Chapter 26

423 9 0
                                    

Rosé POV

Umaga na akong nakarating sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Jisoo. Masyadong malayo ang lugar na to sa kabihasnan. Malayo palang ako ng may matanaw akong malaking puno na sa tingin ko ay yun na ang lugar kung saan nangako akong babalikan ko sya.

Malapit na ako ng may makita akong babaeng nakaupo sa upuan na nasa ilalim ng puno na yun. Nakatalikod sya kaya hindi ko makita ang mukha nya. Walang ingay akong lumapit sa kanya. Malaya kong napagmasdan ang mukha nya dahil nakapikit sya. Bakit ba hindi agad kita nakilala? Sabi ko sa isip ko.

Anong iniisip mo? Tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot. Umupo ako sa tabi nya dahilan para mapamulat naman sya.

Nagulat ka ba? Nakangiting sambit ko sa kanya na ngayon ay nakatulala lang sya sa mukha ko. Kinaway kaway ko ang kamay ko, tinanggal naman nya ang nasa tenga nya.

Kaya naman pala hindi ako narinig kanina dahil may headset sa tenga. Sabi ko sa isip ko.

Ano nga ulit yun? Tanong ni Jisoo.

Wala. Hindi mo manlang ba ako yayakapin? Hindi mo ba ako namiss? Sabi ko at umarteng nagtatampo. Pero sa halip na gawin nya yun ay tumayo sya.

Ano bang ginagawa mo dito? Alam ba to ni Lisa? Saka paano mo nalaman ang lugar na to. Sambit nya habang nakatingin sa ibang direksyon. Nanatili lang akong nakaupo at ibinaling ko ang tingin ko sa mga bundok na makikita sa kinakatatayuan namin.

Alam ko na ang lahat Jisoo. Na alala ko na ang lahat. Ikaw, si Jimin, yung pangako natin sa isa't isa bago ako umalis at pumuntang Korea. Sorry kung natagalan ako bago nakabalik sayo. Sorry kung nakalimutan kita. Tumingin muna ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na sakin. Tumingin ako sa mga mata nya halo halong emosyon ang nakikita ko doon. Tumayo ako at hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha.

Jisoo andito na ako, bumalik ako para matupad mo yung pangako mong pakakasalan mo ako. Habang sinasabi ang mga salitang yan ay nakatitig lang ako sa mga mata nya. Inalis nya ang kamay ko sa mukha nya bago nagsalita.

Hindi na pwede Chaeng. Ikakasal ka na! Paano si Lisa? Sa tingin mo magiging masaya tayo kapag nagpakasal tayo tapos may isang tao tayong nasasaktan?! Pasigaw nyang sambit. Umiiyak na sya at napaiyak na din ako.

Pero Jisoo--- hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng tumalikod na sya at humakbang papalayo sakin. Agad ko syang hinabol at niyakap mula sa likod dahilan para mapatigil sya.

Chaeng tama na please. Tigilan mo na to! Umuwi ka na! Puntahan mo si Lisa mas kailangan ka nya! Sambit ni Jisoo habang pilit tinatanggal ang mga braso ko sa pagkakayakap sa kanya.

Pero ikaw ang kailangan ko Jisoo. Si Lisa, hinayaan na nya akong piliin ka! Sambit ko at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Mali to Chaeng! Nagugulohan ka lang! Umuwi ka na!! Si Lisa ang mahal mo at sya ang dapat mong pakasalan hindi ako!! Sigaw ni Jisoo at buong lakas nyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Tuluyan na syang naglakad palayo sakin, tinawag ko sya pero hindi manlang sya lumingon sakin.

Jisoo POV

Nagulat ako ng makita ko si Chaeyoung na nakaupo katabi ko sa ilalim ng puno.

Imposible! Paano sya makakarating dito e hindi nga nya ako maalala. Na nanaghinip ba ako? Tanong ko sa isip ko.

Nagulat ka ba? Nakangiting sambit nya at kumaway kaway sa mukha ko. Tinanggal ko naman ang headset na nasa tenga ko.

Ano nga ulit yun? Tanong ko

Wala. Hindi mo manlang ba ako yayakapin? Hindi mo ba ako namiss? Sabi nya at umarteng kala mo'y nagtatampo.

