Unexpected Soulmate Chapter 18

Start from the beginning
                                    

"Huwag mo na siyang pansinin." sumadya pang lumapit sakin si Rhanz para ibulong iyon.

Gaya nga ng sinabi ni Rhanz ay hindi ko nalang siya pinansin. Lumapit ako kay Zion upang tingnan ang kalagayan niya. Ni hindi ko na tinapunan ng tingin si Eunice na nasa gilid parin ni Zion at nakahawak pa sa kamay nito. Tumukhim pa siya nang akma kong hahawakan ang mukha ni Zion ngunit tulad ng ginawa ko kanina ay binaliwala ko siya at tuloyang hinawakan ang mukha ni Zion at bahagya ko itong hinaplos.

"Tapos ka na?" nahihimigan ko ang pagka-sarkastiko niya.

"Sorry.." mahinang sambit ko.

Naiintindihan ko kung bakit siya nagkaganyan sakin. Kahit mahal ko si Zion, nirerespeto ko parin si Eunice kung ano siya sa kanya. May karapatan siya kay Zion dahil siya ang girlfriend at isa lang akong hamak na bestfriend, na ilang taong wala sa tabi niya. Kung hindi pa nangyari sa kanya ito, hindi ko siya makikita uli.

"Eunice," saway ni Rhanz sa kanya.

Tiningnan naman niya ito ng masama saka bumaling sakin na nakataas ang isang kilay at pinagkrus ang braso. "You look good together, huh?"

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Pero batid kong ayaw niya sa presensya ko ngunit wala na siyang magagawa dahil andito ako hindi para sa kanya kundi para kay Zion.

"Eunice, ano bang pinagsasabi mo dyan?" sita ulit ni Rhanz.

"Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" humawak pa siya sa dibdib niya na parang kinakabahan. "As far as I know, wala ka namang girlfriend and napapansin ko na bukod sakin ay si Precious lang ang nakakalapit sayo ng ganyan."

"So anong--" hindi natuloy ang sasabihin ni Rhanz nang mag-ring ang phone niya. Tumingin pa siya samin bago niya iyon sinagot. "Excuse me." sabi niya.

Lumabas siya at kami nalang dalawa ni Eunice ang magkaharap ngayon. Napako ang paningin ko sa nilabasan na pinto ni Rhanz. Nang pagbaling ko kay Eunice ay sumalubong kaagad ang tingin niyang nagtataray na naman.

Bumuntong-hininga ako saka tumikhim. "I'm sorry kung nabagabag ka ng presensya ko.. Andito ako para sa b-bestfriend ko kaya sana hayaan mo 'kong makasama siya kahit ganito ang sitwasyon." seryoso at sinserong sabi ko. Umangat naman ang gilid ng labi niya at bahagyang umiling.

"Well, okay lang naman sakin na andito ka e. Ang sakin lang naman ay.. dumistansya ka. Please know your limitations. Bestfriend ka lang at ako ang 'girlfriend' niya. Kaya sana bigyan mo naman ako ng respeto." giit niyang sabi. Batid kong yung paghawak ko kay Zion ang tinutukoy niya. May halong inis at hiya akong nararamdaman.

"Hindi mo naman na kailangan ipamukha sakin kung ano lang ako kay Zion dahil alam ko iyon. At isa pa, kung hinihingi mo ang respeto ko para sayo sana inisip mo rin na may karapatan din akong irespeto kahit 'kaibigan' lang ako." pilit ko parin pinakalma ang sarili ko habang sinasabi ko ang mga iyon. Dahil nirerespeto ko parin si Zion kahit alam ko naman na hindi niya kami maririnig.

"Kung inaasahan mong pakikitaan kita ng magandang pakikitungo, hmm you wish! Una palang kumukulo na ang dugo ko sayo. Dahil alam mo.. ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente si Zion!" biglang sigaw niya.

Hindi agad rumehistro sa utak ko ang mga huling sinabi niya. Pilit ko itong pinu-proseso hanggang sa malinawan ako. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin at hindi talaga makapaniwala sa mga narinig ko mula sa bibig niya.

"A-Anong sinasabi mo? A-Ako ang dahilan k-kung bakit naaksidente si Zion?" pagkaklaro ko na bahagya pang lumapit sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko namalayan ang paglapit samin ni Rhanz. Agad siyang pumagitna samin at nagpalipat-lipat ng tingin saming dalawa.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now