Unexpected Soulmate Chapter 18

Start from the beginning
                                    

"Eunice, ano na naman ba 'yang lumalabas sa bibig mo? Pwede bang tumigil ka na?" may halong inis at pakikiusap na tuno ng pananalita ni Rhanz.

"Wow ha? Ako pa talaga ngayon ang mali?! E sinabi ko lang naman sa kanya ang totoo ah!" asik din ni Eunice.

"Ano ba kasi ang totoo! Bakit ba kasi sinasabi mong ako ang dahilan kung bakit humantong sa ganyang sitwasyon si Zion? Sabihin mo sakin ngayon, Eunice!" nanggigigil na singit ko. Tumingin naman sakin si Eunice ma may nanlilisik na mata, pero hindi ako doon natinag.

Hinila ni Rhanz ang braso ko para awatin kami. "Eunice, please itigil mo na 'yang kapraningan mo. Sa tingin mo matutuwa si Zion sa ginawa mo ngayon? Ha? Hindi niya magugustuhan na kayong malalapit sa kanya ay nag-aaway! Itigil niyo na 'to. Respetuhin niyo si Zion, pakiusap." puno ng pagpapaintinding sabi ni Rhanz.

Pagkatapos ay malumanay akong hinila ni Rhanz palabas ng kwarto ni Zion. Iniwan namin doon si Eunice sa loob. Ang akala ko ay kakausapin lang ako ni Rhanz kaya kami lumabas ngunit nagtaka ako kung bakit kami pumasok sa elevator at bumaba.

"Rhanz saan tayo pupunta?" agad na tanong ko nang magbukas ang pinto ng elevator at naglakad kami palabas.

Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad na nakahawak parin sa kamay ko. Hindi ko naman ito mabawi dahil sa sobrang higpit ng pagkahawak niyon. Malumanay niya parin akong hinila hanggang sa makalapit kami sa parking area.

"Hoy? Saan nga tayo pupunta?" pag-uulit ko.

Nang hindi siya sumagot ay pilit kong hinugot ang kamay ko dahilan para mapahinto siya at mapaharap sakin.

"Sagotin mo 'ko.." malumanay ngunit naiinip na sabi ko.

"Bakit? Nanligaw ka ba sakin?" nakuha pa niyang magbiro.

"Rhanz naman e! Hindi ako nakipag-biruan sayo, ano ba! Sagotin mo 'ko! Saan mo nga ako dadalhin?" naiinis na talagang sigaw ko.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo. Baka akala nila nag-aaway tayo, andami pa namang nakatingin satin." pabulong na sabi niya. Napatingin naman ako sa paligid at ganoon nalang umusbong ang hiya ko nang napagtantong ang dami ngang nakatingin samin.

Napayuko ako sa hiya at bahagyang pumikit habang ikinuyumos ang kamay. Nang magdilat ako ay ganoon nalang ang pagkagulat ko dahil sa sobrang magkalapit na ng mukha namin ni Rhanz. Ngumiti pa siya ng nakakaloko kaya mas lalong nag-init ang mukha ko.

"Ano.. napahiya ka no? Hinaan mo kasi minsan 'yang volume ng bibig mo. Iyan tuloy, tinitingnan na nila tayo." nang-aasar na aniya.

Nagtiim naman ang bagang ko at kinurot siya sa tagiliran. "Kasalanan mo 'to e. Kung sinabi mo kaagad sakin kung saan tayo pupunta, e di hindi sana ako sisigaw ng gano'n." pabulong ngunit may diin ang bawat salitang inilabas ko.

"Ang sakit nun ah! Pinaglihi ka ba sa alimango at ang lakas mong mangurot?" angil niya habang nakahawak sa bahagi ng tagiliran niyang kinurot ko.

"Sapak na kasunod do'n 'pag di mo sasabihim sakin kung saan tayo pupunta!" banta ko na inambaan kaagad ng suntok.

"Sadista ka! Halika ka na nga! Doon tayo sa resthouse ni tita pupunta. Sinabi niyang doon daw niya tayo patutulogin." sabi niya sabay hila na naman ng kamay ko ngunit binawi ko kaagad 'yon.

"Huwag mo na nga akong hawakan! Hindi ako pilay! Nakakalakad ako ng maayos, okay?" mataray na sabi ko at pinangunahan siya sa paglalakad patungo sa kotse niya.

Huminto ako at hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Ganoon nalang ang gulat ko nang dumiretso lang siyang pumasok at agad pinaandar iyon. Sumenyas pa siya sakin na sumakay na. Tinaasan ko siya ng kilay at sumenyas din sa kanya na pagbuksan ako.

Umiiling-iling pa siya bago bumaba ngunit bago pa siya makalapit sakin ay kusa ko nang binuksan ang pinto at pumasok. Ngisi-ngisi akong tumingin sa kanya habang sinuot ko ang seatbelt ko. Bumalik naman siya sa upuan niya sa driver seat.

"Iba ka rin mang-trip e no?" sarkastiko niyang sabi.

"Sorry po.." nakangisi at nang-aasar na sambit ko. Inirapan naman niya ako.

Umalis na kami at nasa sampung minuto lang ay huminto kami sa tapat ng medyo may kalakihang bahay.

"Bumaba ka na diyan, hindi kita pagbubuksan." masungit na aniya at saka bumaba.

Agad din naman akong bumaba at padabog na sinara ang pinto. "Sorry na nga e.." inis na sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

"Sorry.." bulong niya saka ngumisi ng sarkastiko. Nagpaumuna siyang pumasok, hindi man lang niya ako hinintay.

Sumunod nalang ako ng nakanguso. Nagi-guilty na tuloy akp sa mga pinanggagawa ko.

Nang makapasok ako sa bahay ay walang sumalubong samin. Parang walang tao maliban sa aming dalawa. Kaya nagtaka akong tumingin sa kanya habang nakaupo siya sa couch nitong sala.

"Asan sila tita?" takang tanong ko

"Nasa hospital." maikli niyang sagot.

"Rhanz naman.. Sorry na nga diba? Sagotin mo naman ng maayos ang tanong ko." malumanay na sabi ko. Tumingin naman siya sakin at pinagkunotan ako ng noo.

"Nasa hospital nga,"

"Paano nangyari 'yon? E doon tayo nanggaling tapos wala naman sila doon ah!"

"Sila yung tumawag sakin kanina. Ang sabi ni tita, malapit na daw sila sa hospital at kailangan na nating pumunta dito para magbantay nitong bahay." paliwanag niya.

"Bakit hindi pa natin sila hinintay doon?"

"Kung hihintayin natin sila, baka mas lumaki pa yung gulo niyo ni Eunice." anito at napanguso naman ako. Umupo ako sa kabilang couch at tumingin sa kanya.

"I'm sorry sa nangyari kanina do'n sa hospital. Hindi ko kasi maiintindihan si Eunice e. Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo niya pagdating sakin. Sabi pa niya ako daw yung may kasalanan kung bakit naaksidente si Zion.." nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.

"'Wag mo nang isipin 'yon. Hindi mo talaga maiintindihan ang ugali nung babaeng 'yon. Ewan ko nga kung ba't nahulog pa si Zion do'n.. Kahit ako naiirita din sa kanya minsan. Sinasabayan ko na nga lang din siya minsan dahil girlfriend parin siya ni Zion."

"Hindi lang pala ako ang ginaganoon niya?" nagtatakang tanong ko.

"Well, masungit at maarte. Pero pagdating sa pamilya ni Zion, samin, parang ina-adjust niya ang ugali niya. Sinusungitan niya ako minsan ngunit hindi gaya nang pagsusungit niya sayo. Tinatarayan niya ako ngunit iba yung sayo. Siguro.. nagseselos lang siya sayo. Feeling ko lang ,ah!" napanguso naman ako sa sinabi niya.

Hindi na ako nagsalita at humugot nalang ako ng malalim na hininga.

Paano nalang kung malaman niyang may nararamdaman din ako kay Zion? Siguro hindi na niya ako hahayaan pang lumapit do'n.

"Halika, ituro ko sayo 'yong kwarto mo." biglang sabi ni Rhanz dahilan para manumbalik ako sa reyalidad.

Sumunod ako kay Rhanz patungo sa magiging silid ko. Nang makarating na kami ay agad niya itong binuksan at pinauna niya akong pumasok.

"May mga damit at iba pang gamit diyan na pwede mong gamitin. Huwag kang mag-alala, si tita ang umasikaso lahay ng iyan para sayo." nakangiting aniya. "Kung.. may kailangan ka tawagin mo lang ako. Andoon lang ako sa kabilang kwarto." dagdag niya at tumango lang ako bilang sagot.

"Salamat." pahabol kong sabi.

Umalis na siya at sinara ko na ang pinto. Agad akong nagtungo sa closet at tama nga ang sinabi ni Rhanz. May mga damit nga dito na kasya ko pati gamit sa banyo ay pambabae.

Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos. Malalim na ang gabi kaya nakaramdam na ako ng antok. Kailangan ko na ding magpahinga dahil may plano pa akong gawin bukas.

Hindi nalang ako nag-isip pa ng kung ano-ano, diretso na akong natulog.

To be continued..........

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now