Hindi to pwede! Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Sabi ko sa isip ko at tumayo na ako bago magsalita muli.

Ano bang ginagawa mo dito? Alam ba to ni Lisa? Saka paano mo nalaman ang lugar na to. Sambit ko na nakatingin sa ibang direksyon. Ayaw ko syang tingnan dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Alam ko na ang lahat Jisoo. Na alala ko na ang lahat. Ikaw, si Jimin, yung pangako natin sa isa't isa bago ako umalis at pumuntang Korea. Sorry kung natagalan ako bago nakabalik sayo. Sorry kung nakalimutan kita. Sabi ni Chaeng.

Napatingin naman ako sa kanya habang sinasabi nya ang mga salitang yun.

Na aalala na nya ako kaya sya nandito? Sabi ko sa isip ko. Tumingin muna sya bago tumayo at pagkatapos hinawakan ng dalawa nyang kamay ang mukha. Masyado syang malapit sakin, dahilan para makaramdam ako ng di normal sa puso ko.

Jisoo andito na ako, bumalik ako para matupad mo yung pangako mong pakakasalan mo ako. Dagdag pa ni Chaeng, habang sinasabi nya ang mga salitang yan. Kita sa mga mata nya ang saya.

Naalala ko bigla si Lisa. Paano sya? Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman ko. Ayaw kong makasakit ng ibang tao. Tinanggal ko ang kamay ni Rosé sa mukha ko bago magsalita muli.

Hindi na pwede Chaeng. Ikakasal ka na! Paano si Lisa? Sa tingin mo magiging masaya tayo kapag nagpakasal tayo tapos may isang tao tayong nasasaktan?! Na isigaw ko ang mga salitang yang dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Tuluyan na akong naiyak sa mga sinabi kong yun.

Sorry Chaeng hindi tayo pwede. Hindi ako ang tinadhana para sayo. Nasabi ko nalang sa isip ko. Nakita kong umiiyak na din sya. Parang dinudurog ang puso ko.

Pero Jisoo--- narinig ko pang may sasabihin sya ngunit hindi ko na pinansin pa yun, agad na akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Maya maya pa'y may mga bisig na yumakap sakin mula sa likod. Napapikit ako, araw araw kong hinihiling na maramdaman ang yakap na yun. Ngunit ngayon mali ito.

Chaeng tama na please. Tigilan mo na to! Umuwi ka na! Puntahan mo si Lisa mas kailangan ka nya! Sabi ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakayakap nya sakin.

Pero ikaw ang kailangan ko Jisoo. Si Lisa, hinayaan na nya akong piliin ka! Sambit nya at naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap nya.

Mali to Chaeng! Nagugulohan ka lang! Umuwi ka na!! Si Lisa ang mahal mo at sya ang dapat mong pakasalan hindi ako!! Pasigaw kong sambit at buong lakas kong tinanggal ang pagkakayakap nya sakin. At nagsimula na muli akong maglakad papalayo sa kanya. Ayaw ko ng lumingon baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at hindi ko na sya magawa pang pakawalan.

Nakarating na ako rest house at dumaretso na ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at pumikit. Siguro naman aalis na din sya maya maya.

12:00pm ng maisip kong tingnan kung nakaalis na ba si Chaeng. Naglakad na ako papunta kung saan ko sya iniwan kanina.

Laking gulat ko ng makita ko syang walang malay na nakahandusay sa lupa. Patakbo akong pumunta sa kinaruruonan nya.

Chaeng! Park Chaeyoung. Sigaw ko sa kanya. Kinuha ko na ang susi ng kotse nya at nahihirapan man ako, binuhat ko parin sya papunta dun.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan para madala sya sa malapit na hospital. Nang makarating kami dun ay agad namang ipinasok sya sa emergency room. Natataranta na ako, natatakot ako baka kung anong mangyari kay Rosé Kaya tinawagan ko na si Jennie para puntahan ako.

Matapos kong makausap si Jennie at sabihing papunta na sya. Pinatay ko na ang tawag, napaupo nalang ako at napasabunot.

Kasalanan ko to! Dapat hindi ko sya iniwan dun. Paninisi ko sa sarili ko.

First love, Last loveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora