namula naman sya. Kaya nagtawanan nalang kami.

Sige na umalis na kayong dalawa. Baka talagang maiwan pa kayo ng eroplano. Natatawang sambit ni Suelgi.

Rosé ikaw ng bahala dyan sa kaibigan ko ha. Mag ingat kayo. Bilin nya kay Rosé, yumakap na ito at naglakad na kami papasok. Bago mawala sa paningin namin si Suelgi ay muli akong kumaway sa kanya.

Bago ako tuloyang pumasok sa eroplano ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga.

Bye Love. Sambit ko

First love, Last loveWhere stories live. Discover now